PARA SA MAS LIGTAS AT MAAYOS NA KOMUNIDAD.

Nito lamang Enero 26, 2018 sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella, ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti Drug Abuse Council (MADAC) upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng Kaligtasan at kaayusan sa ating bayan alinsunod narin sa mga programa at adbokasiyang pinaiiral sa ating komunidad.

Napagusapan sa nasabing pagpupulog ang mga programang ilulunsad alinsunod sa pagtitiyak na ang bawat Baliwagenyo ay laging handa sa anu mang oras ng Kalamidad o Sakuna na maaring maranasan sa komunidad. Ang FVE o Family Vulnerability Elimination na magsasagawa ng kasanayan at kahandaan para sa bawat Pamilyang Baliwagenyo, ang ALERT o All Ladies Emergency Rescue Team na bubuuin ng mga boluntaryong kababaihan sa buong Baliwag na sasanayin sa ibat ibang Search and Rescue Skills, at ang FVE Badge Program na tutukoy sa limang aspeto ng kagalingan ng isang establisyemento na kung saan kasama ang Peace and Order at Disaster Preparedness.

Tinalakay rin sa pagpupulong ang Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan na kung saan ang bawat departamento ay inaasahang makamit ang kanilang tinarget alinsunod sa adbokasiya ng Punong Bayan na maging maayos at ligtas ang buong bayan sa lahat ng oras, ang planong ito ay nagsimulang maimplementa matapos ang pagkakabuo nito nuong taong 2016 at tatagal ng 3 taon (2019) na kung saan magkakaroon ng pagsusuri kung ang naturang plano ay naging epektibo sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating Bayan.

Napag usapan rin ang maayos at epektibong implementasyon ng mga Anti Drug Abuse and Rehabilitation Programs ng bayan na kung saan kapansin pansin ang mataas na porsyentong pagbaba ng mga indibidwal na naapektuhan ng nasabing pinagbabawal na gamot at mataas na porsyento ng mga na rehabilitate sa ating Bayan.

Nasa nasabing pagpupulong sina Michael Ismael Flores at Conrado De Guzman ng PACC, SPO1 Ronald Tariga, PC1 Gregorio Santos, PO1 Jean Bernadette Cortez ng Baliwag PNP, Milagros Macabatao at Alejandro Fernando ng Baliwag North and South District, Alvin Lee C. Asuro, Marvin Castro at Jenny Rose Hernadez ng MDRRMO, Mary Joan Dinlasan ng MHO, Arsenia Huertazuela ng MAO, Francis Pineda ng BTMO, Josephine Lopez ng MSWDO, Russel Hugo ng NUTRIPOP, SFO2 Jay Cruz ng BFP, Antonio Sablan ng PIO at ang Municipal Administrator, Enrique V. Tagle sa pamumuno ng Punong Bayan Ferdie Estrella.

Nagkaroon ng pagkakasundo ang bawat miyembro ng council na magkaroon ng bukod na pagpupulong ang bawat cluster o lupon upang pagtuunan ng pansin ang paggawa ng Integrated Plan para sa kanilang cluster na naayon sa ikaaayos at ikabubuti ng pangkalahatang plano para sa Bayan ng Baliwag.

Dahil sa Bayan ng Baliwag, ang bawat Baliwagenyo ay nararapat na ligtas at laging handa sa anu mang oras.

#mdrrmc #mdrrmo #mpoc #madac #peaceandordercluster #baliwagenyo #mfve #baliwag #ligtasatlaginghanda

Baliwag HighFVE App, Shortlisted sa Award of Excellence in ICT for LGU ng DILG-NiCP

Hindi nga maawat ang pagkilalang tinatamo ngayon ng Bayan ng Baliwag sa iba’t-ibang larangan at ngayon nga ay ang paghirang sa Baliwag HighFVE Mobile App bilang FINALIST sa Award of ICT Excellence for GOod Governance – Local Government Units. Pumasok ito sa dalawang kategorya – G2C at G2C.

Ang Baliwag Mobile App ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa Baliwag at mga establisyimento nito. Gayun din ay nakalink ito sa mga units na may kinalaman sa emergency response tulad ng Baliwag PNP, Baliwag PACC, Baliwag RescueFvE. Ang alert button ay maghahatid naman ng signal ng emergency response at ang Trabaho Link ay maghahatid sa mga kumpanyang naghahanap ng empleyado.

Ang Baliwag High FVE Mobile APP ay may kapasidad din na magrenew ng mga permits na hindi nangangailangan pang pumunta sa Pamahalaang Bayan. Ang payment conduit nga nito ay ang Paymaya.

Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa layon ni Punongbayan Ferdie V. Estrella na maging Digital City at Innovation Hub ang Baliwag.

Tunay ngang #handa, #matatag, #maganda at #maningning ang kinabukasan sa Baliwag dahil hindi tumitigil ang mga departamento na maghandog ng serbisyong may malasakit sa pamamagitan ng paghahatid ng serbisyong maaasahan at mahusay. Ang proyekto ay nasa ilalim ng Municipal Information Technology Office sa pamumuno ni Brainard Ardońa.

FAQ on MTOP: Ang Prangkisa at Ang Mga Umiiral na Polisiya at Alituntunin Ukol Rito

BALIWAG, BULACAN. Noong nakaraang ika-13 ng Hulyo, taong kasalukuyan, pinagtibay ng Baliwag Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) ang mga patakaran at hakbangin ukol sa paggagawad ng prangkisa sa mga pampasadang traysikel.

Inilahad sa BTFRB Resolution No. 13 – 2017 (Policies and Measures on the Issuance of Motorized Tricycle Operators’ Permit) ang mga mahahalagang aspeto sa pagkuha ng prangkisa na dapat ay bigyang linaw at karampatang proseso.

(I) ANO NGA BA ANG MTOP? Ang MTOP o Motorized Tricycle Operators’ Permit ay ang prangkisa o kaukulang permiso na ipinagkakaloob sa mga nagta-traysikel para sila ay makapamasada sa mga lansangan ng isang lugar. Kaya para makapamasada ang isang traysikel sa bayan ng Baliwag, kinakailangan na sila ay kumuha ng MTOP o prangkisa sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag.

(II) ILAN ANG KABUUANG BILANG NG MTOP O PRANGKISA NA IPINAGKAKALOOB NG BAYAN NG BALIWAG? Ang kabuuang bilang ng MTOP na ipagkakaloob ay hindi hihigit sa pitong libo. Sa kasalukuyan, mayroong 6,248 na MTOP ang naipamahagi sa tatlumpung (30) Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODA) dito sa bayan ng Baliwag (Baliwag TODA). Hindi pa rito kasama ang labing siyam (19) na TODA mula sa mga karatig lugar katulad ng mga bayan ng Bustos at San Rafael, at gayundin sa lalawigan ng Pampanga.

(III) SINO ANG MGA MAAARING KUMUHA NG MTOP O PRANGKISA? Ayon sa bagong resolusyon na pinagtibay ng BTFRB, ang franchisee o ang tao na ginagawaran ng prangkisa ay dapat na nagtataglay ng mga sumusunod para makakuha ng MTOP o prangkisa:

          (1) Siya ay mamamayang Filipino;

          (2) Residente ng bayan ng Baliwag; at

          (3) May kaukulang lisensiya sa pagmamaneho.

(IV) ANONG DOKUMENTO ANG KAILANGANG IPAKITA PARA MAPATUNAYAN ANG PAGIGING MAMAMAYANG FILIPINO AT PAGIGING RESIDENTE NG BAYAN NG BALIWAG? Bilang patunay sa una at ikalawang kwalipikasyon, kailangan na ipakita ng franchisee ang kanyang Voter’s ID Card mula sa COMELEC AT resibo (proof of billing) kung saan nakasaad ang pangalan ng aplikante.

(V) ANO ANG EPEKTO NG  PAGKAKAROON NG IKATLONG KWALIPIKASYON NG ISANG FRANCHISEE? Sa pamamagitan rin ng pagkakaroon ng ikatlong kwalipikasyon, hindi na gagawaran ng prangkisa ang mga hindi mismo ang magmamaneho ng traysikel. Sa diwang ito ang mga operator na hindi magmamaneho o walang kaukulang lisensiya sa pagmamaneho ay hindi magagawaran ng prangkisa.

(VI) ANO ANG MGA DOKUMENTO NA KAILANGAN SA APLIKASYON NG PRANGKISA? Bilang karagdagan sa Voter’s ID Card, proof of billing at lisensiya, kailangan ang mga sumusunod na papeles para sa aplikasyon:

          (1) Resibo at rehistro (Official Receipt at Certificate of Registration) ng motorsiklo na gagamiting pamasada.

(Note: Kung brand new ang motorsiklo kailangan rin magpresinta ng sales invoice at certificate of sales mula sa pinagbilhan ng unit. Gayundin naman, kung ito ay second hand, kailangan namang ipresinta ang Deed of Sale bilang patunay sa pag-aari ng aplikante);

          (2) Barangay Clearance;

          (3) Medical Certificate kalakip ang Drug Test at X-Ray Test results;

          (4) Police Clearance;

          (5) Sipi ng Compulsory Motor Vehicle Liability Insurance ng traysikel;

          (6) Notaryadong  sinumpaang salaysay na nagpapahayag na mayroong espasyo para sa parking ng traysikel ang aplikante; at

          (7) Roadworthiness Test (Inspection) Report.

(VII) HANGGANG KAILAN VALID ANG PRANGKISA NG BALIWAG TODA? Ang prangkisa ng Baliwag TODA ay may bisa ng tatlong (3) taon mula sa taon na pagkakaloob ng prangkisa. Para sa mas maayos na pagmo-monitor, itinakda ng BTFRB na mawawalang bisa ang prangkisa sa pagsapit ng ika-30 ng Hunyo ng huling taon ng bisa nito.

(VIII) MAAARI BANG IPASA ANG PRANGKISA SA IBA? Hindi. Ang pribilehiyo na ipinagkakaloob ng pamahalaang bayan ay limitado sa pagkakaroon ng kaukulang permiso sa pamamasada gamit ang traysikel. Hindi kasama sa ipinagkaloob na pribilehiyo ang kapangyarihan na isalin ito sa iba. Tanging ang pamahalaang bayan, sa pamamagitan ng BTFRB lamang ang magtatakda kung sino ang pagkakalooban ng prangkisa, hindi ang ang franchisee.

(IX) ANO ANG AMENDMENT NG PRANGKISA? Ito ang pagsususog na isinasakatuparan sa prangkisa na nauna ng ipinagkaloob sa franchisee. Para magkaroon ng amendment, kinakailangan na nagkaroon muna ng prangkisa ang aplikante para rito.

(X) SA ANONG PAGKAKATAON AANGKOP ANG AMENDMENT NG PRANGKISA? Ang amendment ng prangkisa ay angkop sa mga sitwasyon na magpapalit ng motorsiklo ng traysikel ang franchisee, o kaya naman ay sidecar ang papalitan. Ito ay amendment lamang sapagkat mayroon ng prangkisang umiiral, papalitan lamang ang ilang detalye na nakasaad sa naunang aplikasyon katulad ng pagpapalit ng motorsiklo O sidecar, na nauna ng masuri ng BPLO.

(XI) SAKALING AAMIYENDAHAN  O MAGKAKAROON NG PAGBABAGO ANG PRANGKISA, ANO ANG DAPAT GAWIN NG FRANCHISEE? Sakaling naisin ng franchisee na susugan ang kanyang prangkisa, katulad ng pagpapalit ng motorsiklo O sidecar, maaari siyang mag-apply nito sa BTFRB sa pamamagitan ng BPLO.

(XII) ANO ANG MGA DOKUMENTO NA KAILANGAN SA AMENDMENT NG PRANGKISA? Sa pag-aapply sa BTFRB sa pamamagitan ng BPLO, kailangan lang ang mga sumusunod na dokumento:

          (1) Liham kahilingan sa BTFRB sa gagawing pagsususog sa prangkisa –  maaaring pagpapalit ng motosiklo O sidecar. (Sa kaso ng pagpapalit ng motorsiklo, kailangan na ilakip ang resibo at rehistro ng motorsiklo na gagamiting pamasada);

          (2) Notaryadong  sinumpaang salaysay na nagpapahayag ng dahilan sa pagpapalit ng motorsiklo O sidecar; at

          (3) Sipi ng Compulsory Motor Vehicle Liability Insurance ng traysikel, kung maaari.

(XIII) SAKALING MAIPASA ANG MGA DOKUMENTONG KAILANGAN, AUTOMATIC BA NA NA-AMIYENDAHAN NA ANG PRANGKISA? Hindi. Dadaan pa sa maigting na proseso ang  aplikasyon. Muling susuriin ang traysikel sa pamamagitan ng Roadworthiness Test (Inspection). Matapos makapasa sa naturang pagsusuri ay ilalatag na ito sa BTFRB para aprubahan. Sa pag-abruba ng BTFRB nakasalalay ang amendment ng prangkisa.

(XIV) SAKALING IBEBENTA ANG TRAYSIKEL NA NAPAGKALOOBAN NG PRANGKISA, KASAMA BANG NAIBENTA ANG PRANGKISA? Hindi. Ang prangkisa ay ipinagkakaloob sa franchisee dahil sa pagtataglay niya ng mga kinakailangang kwalipikasyon, at pagpasa ng kanyang traysikel sa pagsusuri base sa mga itinakdang criteria para rito. Ang traysikel lamang ang naibebenta hindi ang prangkisa. Ang pagkakaloob ng prangkisa ay laan lamang sa tamang otoridad. Sakaling ibenta ang traysikel na may prangkisa, awtomatikong mapapawalang bisa ang prangkisa na nauna ng nai-isyu rito.

(XV) ANO NAMAN ANG GAMPANIN NG MGA PANGULO NG MGA TODA SAKALING MAY NAPAG-ALAMANANG PAGBEBENTA NG TRAYSIKEL NA NAPAGKALOOBAN NG PRANGKISA? Sa bisa ng huling resolusyon ng BTFRB, naatasan ang mga pangulo ng mga TODA na ipagbigay alam agad sa BTFRB sa pamamagitan ng pangulo ng TODA Federation ang anumang inpormasyon na may kinalaman sa pagbebenta ng traysikel na napagkalooban ng prangkisa.

(XVI) HINDI ALAM NG NAKABILI NA HINDI PALA NAIPAPASA ANG PRANGKISA SA KANYA, ANO ANG KANYANG MAAARING REMEDYO? Dahil nga hindi naipapasa ang prangkisa, ang bagong may-ari ng traysikel ay maaaring mag-apply ng prangkisa sa kanyang pangalan.

(XVII) SAKALING YUMAO ANG FRANCHISEE, ANO NA ANG MANGYAYARI SA PRANGKISANG NAIPAGKALOOB SA KANYA? Sakaling yumao ang franchisee, awtomatikong mawawala ang bisa ng prangkisa.

(XVIII) ANO NAMAN ANG MAAARING GAWIN NG MGA NAIWAN (HEIRS) NG YUMAONG FRANCHISEE PARA MAKAKUHA NG PRANGKISA? Ang nabakanteng prangkisa ay maaaring apply-an ng naiwan ng yumaong franchisee. Maaari siyang dumulog sa BTFRB sa pamamagitan ng pangulo ng TODA Federation, at ipahayag ang layunin na maging aplikante sa nabakanteng prangkisa.

(XIX) SAKALING ANG PLAKA NG MOTORSKILO AY PANG-PRIBADO, MAAARI PA RIN BA ITONG MAKAKUHA NG PRANGKISA? Sakaling ang plaka na ipinagkaloob ng LTO ay pang-pribado, maaari pa ring makakuha ng prangkisa. Kinakailangan lamang na magpasa ng notaryadong sinumpaang salaysay na nagsasaad na iko-convert ang naturang gamit ng motorsiklo bilang pamasada sa loob ng isang (1) taon. Matapos ang palugit na ito at hindi naisasaayos ang naturang pagpapalit, awtomatikong mapapawalang bisa ang prangkisa na naipagkaloob.

PANGWAKAS: Sa diwa ng paghahandog ng serbisyong may malasakit, sakaling may mga katanungan o paglilinaw na nais ukol sa naturang suheto, maaaring makipag-ugnayan sa  Business Permit and Licensing Office (BPLO) at Baliwag Traffic Management Office (BTMO). Ang mga naturang tanggapan ang tumatayong Secretariat ng BTFRB.

BASIS: BTFRB Resolution No. 13 – 2017 (Policies and Measures on the Issuance of Motorized Tricycle Operators’ Permit). END

Baliwag DTI Go Negosyo to be Inaugurated Today in a Simple Ceremony. 

With a strong desire to make Baliwag truly business friendly and competitive, Mayor Ferdie Estrella invited the Department of Trade and Industry Go Negosyo Center to open in Baliwag after he allowed and provided space for the construction of the Go Negosyo Center. 

The Baliwag Chamber of Commerce and Industries Inc. will be co-locating and will use it as their office to facilitate transactions of the business group.  Sometime last year, Mayor Ferdie organized the chamber to make sure that the business community will have a sphere of influence in tracking the future development of Baliwag. 

“By the end of the year, I will push more attempts to present to the community a new concept of governance advancing the quality and level of service as ANY FRONTLINING SERVICE FOR THE INVESTORS WILL BE CONDUCTED at our new ONE STOP SHOP Center dubbed as THE BALIWAG BUSINESS CENTER. The BBC will have a wireless center concept with business counselors attending to the various needs of Investors on a one to one scheme.” Mayor Ferdie explained.

By next year, we will begin constructing airconditioned restrooms and the business lounge with pocket rooms for meetings and a waiting lounge for clients.

Limang Quick Response Vehicle nakatakdang I-turnover ngayon.

Limang Quick Response Vehicles ang nakatakdang i-turn over ngayon sa Limang barangay upang maging katuwang nila sa paghahatid ng Serbisyong May Malasakit. 

Ang mga barangay nga ng Santo Cristo, San Jose, Pinagbarilan, Makinabang at Tarcan ay pagkakalooban ng mga bagong sasakyan ng Pamahalaang Bayan upang magamit sa panahon ng emergency.  Ang barangay Sabang ay makakatanggap din ng isang van sa susunod na buwan.

Gaganapin ang Turn-over mamaya sa High FVE sa Barangay Santo Cristo. Ito nga ang pagbisita at pagiikot ni Mayor Ferdie sa mga barangay. Aniya, hindi dapat tuwing eleksyon lang naghouse to house dahil ang serbisyong may malasakit ay walang pinipiling panahon bagkus ito ay #maagap. 

No Registration Fee, Free Worktext books, New Teachers, Free Shirts at  Standardized Curriculum para sa Baliwag Day Care. 


Ilan nga lang iyan sa mga benepisyo na nag-aantay sa ating bagong ECCD Program sa Baliwag. Matapos ang isang taon na extension period sa ating mga daycare students ay ninais na nga ni Mayor Ferdie na ipatupad ang standardized curriculum upang masiguro ang kalidad ng pagtuturo sa ating mga batang Baliwagenyo. Pinakamahalagang Idad nga ang 3-5 taong gulang kung saan ang mga bata ay nagsisimulang mahubog ang kaisipan. Dito nabubuo ang konsepto ng kumpiyansa, tama at mali, pananaw at iba pang katangian.


mga babaguhin sa Baliwag ECCD:

1. Pagstandardized ng kurikulum upang masiguro na ang itinuturo sa isang barangay ay ganun din sa iba.

2. pareparehong paggamit ng materyales at laruang panturo

3. pangangalaga sa kabuuan ng ECCD Program kasama na ang nutrition, neglect, special needs at pagbabasa.

4. pagpapatibay sa Early Child Care Development Program sa pamamagitan ng pasilidad at pamilya.

5. WASH Program

6. Pagpapasailalim sa isang konseho nang makabuo ng matibay na polisiya at  program monitoring.

7. Teacher professionalization.


Magkakaroon nga ng sariling worktextbook ang lahat ng nasa daycare, kits, t-shirt, at journal at ito ay ibibigay ng libre.

pinapaiwas nga ni Mayor Ferdie ang mga magulang sa paggastos sa mga hindi mahalagang mga bibilhin. 

Kailangan natin itaas ang  lebel ng daycare upang sa gayon ay maibigay o maipantay natin ang mga oportunidad na laan sa mga may kaya sa pribadong daycare center. 

Ayon kay Mayor Ferdie, walang batang dapat maiwanan sa Baliwag.

Reporma ng Baliwag ECCD Sinimulan na! Teachers nireshuffle, muling magsasanay. 

w na ngang ipatupad ang mga reporma sa Baliwag Early Childhood Care Development Program matapos nga na maantala ito ng isang taon. Matapos ang pagbuo ng isang Konseho na mamamahala sa implementasyon ng ECCD program ay ibinaba na ang listahan ng mga bagong guro, samantala, ang lahat naman ng guro na nakalusot sa training, curriculum preparation, demonstration at parents’ evaluation ay hindi na maaaring malagay sa dating barangay na huling naturuan nang sa gayon ay masiguro natin na ang mga guro ay hindi nahihimpil ang kanilang pagkamalikhain sa pagtuturo. Ayon sa pag-aaral dapat na naiikot ang mga guro nang magkaroon sila ng kakaibang perspektibo sa pagtuturo at pakikipagtrato sa mga mag-aaral. 

Malinaw ang layunin ng ECCD Development Program sa kasalukuyan at ito ang mga sumusunod:

1. Makagawa ng angkop na kurikulum para sa mga idad bago ang pagtungtong sa paaralan. 

2. Makapaghandog ng mga tamang kagamitan panturo at laruan nang makatulong sa pagsasalin at makahanap ng mga katuwang na nasa pribadong sektor o kaya ay civic organizations na tutulong na mailunasad ang programa tulad ng WASH.

3. Masigurong nasa hustong idad ang mga nageenrol sa DepEd Eccd at LGU Eccd at magkaroon ng tamang paglalapat ng ekspektasyon ang magulang, guro, mag-aaral at pamahaalang barangay at ang Pamahalaang Barangay sa kanilang mga tungkulin.

4. Makapaglunsad ng naaayong nutrition program kasama na ang maayos na implementasyon nito. 

5. Makapaglunsad ng Parent Effectiveness Seminar buhat sa mga magulang na naka enrol na at hindi pa nakaenrol na bata na may layunin na magpapatibay sa pundasyon ng mga magulang.

6. Magsagawa ng surveillance ukol sa implementasyon ng  New Children Code of Baliwag.

Nais ni Mayor Ferdie na matutukan talaga ang programa para sa batang Baliwagenyo. Ito umano ang dapat na maging sentro ng programa natin para sa mga bata – mula sa kanilang sinapupunan hanggang sila ay mag labing-walong taon gulang.

Magsisimula ang pasukan sa Miyerkules at dito nga magsasagawa na ng electronic registration sa pamamagitan ng mga e-tablets.

Ang mga bagong assignments ay ipapatupad upang maiwasan ang complacency at pananatili sa kanilang mga comfort zones ang mga guro. Ang ibang daycare teachers ay magmomonitor naman ng implementasyon ng iba pang programa sa ilalim ng ECCD at Baliwag  New Children Code.

School Governing Council ng Tarcan, katangi-tangi.


Sa programa ng Baliwag na Pagpapalakas sa mga school governing councils na binubuo ng magulang-principal/guro-brgy. Captain/pamahalaang barangay, masasabing modelo nga ang barangay Tarcan.

Mula nga ay talagang nakatutok ang Barangay Kapitan ng Tarcan sa edukasyon ng mga kabataan ng Tarcan. Isa nga ito sa mga nagpasimula ng hatid-sundo program upang maiiwas na nga ang mga bata na mamasahe. Isa nga sa mga dahilan upang ang bata ay tumigil pa ng pasahe ay ang pasahe kaya’t naisip ni Brgy Captain Ariel Cabingao na maglunsad ng libreng sakay sa mga bata lalo na ang mga taga Mulawin Matanda at bata. Milyon ang natitipid ng mga bata dito sa isang taon. Dito din nga nakikita ang rason kung bakit ang Tarcan Elementary School ang siyang may pinakamataas na participation rate at pinakamaatas na AVERAGE NATIONAL ACHIEVEMENT TEST RANK SA BUONG LALAWIGAN. Palitan nga ang Tarcan at Catulinan sa distinksyon na iyon. Parehas nga na may hatid sundo program ang dalawang barangay. 
Bukod sa hatid sundo ay kakikitaan ng kasiglahan ang mga magulang o PTA at lubos ang pagsuporta sa mga programa ng paaralan. 

Ang ganitong uri ng pakikilahok ang tunay na kailangan ng bayan upang lalo pa nating mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Baliwag.