Sitting Pretty Campaign sa Baliwag, Sa Ikalawang Taon Nito

26235499_10155004000041175_249040146_n

Sitting Pretty – parirala o idyomang nangangahulugan sa wikang Ingles na in a very pleasant position, living in comfort, living in a good situation. Pinili nga ang dalawang salitang ito upang hubugin  ang pagbibigay ng serbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag na may kaugnayan sa pagpapadali ng pag-aaplay ng business permit at kaagapay na aktibidad nito.

 

26241394_10155004003026175_2020511111_n

Ang paglagda ni Mayor Ferdie Estrella sa Executive No. 31 Series of 2016 o Institutionalizing the Sitting Pretty Campaign ay pagtalima sa inilabas na Joint Memorandum Circular 01, Series of 2016 sa pagitan ng DICT, DTI at DILG patungkol sa streamlining process sa pag-aplay ng business permit . Ito ay nagbigay daan upang tumugon sa repormang inaasahan o higit pa sa Business Permit and Licensing System na kinabibilangan ng processing time, number of steps, form used and number of signatories kasama na rin ang iba pang complementary reforms  tulad ng setting-up of a Business One-Stop-Shop (BOSS), conducting Joint Inspection at automating business permit application processes.

 

26551555_10155004000216175_254983316_n

Nasa ikalawang taon na ng implementasyon ang Sitting Pretty Campaign na talaga namang malaki ang nagiging magandang dulot sa mamamayan. Sa unang taon nito, napabilis at napagaan ang proseso ng pagkuha ng business permit new or renewal man. Napatunayang nakatulong ito sa pagdagdag ng mga bilang ng mga negosyong rehistrado na merong 3,473 taong 2017 mula sa 2,529 noong  2016 na may 37.33 porsiyento na pagtaas ng bilang. Ito ay nagresulta rin sa pag-akyat ng koleksiyon ng lokal na buwis at pagkakaroon ng magandang  feedback mula sa mga negosyante maliit man o malaki.

Kaya naman  sa mga negosyante at nagnanais mapabilang sa mga namumuhunan sa Baliwag, isang tunay na kapakinabangan ang pagkakaroon ng Sitting Pretty Campaign. Ito ay kabahagi  pa rin sa mga repormang isinusulong  ng serbisyong may malasakit ni Mayor FVE.

Ang Aking Kwento

0001018993
Normal naman na sa akin ang ganito, ang maghintay na pagbigyan mo.                       Umulan man    o Umaraw, ganun parin, magkwentuhan nalang tayo.               WALANG PAGBABAGO:   Minsan height mo, Kadalasan traffic sa EDSA!

Malayo layo na din ang aking narating, ilang bayan at probinsya na rin ang aking tinahak at sa bawat araw patuloy na nagbabago ang landas na aking dinaraanan ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay  isang pangalan lamang ang palagi kong tangan. Sino pa kaya ang nakaka-alala ng aking kwento? Kasi naman, bagama’t ako’y isang lingkod publiko ay alam kong bibihira lamang ang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Ano nga ba sabi nila dun sa Ingles? Ah oo, “They Just Know My Name, NOT My Story” naalala ko din. Lalo na sa mga millenial millenial na yan ngayon, ipupusta ko ang isang araw na kita ko, madalang ang nakakaalam sa istoryang naiguhit ko sa bawat kalsada maging magpa-hanggang sa EDSA.

296319_197243700347220_246088811_n
Sa dako paroon, naka-tuon ang paningin ng mga pasaherong sa akin ay nakasakay, di pa kasi uso selfie kaya kanya kanya pa kami ng tinitingnan, pero kahit na                   ganon, Ang Gwapo ko Dyan!.                        KINUPASAN: Minsan Pintura ko, Kadalasan Yung Maong Mo!

Nagka-ideya ka na ba kung sino si AKO? Oo, AKO yung naghatid sa iyong lola nung dekada 70 patungo sa divisoria kung saan nya nakilala yung Lolo mo, oo ako din yung nag-ugnay sa Tyahin nung kapitbahay mong hinangad makapangibang bayan, bitbit nga lang nya noon ay yung bayong at abanikong maleta. Tama, ako din yung naging tulay para marating ng guro mo nung elementarya ang unang hakbang nya sa syudad na kung tawagin ay Maynila, sabagay ako din naman kasi yung naghatid sa Tiyo mong galing NAIA ng sumakay sya sa bandang Pasay. Sa pagkakaalala ko nga, ako din ang naging daan para makarating ang iyong Tatay sa ating bayan upang makipag eyeball  sa nanay mo na nakilala nya sa text at beeper. Nahiya pa nga ang langgam sa ka-sweetan nila nun sa terminal eh, akala mo ba ay natagpuan na nila ang forever. Hay!! Ang dami ko na din palang naging parte sa buhay ng mga tao, at ou tama ka ako nga ito, ako nga!

8662196121_5191c3b728_b
Kuha ito noong malinis-linis pa ang hangin at kalsada sa may bandang Kalayaan,  sakay ko pa rito ang ilang estudyanteng lingong lingo eh ibinabandera sa akin ang ID na kanilang suot,   muntik na tuloy akong maniwala na tunay nga ang Trinoma University!.              LAKWATSERA: Minsan Ikaw, Kadalasan si Dora

Yung iyong sinasakyan at sinasabihan ng “Trinoma po, estudyante”. Alam mo bang natatawa nalang ako kapag lingong lingo e sinasabi mo sa konduktor ko ang linyang ito? Makikipagdate ka lang eh ginagamit mo pa ang ID mo, ang masama, expired na yung ID mo dahil last sem ka pang di nagenrol ineng.

 

 

72814_292486430890891_1788125152_n
Pasasalamat sa kumuha ng isa sa aking kauna-unahang selfie at kamusta na din kay  Kuyang nakipag-selfie sa aking tulak ang kanyang Kariton.                                            FAMOUS: Minsan artista, Madalas AKO!

 

 

Ou tama ka nga, ako ito, yung bus, yung may tatak na sumbrero, tatak buntal, tatak Baliwag! Nagsimula akong pumsada sa industriya kundi ako nagkakamali ay noong dekada 60. Karag karag pa ko noon at iilan pa lamang din kami noon ng aking mga kapatid. Si Doña Victoria Tengco ang itinuturing kong aming Ina. Sya kasi yung nangahas na sumugal sa industriya ng pampasaherong sasakyan upang ang ating mga kapwa Baliwagenyo ay maihatid sa mga lugar sa kamaynilaan at iba pa nating karatig probinsya. Naalala ko pa nga na roughroad pa noon ang EDSA at di pa gaanong uso ang NLEX o SCTEX.

5953894841_0d4c6b506c_b
Isa sa aking ipinagmamalaki ay ang kalinisan na aking taglay sa kabila ng aking  araw-araw na         pakikidigma sa polusyon sa EDSA. #AngPOGI            GWAPO:  Minsan yung Crush Mo, Madalas, Syempre AKO!

Madaming pasahero na rin ang aking naisakay, andyaan si Ateng apura ang pagbiling sa upuan na akala mo ba ay may naupuang isang laksang langgam, andyaan din naman si Lola na nakasampong ulit na yatang nadasalan ang kanyang rosaryo eh napaka malumanay namang magpatakbo ng driver ko. Naku, naalala ko din si Bunso na apura ang lawit ng kamay sa bintana ng minsang masakay sa aking ordinaryong modelo, ay naku naalala ko pang halos mapamura ang kanyang Itay sa pananaway sa kanyang delikadong gawa. Andun din naman karaniwan sa bandang likuran ang magjowa na palaging sa akin ay sumasakay at ginagawang Luneta ang upuan ng aking sasakyan. At ayon sa bandang gitna, andun yung estudyanteng planong magsalamin ng maaga sa pagpilit na mabasa ang libro na kanyang hawak.

 

images
Alam nyo bang isa ang mga vendor na ito kaya di ako naiinip sa bawat byahe ko, ang dami kasi nilang kwento tapos may bonus pang free taste ng kanilang produkto. LIBRE: Minsan totoo, Kadalasan ewan ko!

Si tatay na kasalukuyang binibilang ang kanyang sweldo ay hayun at nasa bandang bintana katabi si kuyang daig pa ang call center sa kakatelebabad. Ang dami dami nila, di pa dyan kasama ang mga vendors na panik at panaog sa akin na sinasamantala ang traffic. Ang dami nila, araw araw iba, iba’t ibang tao, iba iba rin ang kwento at isang bagay ang ikinakasaya ko, sa bawat kwento na ito ay nakasahog ako. Nahabi ng may kaunting hibla ko kumbaga.

 

10713004_787472717990979_8984730480887364994_n
Millenial din ako, eto nga pala ang aking cover photo. UPDATED: Minsan mga Gimik ko, Kadalasan Status sa Facebook nyo!

 

Ngunit sa kabila ng lahat ng pagbabago at dami ng mga rutang tinahak ko, isang pangalan lamang ang aking tinataglay, ang pangalan kung saan ako sinilang, sa bayan kung saan unang ginanap ang halalang sibil sa Asya, sa bayang tanyag ang serkele, pastillas at Lechon Manok, sa bayang sinilangan ni Ponce, sa bayang tinatawag na Baliwag.

 

9494334852_f5e61b0cd2_b
Magkaiba man ang kulay na nakapahid sa amin, iisang gasolina naman ang nanalaytay samin. Porma Porma lang                          naman yan #CousinGoals                           FASHIONISTA: Minsan Kayo, Kadalasan KAMI Din!

Baliwag Transit man o yung pinsan kong si Golden Bee kapwa kami Baliwagenyo. Sa bawat araw ay ibinabalandra namin sa katrafican sa EDSA ang pangalang aming pinagmulan. Sa bawat araw ay nakikipagsabayan kami sa iba’t ibang ngalan ng pampublikong sasakyan sa kalsada maging sa NLEX o SCTEX man. At sa bawat araw na lumipas isa lamang ang aming hangad -ang maihatid kayo ng ligtas.

 

88_big
PHOTO BOMBER: Minsan Bagay, Kadalasan Kayo!, Nag-gugroufie kami dito nila pinsang GoldenBee eh! Popost pa naman namin to sa IG #CouzGoals 

Sa bawat panahon at oras na sa akin ay dumaan, ako bilang lingkod publiko ay isa lang palagi ang paninindigan. Magbago man ang kulay at anyo ko, magbago man ang modelo ng kaha o gulong ko, patuloy ko pa ring ititimo sa aking isipan na ako ay isang produktong Baliwagenyo. Ang kalidad ng aking serbisyo ay suamsalamin sa kalidad ng isang Baliwagenyo -maagap, mahusay, at may pagmamahal. Ang sumbrero na akin ng naging tatak sa loob ng halos ilan ng dekada ay salamin ng isang Baliwagenyong sinubok nang napakaraming pagsubok ngunit sa huli ay buong dangal pa ding tumitindig  at iwinawagayway ang sagisag ng ating pagka Dugong Baliwag, Pusong Baliwag.

 

4851577232_b827dd57c4_b
Patuloy Kong iwawagayway ang Bandilang Baliwagenyo sa Larangan ng Transportasyong   Pampubliko! #travelGoals                     BALIWAGENYO: Minsan Pasahero ko, Madalas, SYEMPRE AKO!

Ngayon, bukas at maging saan man ako dalhin ng panahon at maging sa anong kwentong buhay pa man ang mahabi ko sa loob man o sa loob ng aming terminal o maging sa bawat kalsadang aking gugulunga, patuloy at patuloy kong dadalhin ang pangalan ng Bayan ko, sapagkat ako, Si BALIWAG TRANSIT ay isang tunay na DUGONG BALIWAG, PUSONG BALIWAG at naghahatid ng SERBISYONG MAY MALASAKIT. Ito ang kwentong byahe ng buhay ko.

 

Pamahalaang Bayan ng Baliwag nagsimula ng sumailalim sa proseso ng International Standard Organization (ISO 2015)

Nagsimula na ngang sumailalim sa proseso ng sertipikasyon ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag isang taon matapos na maihanda ang kawanihan. 

Sa pamamagitan ng sertipikasyon ay nasisiguro na ang mga sistema at pakikipagtransaksyon sa mga tanggapan ay naayon sa pamantayan ng ISO. Sa huling circular ng DBM sa pagpapalabas ng Performance Based Bonus, kasama ang pagkakaroon ng ISO upang makapaglabas ng pondo laan para dito.

Ang unang batch nga buhat sa iba’t-ibang tanggapan ay pinadalo sa Familiarization upang malaman ng bawat kawani kung ano nga ba ang ISO. Dalawa ang layunin nito, mapakita ang pagkapareparehas at pagkaparehas ng sistema at ikalawa, mapataas ang antas ng kaaiyahan ng mga kliyente sa mga produkto at serbisyo ng mga tanggapan.

Ngayon darating na Lingo, ang ikalawa at huling grupo ang sasabak nga sa familiarization kasabay ng isang management committee upang matalakay ng ISO Team ang mga gawain ng bawat isa.

Ano nga ba ang mga paraan sa pagkuha ng Mayor’s Clearance o kaya ay Affidavit of Non-Filing? 

Maaring madownload ang kabuuan ng citizen’s charter ng Baliwag sa pamamagitan ng pagclick dito BALIWAG CITIZEN’S CHARTER

Nakapaloob dito ang buong transaksiyon at serbisyo na pwedeng ipagkaloob ng Pamahalaang Bayan

Free Civil Service Exams Review handog ng Baliwag at BTECH. 

Bunsod nga sa mithiin ng administrasyon ni Mayor Ferdie na higit na mabigyan ng sapat na kakayanan at kawalipikasyon ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan  gayun din ang mga iba pang Baliwagenyo na nag nanais ngang maglingkod sa ating serbisyo sibil sa pamamagitan ng Review Program na ito.

Ang programa ngang ito ay sa pakikipagtulungan sa Baliwag Polytechnic College at gaganapin tuwing Huwebes at Biyernes sa ganap na ika-530 ng hapon sa Conference Hall ng Municipal Annex Bldg.

Para sa inyong katanungan, tumawag sa telepono 7980391 loc 4766

Baliwag’s Citizen’s Charter Booklet, maaari ng madownload. 

Click Baliwag Citizen’s Charter to download.

Maaari na ngang madownload ang citizen’s charter ng Baliwag, ito ay matapos halos isang taon mula ng maipangako ni Mayor Ferdie Estrella ang isang gobyernong naghahandog ng serbisyong may malasakit – magiliw, maaagap, mahusay, maaasahan at magkakatuwang. 

Sa pamamagitan ng citizen’s charter, ang publiko ay binibigyang kaalaman kung gaano nga ba ang dapat na itagal ng isang transaksyon sa Pamahalaang Bayan. 

This booklet will teach us accountability and transparency. Last year, the Municipal Government of Baliwag received a grade of 80 from the Civil Service Commission after it was measured on the basis of how satisfied its clients in providing service. The grade is equivalent to a FAIR. This year, it hopes to receive a rating equivalent to excellent, between 95 to 100. Substantial knowledge of the people about the citizen’s charter is also part of the criteria. 

Many developments have been introduced in as far as the organization is concerned. This is  largely because of an expressed policy of the government to Reform, Perform and Promote.  With these reforms, I can say employees take pride that we are giving them an appropriate venue for development.

Click to download 

Baliwag DTI Go Negosyo Center will soft launch on June 28. 

The Local Government of Baliwag and the Department of Trade and Industry jointly agreed to soft launch the center on June 28 even if the ViP Restrooms are still being constructed to be able to begin the service for the benefit of the business community. While the Business Permits and Licensing Office upgrades its list of business establishments with delinquency, the opening will benefit them as application of new DTI Registration will be done in Baliwag, saving them material time to go to Malolos. The Negosyo Center will also be home to the Chamber of Commerce and Industries of Baliwag, Inc, the recognized main business group recognized by the local government.

DTI postponed the scheduled visit of Sen. Bam Aquino as it anticipates the launch of Baliwag’s BOSS Center in line with its Seating Pretty ang Tax Payer sa Baliwag Program which was created thru an Executive Order signed by Mayor Ferdie Estrella. The EO is similar to the JMC issued by DILG, DTI and DoF aimed at streamlining the application and release of Business Permit. 

Baliwag was rated this year by the Central Luzon Corridor Foundation with a 91% score from its previous rating of 79%

Why is the LGU ordinarily BUSY? 

The coming week is seen to be ordinarily busy, “that is the NEW NORMAL”, an employee of the Local Government joked.

June 19 – Self Assessment Customer Satisfaction, Municipal Child-Friendly Evaluation

June 20 – High FVE sa Barangay

Inauguration of Footbridge

 Cluster Meeting of the Social Protection Sector 

June 22 – ECCD Parent’s Briefing AM PM and Meeting of the Private Schools Consortium with Offices of Environment, Public order and safety and Health and Nutrition.

Baliwag Local Civil Registry Chief Dolores Lumabas also came to notice how employees seemed to be always doing something and on guard all time. Nabuhayan ng dugo“, a Filipino idiomatic expression for awakened senses or resurrected dynamism.

That one could be the result of a counter-culture program launched by Mayor Ferdie when he assumed office. They live up to the mantra: dapat serbisyong may malasakit at kung may malasakit daw ito ay kailangan maagap, magiliw, maaasahan, mahusay at magkakatuwang. The feedback mechanism was also working very good for the people with so many platforms available such as the website, calls and texts to hotline, suggestion boxes and of course, facebook, all of which are working 24/7. In short, these times are times, difficult not to know if you are working as per target. The Municipality of Baliwag is strictly adhering to the Strategic Performance Management System and is vying for the Seal Of Local Good Governance and ISO Certification. Both of which are requirements for the release of the Performance Based Bonus. 

Municipal Administrator Enrique Tagle said: “Like what Mayor Ferdie said, Baliwagenyos deserve nothing but the highest form of service. The employees, well most of them, are embracing this new culture of governance. This is a time when employees take so much pride in wearing their uniforms and IDs. Yes, I can say, there’s a sense of pride in it. In the LGU, we continue to aspire for that day, when people and institutions will equate government to efficiency.”



Taking the road-less traveled, Baliwag welcomes today Seal of Good Local Governance Evaluators

The Municipal Government of Baliwag welcomes evaluators from the Department of Interior and Local Government and the Philippine Chamber of Commerce and Industries, Inc. for the scheduled Seal of Good Local Governance validation today. The Local government will be assessed on four core sectoral areas such as Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection and Public Order and Public Safety. The LGU must pass all four core areas, not missing even a criterion under those four sectors. Meanwhile, there are three essential areas that must be met including environment, business friendliness and competitiveness and tourism, arts & culture.

Baliwag failed to receive the most coveted seal of good local governance for the past years. Last year, DRT, Plaridel, Guiguinto, Calumpit and San Rafael received the Seal. 

Baliwag Mayor Ferdie Estrella encourages all employees and Baliwagenyos to support the bid. 

The seal will be one of the measures that will be used to ensure that a higher level of service standard is in place, translated to serbisyong may malasakit.

May the odds be ever in your favor, Team Serbisyong may Malasakit.