Pamahalaang Bayan ng Baliwag nagsimula ng sumailalim sa proseso ng International Standard Organization (ISO 2015)

Nagsimula na ngang sumailalim sa proseso ng sertipikasyon ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag isang taon matapos na maihanda ang kawanihan. 

Sa pamamagitan ng sertipikasyon ay nasisiguro na ang mga sistema at pakikipagtransaksyon sa mga tanggapan ay naayon sa pamantayan ng ISO. Sa huling circular ng DBM sa pagpapalabas ng Performance Based Bonus, kasama ang pagkakaroon ng ISO upang makapaglabas ng pondo laan para dito.

Ang unang batch nga buhat sa iba’t-ibang tanggapan ay pinadalo sa Familiarization upang malaman ng bawat kawani kung ano nga ba ang ISO. Dalawa ang layunin nito, mapakita ang pagkapareparehas at pagkaparehas ng sistema at ikalawa, mapataas ang antas ng kaaiyahan ng mga kliyente sa mga produkto at serbisyo ng mga tanggapan.

Ngayon darating na Lingo, ang ikalawa at huling grupo ang sasabak nga sa familiarization kasabay ng isang management committee upang matalakay ng ISO Team ang mga gawain ng bawat isa.

Free Civil Service Exams Review handog ng Baliwag at BTECH. 

Bunsod nga sa mithiin ng administrasyon ni Mayor Ferdie na higit na mabigyan ng sapat na kakayanan at kawalipikasyon ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan  gayun din ang mga iba pang Baliwagenyo na nag nanais ngang maglingkod sa ating serbisyo sibil sa pamamagitan ng Review Program na ito.

Ang programa ngang ito ay sa pakikipagtulungan sa Baliwag Polytechnic College at gaganapin tuwing Huwebes at Biyernes sa ganap na ika-530 ng hapon sa Conference Hall ng Municipal Annex Bldg.

Para sa inyong katanungan, tumawag sa telepono 7980391 loc 4766

Baliwag Personnel Selection Board, Nagsagawa ng Interview sa mga Aplikante 

Nagsagawa nga ng interview kahapon ang Personnel Selection Board upang punuan ang labing-apat na bakanteng posisyon sa Pamahalaang Bayan. Naging mabusisi ang mga miyembro sa pagpili nang sa gayon ay mga tamang tao ang mailagay sa mga posisyon. 

Ayon kay Baliwag PSB Chair, Municipal Administrator Enrique Tagle, “nais ng Punongbayan na maibigay ang mga posisyon na iyon sa mga tamang tao. Hindi dahil sa matagal sila kung hindi sila ang may angkop na kagalingan at natapos na kurso.” 

Dumalo naman sa Personnel Selection Board Meeting sina Konsehal Pechay dela Cruz, kinatawan ng Sangguniang Bayan; Dr. Maryjoan Dinlasan at Municipal Accountant Ms. Rhea Diana Payuran, mga kinatawan ng Level 3; at Mr. Herson Cruz, Kinatawan ng Level 2. Si Human Resource Development Officer Chief, Ms. Esther Cabigao naman ang pinuno ng Secretariat. 

Naka sentro naman ang mga katanungan ng mga PSB sa reporma at inobasyon sa burukrasya bagay na naka linya sa plano ni Mayor Ferdie na maging sentro ng inobasyon at mahusay na kawanihan ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag. 

Ayon kay Dr. MaryJoan Dinlasan, Municipal Health Officer, “the mere fact that the system is activated is already an indication that we are in the direction of meritocracy and professionalism.” 

“Masaya ang mga exercise na ganito, dati rati ay basta malalaman mo lang na nalipat na o may nailagay na” ayon sa isang aplikante.

Naging diretso at praktikal naman ang mga naging tanong ngunit mapanuri. Pinuna naman ng isang Board ang kursong tinapos ng mga aplikante na hindi akma sa kanilang inaaplayan.  Sa posisyon naman ng Buyer 1 and 2, ang isang miyembro ng Board ay na nagtanong sa limang aplikante kung may nakabasa na ng RA 9184, at ikinagulat nga ng mga miyembro na walang nakabasa dito. “I am sorry to the applicants and members but I do not see any point proceeding when all of the applicants have failed to read the “bible” of any person interested to be assigned at the procurement office,” pagtatapos ni Muncipal Administrator Tagle. 

Why is the LGU ordinarily BUSY? 

The coming week is seen to be ordinarily busy, “that is the NEW NORMAL”, an employee of the Local Government joked.

June 19 – Self Assessment Customer Satisfaction, Municipal Child-Friendly Evaluation

June 20 – High FVE sa Barangay

Inauguration of Footbridge

 Cluster Meeting of the Social Protection Sector 

June 22 – ECCD Parent’s Briefing AM PM and Meeting of the Private Schools Consortium with Offices of Environment, Public order and safety and Health and Nutrition.

Baliwag Local Civil Registry Chief Dolores Lumabas also came to notice how employees seemed to be always doing something and on guard all time. Nabuhayan ng dugo“, a Filipino idiomatic expression for awakened senses or resurrected dynamism.

That one could be the result of a counter-culture program launched by Mayor Ferdie when he assumed office. They live up to the mantra: dapat serbisyong may malasakit at kung may malasakit daw ito ay kailangan maagap, magiliw, maaasahan, mahusay at magkakatuwang. The feedback mechanism was also working very good for the people with so many platforms available such as the website, calls and texts to hotline, suggestion boxes and of course, facebook, all of which are working 24/7. In short, these times are times, difficult not to know if you are working as per target. The Municipality of Baliwag is strictly adhering to the Strategic Performance Management System and is vying for the Seal Of Local Good Governance and ISO Certification. Both of which are requirements for the release of the Performance Based Bonus. 

Municipal Administrator Enrique Tagle said: “Like what Mayor Ferdie said, Baliwagenyos deserve nothing but the highest form of service. The employees, well most of them, are embracing this new culture of governance. This is a time when employees take so much pride in wearing their uniforms and IDs. Yes, I can say, there’s a sense of pride in it. In the LGU, we continue to aspire for that day, when people and institutions will equate government to efficiency.”



Reorganisasyon ng ilan tanggapan, nakahanda na. 


Matapos ang labing-isang buwan ni Mayor Ferdie sa kanyang panunungkulan ay tuloy na nga na hihilingin sa Sangguniang Bayan na maisaayos ang staffing pattern ng mga prayoridad na mga Tanggapan upang tama na makapaghandog ng serbisyong may malasakit ang mga ito.

Buhat sa Management Committee meeting ay prayoridad na ayusin ang mga Tanggapan ng kagalingang panlipunan at pagpapaunlad o Social Welfare, Tanggapan ng Health, Tanggapan ng Ingat-Yaman at Tanggapan ng Economic Enterprise.

DYESTC 

Ang Tanggapan ng Economic Enterprise ay maaari naman buwagin upang bigyan daan ang pagtatatag ng isang Tanggapan na tututok sa kapakanan ng mga kabataan, paglikha ng trabaho, pagpapaunlad ng sports at turismo. Ang pagbuwag sa tanggapan ng economic enterprise ay napapanahon sapagkat maaari naman itong mapasailalim sa Tanggapan ng Pambayang Tagapangasiwa. Maiiwasan nito ang duplikasyon ng mga trabaho at pagbuwag din ng  mga lumang posisyon tulad ng ticket checker, market inspector, radio operator at admin aide. Mas higit na nangangailangan ng mga teknikal na posisyon ngayon sa pamahalaang bayan dahil sa mas mataas na pamantayan ngayon na itinakda tulad ng ISO, SGLG, Kalasag at Public Financial Management Assessment.

Urban Poor Affairs Unit ipinatatag ni Mayor Ferdie upang tumutok sa pabahay program ng Baliwag

Ipinatatag ni Mayor Ferdie ang Urban Affairs Unit ng Pamahaalang Bayan ng Baliwag upang tumutok sa lumalaking problema ng pabahay o sheltering.
Matapos idulog kay Mayor Ferdie Estrella ang problemang kinakaharap ng ating mga kababayan sa sektor ng Informal Settler Families (ISF), kaagad siyang nagpabuo ng Urban Poor Affairs Office (UPAO) na sa pamamagitan ni Mun. Admin. Eric Tagle ay madali namang nabuo at napagtibay sa Sangguniang Bayan Ng Baliwag (SB).

Ayon kay Mayor Ferdie, napapanahon na para bigyan ng maayos at disenteng tahanan ang ating mga kababayang naninirahan sa mga endangered areas na nalalagay sa panganib ang buhay tuwing may kalamidad.
#SerbisyongMayMalasakit#PusongBaliwagDugongBaliwag@UPAOBaliwag#

Mayor Ferdie, officials, netizens and motorists called on DPWH to repair wavy, uneven, eroded asphalt overlay along DRT Highway.  

Overloaded trucks are being blamed for the quick erosion of the asphalt overlay along DRT Highway.  The stretch of the Dońa Remedios Trinidad Highway is described to be like seawaves because of the dents formed, caused by the weight of heavy truck wheels. The uneven overlay was also seen as the major cause of frequent road accidents in that area. 

The road’s condition compelled the Local Government to complain and propound to the Secretary of the DPWH its utter concern for the safety of motorists. After more than one month, the Office of the Secretary responded only to say that the project was under a long-term road rehabilitation project and that the project was monitored by a project management office. 

If conditions were caused by overloaded trucks and not by the quality of asphalt overlay, how come NLEX, SLEX and other toll highways can maintain the worthiness of its roads? Why can we not maintain the quality of roads in such manner?  Are we not alarmed by the accidents that are occurring daily along DRT Highway?

The Municipal Disaster Risk Reduction Management Office attended to about 2-3 vehicular accidents daily. The risks and dangers are openly REAL. 

Later this week, Baliwag DRRMO will be installing warning signages along DRT highway to remind motorists of the real dangers the road pose to motorists because of the uneven surface. We can only remind motorists and the concerned offices to expeditiously ensure repair or reconstruct for the peoples’ general welfare and safety. 

Citizen’s Charter, sumasalamin sa tunay na Serbisyong May Malasakit

Bilang pagpapatunay sa mga katagang “Serbisyong May Malasakit”, ang mabuting pamahalaan ng bayan ng Baliwag ay nagtala ng Citizen’s Charter sa bawat tanggapan nito. Ito rin ay bilang pagsunod sa Republic Act No. 9485 o Anti-Red Tape Act.

Nakasaad sa RA 9485 ang mga tuntunin tulad ng malinaw na pagtatala ng dokumento at maayos na pagsasagawa ng mga serbisyo ng gobyerno. Ito ay upang maihandog ang nararapat na serbisyo sa bawat mamamayang Pilipino.

Ang Citizen’s Charter ng bawat tanggapan ay naglalaman ng mga sumusunod: uri ng serbisyo, mga kinakailangan, mga detalyadong hakbang/proseso, panahong gugugulin sa bawat proseso, halaga o bayad ng serbisyo, responsableng tao at kliyente. Mahalagang mailahad ang mga prosesong ito upang mas maunawaan ng bawat Baliwagenyo ang kanilang nais na serbisyo.

Sa pamamagitan ng Citizen’s Charter  naipababatid ng mga kawani ng pamahalaan ng bayan ng Baliwag ang kanilang katangian ng pagiging magiliw, maagap, mahusay, maaasahan at magkakatuwang.

Sa mga nais pa ng karagdagang kaalaman patungkol sa Citizen’s Charter ng pamahalaan ng bayan ng Baliwag, maaaring bisitahin ang official website, http://www.baliwag.gov.ph/government/citizens-charter/.