Baliwag Malasakit Center Pinalakihan upang Mapalawig ang Serbisyo

Pinalakihan nga ang Baliwag Malasakit Center ni Mayor Ferdie V. Estrella ang Baliwag Malasakit Center upang matupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng isang urgent care unit ang Bayan ng Baliwag na bukas 24/7.  Ang urgent care ay makakapagbigay ng pangmadaliang paglalapat ng lunas na hindi kailangan na palipasin ang gabi bago matignan ng isang doktor. Inaasahan din itong tumanggap ng emergency care tulad ng mga minor surgical cases, stabalization of patient in trauma.

Limang Quick Response Vehicle nakatakdang I-turnover ngayon.

Limang Quick Response Vehicles ang nakatakdang i-turn over ngayon sa Limang barangay upang maging katuwang nila sa paghahatid ng Serbisyong May Malasakit. 

Ang mga barangay nga ng Santo Cristo, San Jose, Pinagbarilan, Makinabang at Tarcan ay pagkakalooban ng mga bagong sasakyan ng Pamahalaang Bayan upang magamit sa panahon ng emergency.  Ang barangay Sabang ay makakatanggap din ng isang van sa susunod na buwan.

Gaganapin ang Turn-over mamaya sa High FVE sa Barangay Santo Cristo. Ito nga ang pagbisita at pagiikot ni Mayor Ferdie sa mga barangay. Aniya, hindi dapat tuwing eleksyon lang naghouse to house dahil ang serbisyong may malasakit ay walang pinipiling panahon bagkus ito ay #maagap. 

Baliwag Fire Station lumipat na sa kanilang bagong tayo na gusali mula sa DILG

Ang Baliwag Fire Station ay lumipat na po ng kanilang base station mula sa kanilang tanggapan sa Muncipal Compound. Ang kasalukuyang Fire Station ay nskatakdang irenovate upang magamit na tanggapan at activity area ng 4Ps at Senior Citizens.

Matatandaan na ang bagong building ng Bureau of Fire Protection ay ipinagawa ng DILG-BFP noong panahon ni dating Mayor Carol Dellosa sa lupang binawi naman noong panahon ni dating Mayor Romeo Estrella. 

FRONTLINE SERVICE

Ang kanilang frontline services ay mananatiling matatagpuan sa Business Permits and Licensing Office sa Municipal compound.

HOTLINE NUMBERS

New Baliwag Fire Station

Address: Brgy. Pagala, Baliwag, Bulacan (Near Slaughter House & Malasakit Center)

BALIWAG Emergency HOTLINE: 

09175057827 

0939 999 7827