Dagdag Kabuhayan para sa mga Pamilya ng mga batang malnourished, inihandog ni Mayor Ferdie!

24879541_2420999611459377_8245611902520430627_o

Ika-4 Disyembre, 2017. Ipinamahagi ng ating Punongbayan Ferdie Estrella ang mga starter kits ng Mushroom Production bilang dagdag kabuhayan para sa 16 na pamilya ng mga batang malnourished. Nagmula ang pondong ito sa Bottom Up Budgeting (BUB) mula sa Department of Trade and Industry at sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag na naglalayong bigyan ng maayos na oportunidad ang mga pamilyang Baliwagenyo na matugunan ang  mga pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

h

Sumailalim sa pagsasanay sa pagpapatubo ng kabute ang mga napiling benepisyaryo ng gayon din ang wastong pamumuhunan sa kanilang magiging kabuhayan. Ang mga mapaptubong kabute ay may siguradong supplier na siyang bibili nito, kaya’t matitiyak na mayroong kikitain ang pamilya.

Kabilang din sa mga benepisyaryo ng proyektong ito ay mga reformees mula sa Bahay Pagbabago na inaasahang mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng iba pang paraan ng pagkakakitaan para sa kanilang paglabas sa pasilidad.

 

235 na Mother Leaders ng Baliwag, sumailalaim sa Capability Development Seminar on Nutrition Program

Nobyembre 8-9, 2017. Bilang paghahanda sa nalalapit na ebalwasyon sa Programa ng Nutrisyon, idinaos ang dalawang (2) araw na Capability Development for Nutrition Program para sa mga Mother Leaders sa lahat ng 27 barangay ng Baliwag na ginanap sa conference room ng munisipyo.

j

Layunin ng pagsasanay na ito na bigyang pagpapahalaga ang kahusayan sa pagawa ng gampanin ng mga mother leaders para sa katagumpayan ng programa ng nutrisyon. Alinsunod ito sa katatapos lamang na pagsasanay na isinagawa rin sa mga Lingkod Lingap sa Nayon, na siyang itinatalang mamuno sa gawain ng mga mother leaders, patungkol sa programa ng nutrisyon.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Nutrition and Population Office, na siyang itinalagang mga Cluster Leaders, ang nasabing pagsasanay, sa patnubay ng pinuno ng tanggapan. Binigyang diin ang mga paksa sa wastong pagtitimbang sa mga bata, pagtuos sa tamang edad pati ang pagsusulat ng mga report sa barangay.

Naging makabuluhan ang pagsasanay dahil sa bukas-loob na pakikiisa ng mga nagsidalong mother leaeders, kaya’t inaasahan na masusundan pa ang mga pagsasanay na ito sa barangay.

Pre-Marriage Counselors ng Baliwag, pasado sa Accreditation ng DSWD-Standards Bureau

Noong ika-19 Oktubre, 2017 ay ginawaran Certificate of Accreditation ang dalawang miyembro ng Pre-Marriage Counseling team ng Baliwag matapos ang matagumpay na deliberasyon na isinagawa ng central office ng DSWD.

Ang Baliwag ay natatangi sa mga bayan sa Bulacan na mayroong lisensyadong counselors na siyang bumubuo sa Pre-Marriage Counseling (PMC) Team, alinsunod ito sa Revised Pre-Marriage Counseling Implementing Guidelines of 2002 na halaw sa Joint Memorandum Circular No. 01 mula sa DILG, DOH, DSWD at Commission on Population, na nagtatakdang ang lahat ng mga itatalagang Pre-Marriage counselors ng pamahalaan ay magkaroon ng akreditasyon mula sa DSWD – Standards Bureau. Nakasaad sa mandatong ito ang patuloy na pagsasanay ng mga miyembro ng PMC Team sa mga paksa ng pag-aasawa, pagmamagulang, kalusugan at pamamahala ng pamilya upang mas higit na maihanda ang mga nais magpakasal sa pagbuo ng kanilang pamilya.

 

Ang serbisyo ng Pre-Marriage Counseling sa Baliwag ay ginaganap tuwing Miyerkules (maliban kung holidays) sa Tanggapan ng POPCOM o Commission on Population Office, mula 9:00am-12:nn.

IMG_20170222_111727

Ang pagsisiguro ng mahusay at kalidad na serbisyo sa pamamagitan ng maayos na pagsunod sa mga itinakdang panuntunan, gaya ng pagsailalim sa accreditation na isa sa mga layunin ng ating Punongbayan Ferdie Estrella. Kaugnay nito’y nilagdaan ni Mayor Ferdie ang isang Executive Order na siyang magtatakda ng mga probisyong ayon sa ating mga pambansang batas at kautusan upang mas higit na maramdaman ng mga Baliwagenyo at Baliwagenya ang Serbisyong may Malasakit.

DOH, siniyasat ang Breastfeeding Station ng Munisipyo ng Baliwag

OCTOBER 6, 2017. Sumailalim kahapon sa isang preliminary assessment ng Department of Health ang Breastfeeding Station ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag tungo sa paggawad ng certification, na magsisilbing katibayan ng pagsunod ng pamahalaan sa mga itinakdang mandato ng Republic Act 10028 o ang Expanded Breastfeeding Act na siya rin namang nilalaman ng Baliwag Breastfeeding Ordinance.

Layunin ng probisyon ng batas na ito na mapalawig ang breastfeeding sa pamamagitan ng paglalagay ng conducive spaces sa mga opisina o establisyimento para mapagpatuloy ng mga ina ang pagpapasuso o kaya’y para sa milk expression. Inaasahan na sa mga susunod na buwan ay muling babalik ang DOH upang opisyal na suriin ang pagpapatupad ng breastfeeding policies sa mga tanggapan at mga kawani ng pamahalaan.

Bukas ang Breastfeeding Station mula 8:00am – 5:00pm para sa mga nursing mom employees, gayon na rin sa mga bumibisitang nagpapasusong ina na may mga transakyon o lalakaring dokumento sa munisipyo.

Training ng Barangay Nutrition Scholars’ Program para sa mga Lingkod Lingap sa Nayon, sinimulan kanina!

18 SEPTEMBER, 2017. Idinaos ang unang serye ng Barangay Nutrition Scholars’ Training na sinimulan para sa 31 Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) mula sa dalawampu’t pitong (27) barangays ng Baliwag, sa pangunguna ng Municipal Nutrition Office. Layunin ng pagsasanay na mas higit na mapalalim ang kaalaman at kasanayan ng bawat LLN sa kanilang mga gampaning pang-kalusugan at pang-nutrisyon. 

Alinsunod rin ito sa patuloy na isinasagawang reporma ni Mayor Ferdie Estrella para sa programa ng Nutrisyon – ang bigyan ng higit na pagpapahalaga ang pagpapatibay sa kakayahan ng mga direktang tagapaghatid ng serbisyo ng ating pamahalaan sa mga barangay. Inaasahan na ang pagsasanay ay isasagawa din pati sa mga miyembro ng Barangay Nutrition ang Population Committee members at sa mga mother leaders para mas maging well-coordinated ang mga gampanin sa barangay.

2017 Ulat sa Bayan Highlights: Sari-sari store starter kits, ipinamahagi ni Mayor Ferdie sa mga pamilya ng malnourished children!

Malaking tulong po ang tindahang ito sa pagbibigay tugon sa mga pangangailangan ng mga anak ko. Sisikapin ko pong hindi na maging malnourished ang anak ko dahil may kikitain na ako. Salamat po, Mayor!” ani Aling Mary Grace, isa sa mga magulang na may malnourished na anak.

10 SEPTEMBER, 2017. Labing-limang (15) pamilyang Baliwagenyo ang tumanggap ng Sari-sari store kits mula kay Mayor Ferdie sa katatapos lamang na Ika-1 taong Ulat sa Bayan noong nakaraang Martes, ika-5 ng Setyembre, sa Baliwag Star Arena. Sila ang mga napiling benepisyaryo ng BUB Tindahan sa Nayon project na naglalayong bigyan ng tugon ang pangangailangan nila bilang mga magulang na may malnourished na anak.

Isa ang proyektong ito sa mga repormang inilatag ni Mayor Ferdie para sa programa ng Nutrisyon, na mabigyang tugon ang mga direktang sanhi ng malnutrisyon, one family at a time dahil ito ang layunin ng serbisyong may malasakit.

Serbisyong may Malasakit – this is our brand of excellence for governance. The heart of our service,ani Mayor Ferdie sa kanyang talumpati noong Ulat sa Bayan.

Ang mga Tindahang ito ay magsusulong ng mga produktong naglalakip ng Sangkap Pinoy Seal bilang isa sa mga hakbang para makaiwas sa micronutrient deficiencies. Tumanggap ang bawat pamilya ng mga panindang nagkakahalaga ng 20,000 na inaasahang mapapalago sa patuloy na pagsubaybay ng ating lokal na pamahalaan.

Marami pang pamilya ang mabibigyan ng kabuhayan sa mga susunod na buwan sa pamamagitan ng pondong ito na naisagawa sa patnubay na rin ng DTI o Department of Trade and Industry na siyang nagkaloob ng BUB fund sa Baliwag bilang dagdag pondo sa mga pangunahing proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie.

Hakab Na! Bulacan 2017 sa Baliwag, pang-apat sa may pinakamaraming dumalong Ina sa buong Pilipinas!

Taas noo, Baliwagenya at kapwa Bulakenya!

Ayon sa inilabas na tala mula sa Breastfeeding Pinays ng kabuuang dumalo sa Hakab Na 2017, noong ika-5 ng Agosto, ay hinirang ang Bulacan na pang-apat sa may pinakamalaking delegato, laban sa 24 na iba pang lugar sa buong bansa na nakiisa sa pagdiriwang.

Patunay ito na

Mga SuperMoms bumida kahapon sa Hakab Na! Bulacan 2017

“The World Breastfeeding Month does not only celebrate the act of breastfeeding, but also women in general and their selfless offering of life to the future. I feel grateful to be a part of this event along with all the other Baliwagenyas and fellow mothers from other towns.  We have made history today, ladies,” Mayora Jonnah Estrella sayd in her speech yesterday.

Padede Wave mga Mommies! Baliwag sets the record para sa pinakamaraming breastfeeding mothers na nakiisa sa Hakab Na! Bulacan 2017 na isinagawa kahapon, ika-5 ng Agosto, sa Baliwag Star Arena.

Sa hudyat ng buzzer sa ganap na 10:30 ng umaga ay pinangunahan ng mga pinuno ng Breastfeeding Bulakenyas ang sabay-sabay na paghakab ang 250 na mga nanay mula sa Baliwag at iba’t ibang bayan at siyudad sa Bulacan. Nakiisa rin sa sabayang paghakab ang Ina ng bayang Baliwag na si Mayora Jonnah Nubla-Estrella, kasama ang kanilang anak na si baby Franco Estrella.

Alinsunod ang aktibidad na ito sa selebrasyon ng Breastfeeding Awareness month tuwing Agosto, na sinimulan ng grupong Breastfeeding Pinays, na kinatawan ng Breastfeeding Bulakenyas mula sa ating probinsya. Ito ang ikatlong pagdiriwang ng Hakab Na sa Bulacan, ngunit unang beses itong isinagawa sa bayan ng Baliwag, sa pangunguna ng mga pinuno ng Breastfeeding Bulakenyas at Tanggapan ng Nutrition and Population at Health ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag.

Napuno ng kasiyahan ang mga nanay na dumalo sa pagdiriwang dahil sa mga breastfeeding lectures at sa dami ng mga freebies, prizes gaya ng mother and baby clothes, nursing covers and aprons, organic malunggay powders at iba pa, na mula sa 33 sponsors na katuwang ng Breastfeeding Bulakenyas at ng Pamahalaang bayan sa pagsasagawa ng event. 

Patok din sa mga nanay ang iba’t ibang mga produkto na pwde kay mommy at baby mula sa mga booth stations mula sa mga nakiisang sponsors, mompreneurs at establishments gaya ng The Baby Basket Ph, Young Living Essential Oils, Peek-a-Bow, Gabriel’s Baby Needs, Les Petit Tre Sor, Whimsy Filly, Body N’ Sole, Breast Bottle and Beyond, Momi Chic Bebe, Mum & Harmony, Chicharooms, Mika’s Gourmet Tuyo, Any Stuff Marketplace and Bento Princess, Nolan Lucas Homemade, Kylie’s Sweet Tooth, C-shorts, Little Cocoy, Camp Niccolo, Havaianas,Gingersnaps and Mustela, Indig by Yummy Mummies, QB Collection, Tiny Buds, Crafts Island Manila, Kidzoona, Smarty Steps, City of Vintage, Rivera Pediatric Dental Center, Auderm Skin and Dental Clinic, ACE Medical Center Tempra and Pediatrica Inc.

Nagkaroon din ng libreng T-shirt printing bilang souvenir ng event mula sa Silva’s Art and Graphics at libreng photo booth na kaloob ni Bokal Buko at Konsehala Pechay dela Cruz.

May play pen din sa event na nagbigay kasiyahan sa mga anak ng mga mommies na dumalo.

Binigyan ng espesyal na regalo ang mga natatanging mommies na pinakamatagal na nagbreastfeed at nagpapractice ng tandem breastfeeding.

Inilunsad rin sa event ang bagong Breastfeeding Ordinance ng Baliwag na panukala ni Konsehala Madette Quimpo upang mas higit na magpapalawig pa ng breastfeeding at magbigay proteksyon sa mga karapatan ng breastfeeding mothers sa ating bayan. 

Mga popular na Larong Pinoy, muling sinariwa ng Kabataang Baliwagenyo

​JULY 21.2017. Ginanap kamakailan sa Baliwag Star Arena ang kauna-unahang Inter-school Laro ng Lahi competition para sa mga mag-aaral sa elementarya. Isa ito sa mga tampok na aktibidad para sa pagdiriwang ng buwan ng Nutrisyon, na nilahukan ng mga mag-aaral na sakop ng Baliwag North at South district, gayon na rin ng Marian College of Baliuag.

Higit 100 bata ang nakiisa sa mga larong pambata gaya ng piko, kadang-kadang, patintero, sack race at tumbang preso.

Hinirang na Grand Champion ang Baliwag North District na nagkamit ng premyong P15,000 na inaasahang ilalaan ng distrito sa pagpapaigting ng kanilang programa sa Nutrisyon.

Pinangunahan ang aktibidad na ito ng Population and Nutrition Office at ng Sports and Development Office na naglayong ipalaganap ang wastong nutrisyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle gaya ng pag-eehersisyo, sa paraan ng paglalaro. Higit sa lahat, nais ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, na muling makilala ng mga kabataang Baliwagenyo ang mga sinaunang laro na siyang bumubuo sa tradisyon, hindi lamang ng mga Baliwagenyo, kundi nating mga Pilipino.

Sugar content ng mga karaniwang inumin at pagkain, BINUSISI!

Pinresinta sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang “hidden sugars” display ng mga karaniwang inumin at pagkain, kahapon Hulyo 20, 2017 sa flag raising ceremony.

Pinangunahan ito ng Tanggapan ng Populasyon at Nutrisyon, alinsunod sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo na may temang “Healthy diet, gawing habit for life!” Naglalayon itong palawigin ang wastong pagpili ng pagkain.

Marapat na malaman talaga ng mga tao ang halaga ng tamang pagpili ng mga kinakain nila. Hindi ako aware na kahit pala yung mga inumin at pagkain na akala mong sugar-free ay may sugar pa din,” kumento ni Mayor Ferdie matapos makita ang mga nilalaman ng display boards.

Matatagpuan ang mga display boards na ito sa lobby ng munisipyo at nakaplanong mas palawigin pa ang imposmasyong ito sa mga iba pang pampublikong lugar gaya ng palengke at parke, mga pribado at pampublikong paaralan at unibersidad, pati mga establishments.