Finance Com Defended Baliwag’s New Revenue Code

City of Malolos – In response to the invitation of Sangguniang Panlalawigan’s Committee on Ways and Means Chairperson, Bulacan 3rd District Board Member Atty. Emelita Viceo to hear the request of the Municipality of Baliwag to approve its 2018 Revenue Code. The Local Finance Committee, upon orders of Mayor Ferdie V. Estrella, attended the hearing.

Municipal Administrator Enrique Tagle, Municipal Treasurer Martiniano Javier, Municipal Planning Development Coordinator Engr. Nemencio de Leon, Municipal Budget Officer Josefina Tanggol and Municipal Accountant Rhea Payuran attended the committee hearing and defended proposed 2018 Revenue Code.

In his opening statement, MA Tagle said: “the Municipality of Baliwag would like to thank the Sangguniang Panlalawigan, the Committee on Ways and Means especially the Chair, Atty. Emily Viceo for the opportunity to hear the proposed Revenue Code of Baliwag. This revenue code is important for Baliwag. After 20 years, Mayor Ferdie and the Sangguniang Bayan recognized that need to reform our revenue ordinance in order to address the more pressing needs of our municipality, whose rank from 960th was tremendously improved to 42nd, begins to be looked again by multinational investors. In 2017, Baliwag received 14 recognitions all in all. In order to sustain our efforts, the local government must create sound financial policies for better allocation of resources according to the strategic priorities of the government.”

Mayor Ferdie wants Baliwag to be in the top 10 Most Competitive Municipalities in the National Competitiveness Council’s competitiveness index at it prepares imminently to become the fourth city of Bulacan.

3rd District Board Member Atty Emily Viceo congratulated Baliwag for the bold reforms initiated by Mayor Ferdie in Baliwag. “To receive the Seal of Good Local Governance on his first year, the only new comer among the awardees is such a feat,” Atty. Viceo said.

The New Revenue Code of Baliwag takes effect once approved by the Sangguniang Panlalawigan.

In my Opinion: Pasaheng Pasaway

____________________________________________Editorial: You may also contribute your views, opinions and commentaries. Email it at baliwagcitynewsonline@gmail.com

____________________________________________

Araw-araw daw traffic sa Metro Manila, sa San Fernando, sa Malolos at sa Baliwag. Wala na nga tayong pinagbubuntunan ng galit at sisi kung hindi ang mga pobreng MMDA at traffic enforcers. Actually, kahit na Superman at Darna baka mahirapan magtraffic enforcers sa Pilipinas. What we really need is a good mix of an efficient public transport system, infrastracture, policy implementation and qualified-trained personnel. 

Baliwag’s Traffic problem ay hindi po iba sa problema sa trapiko sa Maynila. Kailangan natin ng isang swak na public transport. Yung maraming masasakay at mumura ang pamasahe. Kung train or subway ang sagot sa Metro Manila baka sa Baliwag mga mini-jeep, mas ok kung electric. Ruta ng SM to Bayan; Candaba-San Roque-Bayan; Bayan San Rafael to Baliwag Bayan at SM; SM Pulilan to SM Baliwag. 

Sana lang ay nasa estado na ng social preparation ang pamahalaang lokal. Ibig sabihin, hinahanda na ang mga tricycle drivers sa nakaambang pagbabago ng sasakyang laan sa publiko.  Kung naghahanda man, paano naman kung hindi matanggap ng mga tricycle drivers o hindi sa kanila nakakarating na may ganyang programa. Hindi man nila tanggapin, wala itong patutunguhan kung hindi doon. Dahil patuloy na kokonti ang pasaheros dahil nagmotor na lang. Hindi mapipigilan ang pag-unlad ng pamumuhay at kung paano nito gustong magpalit-anyo. Gagawa at gagawa ito ng paraan para matama ang sistemang ito. At damang-dama ko na ito. Dahil ika nga, nasa rurok na ito. Kaya dapat, magseryoso naman ang gobyerno sa paghahanda sa kanila kung meron man. Kung wala ay para natin silang unti-unting tinuturukan ng lason. It takes political will, determined resolve at knowledge and deep understanding of what the problem really is.

Sa aking pagtatapos, nakakatawang isipin na bakit kailangan taasan ang pasahe lalo pa ang mga sumasakay dito ay ang mga hindi kayang bumili ng sasakyan o hindi kayang magmotor tulad ng mga senior citizens o kaya ay mga estudyante na karamihan ay iniraraos lang ng kanilang mga magulang. Hindi kaya ito overkill sa mga sektor na dapat sana ay pinapalakas pa. Ang pagtaas na pasahe ay hindi maganda para sa kahit anong anggulo dahil kaya nitong magpahinto ng pag-aaral; magpataas ng pasahe; magpapabagal sa ekonomiya; at magpapahina pang lalo sa mahinang sektor. 

Editorial. Ang blog ay kontribusyon ni J. Azores, 28 years old mula sa Brgy. San Jose, Baliwag, Bulacan.q×w

Baliwag BPLO: “Negosyanteng Pasaway, Hindi Irerenew!”

Baliwag, Bulacan – Kamakailan nga ay nagbigay na naman ng babala ang Business Permits and Licensing Office na hindi nito papayagang makapag renew ang mga negosyante o establisyimento na hindi tumatalima sa mga direktiba ng iba’t- ibang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Baliwag. “Alinsunod ito sa kautusan ng punongbayan na huwag irenew ang mga establisyimento na sa kabila ng mga abiso at sulat ay tahasan ang pagsasawalang bahala at unabis na walang ginawang aksyon,” pagtatapos ni G. Henry Cruz.

Tinutukoy ng Business Permits and Licensing Head Henry Cruz na ang mga clubs na may (provisional) permit na hindi nakatupad sa usapan ay agaran ng isasara o hindi na bibigyan ng kaukulang permit base sa rekomendasyon ng Municipal Health Office.

Gayon din, ang mga establisyimentong may parking space ngunit ginagamit na display area lamang.


MENRO NAGBABALA SA MGA JUNKSSHOPS

Nagbabala naman ang Municipal Environment and Natura Resources Office sa mga junkshops sa Brgy. Bagong Nayon at Santo Cristo na sila ay ipapasara o irerekomenda ang pagsasara kung patuloy nila na iisnabin ang batas na nagbabawal sa pagsusunog. Ang mga junkshops ay patuloy na nagkakalat at nagsusunog ng inalis na foam mula sa mga refrigerator. Kamakailan nga ay rumisponde ang Baliwag Bureau of Fire Protection matapos na lumaki ang apoy sa sinunog na mga basura mula sa mga junkshops sa may Lopez Jaena Street.

The Name of the Game: Baldo Torres, Baliwag Sports Development Program Coordinator

BCNO : So sir kayo po ang Sports Coordinator ng Baliwag?

Baldo: Yes, ako po ang Designated Sports Coordinator ng Baliwag. Actually, if you will ask mayroon ba talagang ganyan na position or designation. This is probably the first of its kind in Baliwag dahil ngayon lang naman tayo nagkaroon ng Sports Development Office dahil nga sports development ay kasama sa programa ni Mayor Ferdie.

BCNO : Masaya ba kayo sa responsibility na ‘yan despite na hindi kayo Municipal Councilor?

BALDO: Very much happy, hindi naman siguro kailangan maging isang konsehal o lingkod bayan para makagawa ng programa at mga Gawain makabuluhan para sa mga taga- Baliwag at makasuporta sa panunungkulan ng ating mahal punongbayan.BCNO: Bago ang opisina, bago ang position, bago ang nakaposisyon. Ano ang challenges sa opisina n’yo ngayon?

BALDO: Challenges? Siguro ang makalikha at makahubog pa nang mga Local Talents na makapag-bibigay karangalan , hindi lang sa ating bayan kundi pati narin sa kanilang mga sarili.

BCNO: Ano-anong bayan po ang mayroong Sports Office?

BALDO : Baliwag ang isa sa dalawa o tatlong bayan ang mayroong Sports Development Office sa ating lalawigan, kaya bukod sa bayan ng Baliwag, ang Malolos City at Calumpit ay mayroon ring SDO (Sports Development Office).

BCNO: Ano ang kahalagahan na mayroong Sports Development Office?

BALDO: Para sa akin malaki ang ginagalawan ng SDO sapagkat may isang ahensya na tututok sa kabataan, programa upang mapatatag ang pampalakasang uri sa bayan ng Baliwag at pagtalima na rin sa ating Pangulo Duterte na iiwas ang kabataan sa pag-gamit ng ano mang ipinagbabawal na gamot sa halip upang maging aktibo sa pang-palakasang gawain.

BCNO: Bilang varsity dati nakapaglaro sa NCAA, ano ang pangarap mo para sa mga kabataang BALIWAGENYO?

BALDO: Bilang dating manlalaro pangarap ko sa mga kabataang Baliwagenyo na mahubog pa ang kanilang galing at husay sa larangan ng Sports nang sa gayon maaari nilang magamit at maging kasangkapan ito upang makapagtapos ng pagaaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

BCNO: Noong huling palarong pambansa, madami din ang nanalo sa deligasyon ng Baliwag. Ano ang nakita mo na kakulangan na dapat maisaayos?

BALDO: Sa ngayon hindi naman nalalayo ang kalidad at antas ng ating ahensya pagdating sa palakasn kumpara sa ibang karatig bayan. Siguro kailangan lang ng more exposure, program development, private sector engagement at maipush pa talaga ni Mayor Ferdie upang sa ganon ay lalo pang ganahan at magpursigi ang ating mga atleta.

BCNO: Sabi nila, may mga Sports na pangmayaman? Paano natin mabibigyan ng oportunidad ang mga mahihirap na hindi maka-afford ng coach?

BALDO: I believe that Sports can be a tool in building a nation. Sports can unite a nation, unite as one wether rich or poor. So to address that gap, kami sa SDO dapat maghire ng professional coaches and trainor para naman matrain ng mga ito ang local coaches. Sila kasi science na. Yung technical aspect medyo kaya pa but when you combine it with science, the athletes are able to push beyond the limits. We need that kind of people so that they can share their knowledge and expertise.BCNO : Dati rati ay hindi masyadong napupuntahan ang Baliwag Star Arena. Ngayon ang daming televised events basketball man o volleyball, bakit nyo ginagawa ito?

BALDO : We at SDO are practicing and promoting Sports tourism. Madami ang nanonood sa atin ng PBA, ALAB and other sports event. That alone generate business activity. Pupunta sa Baliwag, dadaan sa shopping mall or sa market or bibili sa labas. You see that kind of livelihood becomes available. Masaya ko noong muling naibalik yung ganda ng tabla. Maintained na ngayon unlike dati na pinabayaan talaga. Walang stewardship. Walang pakialam.BCNO : Ano pa ang mga balak at itutulak n’yo para sa mga kabataan ng Sports Development Office?

BALDO : Marami pang programa ang isusulong ng SDO sa ating mga kabataan hindi lamang sa basketball, volleyball, taekwondo at iba pa, upang sa ganon ay maging kapaki-pakinabang ang husay nang mga kabataan sa ating lipunan at pamayanan. Isa dito ay ang kauna-unahang Inter School Basketball Development League sa ating bayan, ito ay programa para sa mga bata edad 12 pababa at 16 pababa kung saan ay mag kakaharap ang mga publiko at pribadong paaralan sa ating bayan. At upang sa ganun ay lalong mapagtibay ang relation ng pamahalaang bayan at mga paaralan sa ating bayan.Si Baldo kasamana ang kanyang Number One Fan at Lovely Wife, Janela Wong.


Si Baldo Torres ay kasal kay Janela Wong. Sila ay may tatlong anak. Si Baldo ay isang dating varsity player at kabilang sa NCAA Basketball Team ng University of Perpetual Help. Kasalukuyan ay naglilingkod din siya bilang Kagawad ng Barangay Sabang.


Investors, Humanga sa Mabilis na Reporma na Isinagawa sa Baliwag. Malalaking malls at Developers Kumakasa na!

Baliwag, Bulacan – “Nakakagulat!” Iyan nga ang pangkaraniwang nabubulalas ng mga investors na inanyayahan ni Mayor Ferdie Estrella sa kanyang tanggapan upang  i-update sila sa mga programa para mareporma ang pamahalaang lokal. 

Ibinalita ni Mayor Ferdie sa mga imbestors na mabilis na nasukat ng National Competitiveness Council ang pagbabago kung kaya umakyat kaagad mula sa pang 960 pwesto ang Baliwag paakyat sa pang 42 para tanghaling Most Improved First Clasa Municipality.  Ang Philipine Chamber of Commerce and Industries Inc. ay kinilala naman ang Baliwag bilang isa sa walong Most Business-Friendly LGU sa buong bansa. Samantala, ang Central Luzon Growth Corridor Foundation ay nagbigay sa Baliwag ng 91% score mula sa 78% sa pagproseso ng mga business Permits at business-friendly climate sa Baliwag. 

Nakatakda nga na mag-invest ang Waltermart,  SMDC at Unitop ngayon taon. Ayon kay Karenjoy Rivera, Investment Promotions Officer ng Baliwag, “it helps thats the leadership establishes a warm and accomodating relationship with these big investors because after the numbers and rankings, these people will value the kind of relationship that is built. Hindi sila pinapahirapan, pinapadali ang proseso, may incentive at may pakikisama. All of that will be material  and contribute to their decision whether to invest or not.”


Kumukuha ng Cedula, Dumagsa Ngayon Araw

Baliwag, Bulacan – Dumagsa nga buong araw ang mga kumukuha ng Community Tax Certificate o Cedula kasabay ng unang araw na bukas ang mga tanggapan ng pamahalaan.  Nakasabay pa umano nito ang mga kumukuha ng Baliwagenyo ID o ang Baliwag Benefits Card. 

Ayon kay Ms. Claire Guanzon, Project Manager ng Baliwagenyo ID, ililipat bukas, Enero 4, ang lahat ng capturing sa Lobby ng Baliwag Star Arena upang magkaroon ng sapat na espasyo ang mga kumukuha ng Business Permit, Nagbabayad ng Sedula at ng amilyar. 

Nangako naman si Baliwag Municipal Treasurer Martiniano Javier na bukas ay maayos na ang pila ng mga nagbabayad ng cedula sa paglipat ng capturing ng Baliwag Benefits Card. 

Mga National Holiday Ngayon 2018 at Posibleng Holiday sa Bulacan at Baliwag

Ngayon ngang natapos na ang bakasyon ay nakakaramdam na tayo ng pagkabugnot dahil simula ngayon ay trabaho na naman. Siguradong magiging busy ang taong 2018 pero huwag mag-alala dahil naririto na ang mga holidays at araw na posibleng maging long weekend para sa mas mahabang bakasyon o out of town.

Additional Holidays ng Lalawigan ng Bulakan at Baliwag

Samantala, kung muli itong maaprubahan at ipoproklama ng Pangulo ng Pilipinas, ayon sa mga Administrative Code ng Bulacan ay idineklarang special non-working holiday tuwing

Agosto 15 (Miyerkules) – Charter Day ng Bulacan

September 15 (Sabado)- Anibersaryo ng Malolos Congress

Ang Bayan ng Baliwag ay hihiling din sa Pangulo ng Pilipinas na ideklarang special non-working holiday sa mga araw na ito:

March 22 (Huwebes) – Mariano Ponce Day

May 26 (Sabado) – Charter Day ng Bayan ng Baliwag

GOV’T WORK TO RESUME JANUARY 3rd

MalacanangPalace, Manila — Government workers will enjoy an extended one day-off to be with their families and loved ones as Malacañang suspended work on January 2nd, 2018. This was announced by Executive Secretary Salvador Medialdea Pursuant therough a Memorandum Circular No. 37.

In the circular, other branches of government may so decided whether they will suspend work. The private sector likewise is accorded the choice based on their sound discretion.

Baliwagenyos Suportado ang EO28 ni PRRD. Kahit na may mga Sumuway.

Baliwag, Bulacan – Bagama’t may mga nagpapaputok sa kabila ng pagpapalabas ng Executive Order 28 ni Pangulong Duterte, suportado pa din ng karamihan ng mga Baliwagenyos ang pagregulate sa pagpapaputok. 

Ayon sa mga kinapanayam na mga nagtitinda ng paputok ng Baliwag City News Online, dumalang na din ang bumili ng malalakas na paputok at karamihan bumili ng mga fountain o luces na maaaring sindihan sa loob ng mga bakuran. 

Kitang-kita sa kalangitan  na madami pa din ang nagpaputok ngunit hindi na din ito kasing dami tulad ng mga nakalipas na taon. Bukod pa riyan ay halos nagpapaputok lamang ang mga ito mga bente minutos bago mag alas dose. 

Implementing Rules

Nagpalabas naman ng localized Executive Order  Executive Order si Mayor Ferdie Estrella ayon sa direktiba ni Pangulong Duterte. Sa IRR, ang pagpapaputok ng fireworks ay hindi na maaari ng walang permiso mula sa Pamahalaang Bayan. Kailangan din ay naglatag ng plano ang mga barangay o sino man ang magpapaputok para sa seguridad ng publiko. Sa panahon naman ng bagong taon, ang pagpapaputok ay sa mga community fireworks display area. 

Ayon kay Mayor Ferdie, “mahirap alisin ang isang tradisyon na taon-taon ay nakasanayan nga na gawin. Namulat tayo sa ganitong tradisyon at karamihan ay naniniwala pa din na kailangan magpapaputok upang swertihin sa bagong taon. Bukod pa riyan, may industriya sa atin ng paputok kahit na hindi naman ito kalakihan ay may mga kababayan pa din tayo na maapektuhan. Kinokonsidera di natin na hindi naging sapat ang information drive ngayon taon kaya’t napag-usapan na relaxed ang panghuhuli sa mga susuway dito. In no time ay maipapatupad na din ito at masasanay na din ang mga tao na salubungin ang bagong taon sa pamamagitan ng mga street parties. God-willing ay baka makapagorganisa na tayo ng New Year’s Countdown sa December 31, 2018,” pagtatapos ni Mayor Ferdie. 

Street Parties

Sa kabuuan ay naging mistulang isang malaking dance floor ang mga lansangan. Halos may mga inorganisang street parties na may mga dumadagundong na mobile set-up. 

Poll

Samantala, lumabas sa poll na 82% ng mga sumali ay sumusuporta sa paglalagay ng mga commuty fireworks display area at 18% ang hindi pabor dito. 

ALERT SEVERE WEATHER BULLETIN NO. 3 -TD/AGATON

PAGASA/DOST – Agaton has slightly accelerated and about to make landfall over Dinagat Island. 

Dangerous for sea travel over eastern central luzon. 

The Public and the Local Disaster Risk Reduction Management Office are advised to make the necessary actions.