Sangguniang Kabataan, Sumasailalim sa Pagsasanay. SK Chair Jaime Viceo IV ng Sta. Barbara nahalal na SK Federation President.

Baliwag, Bulacan – Naghanda ang Department of Interior and Local Government at Baliwag Youth Affairs Office ng mga pagsasanay nang sa gayon ay masanay ito ng husto sa kanilang tungkulin bilang mga halal na opisyal at kinatawan ng mga kabataan.

Ayon sa SK Reform Law, ang mga edad 15-30 ay maaring makaboto at bubuo sa Katipunan ng mga Kabataan. Ang maari naman mahalal na SK Chairman ay nasa edad 15-24 lamang.

Ang pondo din ng SK ay makukuha mula sa pondo ng barangay, sampung porsiyento ng pondo ng barangay. Kailangan din na ang SK Treasurer ang mag-ingat ng sarili nitong pondo nang sila ay matuto ng wastong paggamit ng pondo, pagsasanay sa kanilangn gampanin sa pamahalaan.

SK Chair mula sa Santa Barbara, Inihalal!

Kanina ay isinagawa din ang halalan ng mga opisyales ng pederasyon kabilang na ang SK Federation President, Vice President, Secretary, Treasurer, PRO at Auditor kaharap ang mga kinatawan mula sa DILG, COMELEC, PNP at Sangguniang Bayan ng Baliwag.

Nahalal na SK Federation President si Sta. Barbara SK Chairman Jaime Viceo IV bilang SK Federation President sa botong 25, nakakakuha naman ang kanyang katunggali ng botong 2 at isang absent.

Si Dating SK Federation President Renz V. Domingo ay nahalal naman na Vice President at tumakbong unopposed o walang kalaban.

Ang iba pang mga opisyal na inihalal ay sina:

President: James Viceo mula sa Santa Barbara 24 votes

Vice President: Renz Domingo mula sa Subic 26 votes unopposed

Secretary: Rhea Jane Rivera mula sa Tiaong 26 votes unopposed

Treasurer: Blessy de Guzman mula sa Tibag 12 votes

Auditor: Kenneth Mangulabnan Mula sa Santo Niño 11 votes

PRO: Mary Grace Olamit Mula sa San Jose 17 votes

Sgt at Arms Jeffrey Lansang Mula sa Tangos 20 votes.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s