11th Management Committee ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag


Agosto 10, 2017- Kahapon ay nagpulong para sa kanila ika-11 Management Committee Meeting ang mga Pinuno ng Tanggapan sa pangunguna ni Municipal Administrator Enrique Tagle. Tinalakay ng Komite ang iba't-ibang bagay tulad ng napipintong National Validation para sa Seal of Good Local Governance; nominsasyon ng Meralco sa Local Government of Baliwag sa K-Ligtas Award; DILGBest ICT para sa Baliwag App; at ang Civil Service Commission's Seal of Excellence.

Nag-ulat din si G. Marty Javier, Pambayang Treasurero para sa 2017 projected income at 2018 proposed revenue target ng Baliwag. Natalakay din ang paggamit ng document tracking system at document flow para sa mga internal memorandum na kinakailangan ipadala lamang electronically upang makabawas sa paggamit ng papel. Ang Baliwag ay humingi din ng permiso sa Commission on Audit kamakailan na i-reformat ang mga vouchers na hindi masyadong kakain ng papel. Humigit kumulang 25 piso ang nagagasta sa isang voucher. Tinatayang makakalahati nito ang gastos sa imprenta at produksyon ng vouchers. Higit pa dito ay ang pagtupad ng Baliwag sa green procurement na nakasaad sa Local Climate Change Action Plan nito.

Ang imbentaryo ng mga hindi-natitinag na ari-arian at improvements ay napagkasunduan din na ipatupad base sa napag-usapan noon sa isinagawang Strategic Planning kasama ang Panlalawigang Pinunong Taga-Tasa.

Samantala, iniulat naman ni Dr. MaryJoan Dinlasan, Pinuno, Pambayang Tanggapan ng Kalusugan ang mga kaso ng Dengue sa ating bayan. Nagtala ng 258 cases para sa buwan ng Hulyo. Nakatakdang palitan ang kanta na pinapatugtog ng mga truck ng basura kapalit ng isang tugtog patungkol sa paglilinis upang maiwasan at mapuksa ang lamok na may dalang dengue.

Kalagitnaan nga ng Pulong ng itinawag nga ng National Competitiveness Council Secretariat na napabilang ang Baliwag sa mga Finalist sa 2017 Cities and Municipalities Competitiveness Index.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s