PANAWAGAN: Pagtitipon Ukol sa Natatanging Prangkisa (Special Franchise) sa Bayan ng Baliwag

BALIWAG, BULACAN. Sa bisa ng Board Resolution No. 12 – 2017, itinakda ng Baliwag Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) na magpatala ang mga traysikel na pribado at mapagkalooban ng natatanging prangkisa (Special Franchise) bilang service sa paaralan, trabaho o negosyo. Sa kasalukuyan, mayroong limampu’t-anim (56) na nakapagpatala at napagkalooban ng nasabing prangkisa.

Ang panahon ng pagpapatala ay natapos na, at kasalukuyan ng ipinapatupad ng Baliwag Traffic Management Office (BTMO) ang panghuhuli sa mga hindi rehistradong traysikel na pumapasok sa Central Business District ng Baliwag. Matatandaan na simula noong buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan pa ikinampanya at ipinagbigay alam sa publiko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng natatanging prangkisa (Special Franchise).

Kaya, ang lahat ng napagkalooban ng natatanging prangkisa (Special Franchise) ay inaanyayahan sa isang pagtitipon para sa layuning ito. Ang pagtitipon ay gaganapin sa ika-17 ng AGOSTO, 2017 (Huwebes), sa ikalawa ng hapon (10:00 am) sa Bulwagan ng Pamahalaang Bayan, 2/F Municipal Annex Building.

Kasama sa agenda ng nasabing pagtitipon ang orientation mayroong natatanging prangkisa, lalo na sa mga polisya at alituntuning umiiral na may kinalaman sa karapatan at pribilehiyong makabiyahe.

Bukas rin ang paanyayang ito maging sa publiko na nais makaalam ukol sa mga pagbabagong nailunsad ng BTFRB, higit lalo sa pagkakaloob ng natatanging prangkisa (Special Franchise).

Maaaring magpatala na sa BTFRB Secretariat na matatagpuan sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng pamahalaang bayan para sa advanced confirmation of attendance.

Sa diwa ng paghahandog ng serbisyong may malasakit, sakaling may mga katanungan o paglilinaw na nais ukol sa naturang suheto, maaaring makipag-ugnayan sa  Business Permit and Licensing Office (BPLO) at Baliwag Traffic Management Office (BTMO). Ang mga naturang tanggapan ang tumatayong Secretariat ng BTFRB.

Para sa layuning ito, magkita-kita po tayo sa ika-17 ng Agosto.

 


P.S.

Noong nakaraang ika-4 ng Agosto, taong kasalukuyan, nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng Baliwag Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) at ang mga Non-Baliwag TODA o mga TODA na nagba-biyahe sa labas ng bayan ng Baliwag. Sa darating naman na ika-11 ng Agosto, titipunin naman ang mga pasahero ng traysikel ukol sa kanilang mga hinaing. Ang pagtitipon para sa natatnging prangkisa (Special Franchise) ay bahagi ng dayalogo-serye na isinasagawa ng kasalukuyang BTFRB.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s