Galing Baliwageño!

Naging matagumpay nga ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pagtamo ng Pagkakilala bilang isa sa piling Munisipyo na nakapasa sa Seal of Good Local Governance sa nagdaang pagsusuri ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) nitong nagdaang Hunyo taong 2017 (Regional Level).

Sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella ay naging mabunga ang paghahanda ng pamahalaang lokal sa naganap na regional validation, sa tulong nadin ng masisipag at maasahang empleyado ng Baliwag na naglaan ng serbisyong may malasakit sa lahat ng Baliwageño ay naipasa natin ang regional validation sa nasabing prestihiyosong pagkilala.

Dahil sa isa sa piling Bayan ang Baliwag na nakapasa rito ay napabilang tayo sa mga bayang sasailalim sa National Validation para sa Seal of Good Local Governance (National Level).

Dahil dito ay muling nagtipon ang SGLG Committee na pinamunuan ng ating masipag na Punong Bayan Ferdie Estrella at Enrique Tagle (Municipal Administrator). Nagkaroon nag pagsusuri sa mga naging kalakasan at ilan kahinaang nabatid sa nagdaang Regional SGLG validation, nasa naturang pagpupulong sina Rhea Dianna Payuran (Acctng.Ofcr), Engr. Nemencio De Leon (MPDO), Engr. Noel Encarnacion(GSO), Jose Tomacruz/ Edwin Bautista(tourism), Jayfie Nasarro (MGLOO), Karen Rivera (IPU), Edgar Luna(MENRO), Alvin Lee Asuro (Mun.Adminstrator’s Office), Clarinda Ofelia Guanzon (Mun.Adminstrator’s Office), Michelle Adobo (Mun.Adminstrator’s Office), Martiniano Javier (Mun.Treasurer), Josefina Tanggol (Budget), at Victor Sarmiento (MDRRM Office). Ang mga nasabing empleyado ng Lokal na Pamahalaan ang kumatawan sa kabuuang bilang ng mga manggagawa upang pagbutihin at higit na isaayos ang mga dokumento at mga kinakailangan mga bagay na dapat maihanda sa darating na National SGLG Validation nitong Agosto. Inaasahan ang lahat sa pakikiisa sa adhikain ng Punong Bayan, na makapagbigay ng dekalidad na serbisyong may malasakit sa lahat ng Baliwageño.

Puspusang pag hahanda at pag sasaayos ng mga serbisyong may malasakit ang higit na paiigtingin ng Lokal na Pamahalaang Bayan, hindi lamang para sa naturang Parangal, ngunit upang mas maging kapakipakinabang ang bawat serbisyo at programang handog ng Pamahalaan sa bawat Baliwageño.

Serbisyong may malasakit, dugong Baliwag, Pusong Baliwag!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s