PANAWAGAN: Pangkalahatang Pagtitipon ng Mga Pasahero ng Traysikel Mula sa Iba’t Ibang Sektor sa Bayan ng Baliwag

BALIWAG, BULACAN. Noong nakaraang ika-13 ng Hulyo, taong kasalukuyan, napagpasiyahan ng Baliwag Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) na magkaroon ng pangkalahatang pagtitipon (general assembly) para sa mga pasahero ng traysikel na bumabiyahe at dumaraan sa bayan ng Baliwag.

Ayon sa Baliwag Tricycle Ordinance of 2004, gampanin ng BTFRB na pangasiwaan ang kapakanan ng mga Tricycle Operators and Drivers Associations o TODA dito sa bayan ng Baliwag – mula sa kanilang aplikasyon at pag-iissue ng prangkisa o Motorized Tricycle Operators Permit (MTOP) hanggang sa pagtatakda ng taripa (tricycle fare matrix). Nakaatang rin sa BTFRB ang kapangyarihan na dinggin ang mga iba’t ibang isyus na may kinalaman sa pamamasada ng mga TODA members.

Isa sa malaking responsibilidad na nakaatang sa BTFRB ay ang paglikha ng mga polisiya at alituntunin sa isakatutuparan ng nasabing ordinansa. Kaya naman, para higit at angkop ang gagampaning pagtataguyod sa parehas na kapakanan ng mga TODA at kaginhawaan a pagsakay sa traysikel, lubhang mahalaga na magkaroon ng isang grupo naman mula sa mga pasahero ng traysikel na bumabiyahe sa bayan ng Baliwag.

Kaya, ang lahat ng interesado, lalo na sa isyu na may kinalaman sa TODA, pasahe at trapiko sa bayan ng Baliwag, ay inaanyayahan sa isang pangkalahatang pagtitipon (general assembly) para sa layuning ito. Ang pagtitipon ay gaganapin sa ika-11 ng AGOSTO, 2017 (Biyernes), sa ikalawa ng hapon (2:00 pm) sa Bulwagan ng Pamahalaang Bayan, 2/F Municipal Annex Building.

Kasama sa agenda ng pagtitipon ang pagdinig sa mga pasahero ukol sa kanilang mga karanasan bilang pasahero at ang pagkakaroon ng set of officers ng grupo.

Maaaring magpatala na sa BTFRB Secretariat na matatagpuan sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng pamahalaang bayan para sa advanced confirmation of attendance.

Sa diwa ng paghahandog ng serbisyong may malasakit, sakaling may mga katanungan o paglilinaw na nais ukol sa naturang suheto, maaaring makipag-ugnayan sa  Business Permit and Licensing Office (BPLO) at Baliwag Traffic Management Office (BTMO). Ang mga naturang tanggapan ang tumatayong Secretariat ng BTFRB.

Sa pagtataguyod ng karapatan ng lahat, inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa adhikaing ito. Magkita-kita po tayo sa ika-11 ng Agosto!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s