Mula sa Lamesa Ko: Move on, Move on din mga Bes!

(Ang artikulong ito ay padalang email sa atin ng isang regular na kawani ng Pamahalaang Bayan. Kayo din, ay maaring magpadala ng inyong mga saloobin, komento, puna, suhestiyon, maaari ninyo itong ipadala sa email address na administrator@baliwag.gov.ph) 

Madaming mga bagay na nakagawian natin at dahil nakasanayan, kahit mali ay akala natin ay yun na ang tama. Tulad sa Pamahalaang Bayan, may mga sistemang mahirap baguhin kung kaya’t kailangan pang may magalit para lamang matawag ang kanyang pansin. Madami ang nasanay sa kung ano na lang ang pwede kaya’t sa mahigpit na pagpapatupad ng mga bagong polisiya ng gobyerno ni Mayor Ferdie (Arta, ISO, Citizens Charter at SGLG) ay talagang napakahirap sa kanila. Nasanay nga sa pwede na. Sa sistemang teka-teka. Sila nga ang pangkaraniwang mareklamo at maputak. Pero wala silang magagawa dahil taumbayan ang kailangan manalo. Hindi dapat sayangin ang tiwala at pagkakataong ibigay sa amin. 

May mga negosyante naman na dahil dati ay nakakalusot sa hindi pagkuha ng mga permits ay nagugulat at bakit may ganoon na dati naman wala. Madali kasing matukoy ngayon kung sino ang hindi tumataya ng tama dahil sa integrasyon ng mga sistema. Nakakalungkot na sa kabila ng dami ng mga negosyo, paupahan at samu’t-saring pinagkakakitaan ay hindi nila magawang tumaya kahit maliit sa kinabukasan ng ating bayan. 

Mga dalawang Linggo na ang nakakalipas ng bigyan kami ng memorandum upang maglinis ng patubig. Nahihiya siguro si Mayor sa mga nagtatapon ng basura doon kaya paglilinis namin sila. May isang matapang ang apog na malakas ang loob na magtapos kahit andoon kami na naglilinis. Gusto ko siyang ilublob sa irigasyon. Pero paano nga ba makakapag move on kung nakagawian na nila. Kailangan talagang turuan ng leksyon at kamay na bakal dahil hindi nadadaan sa pakiusap. 

Ang MENRO ay magpapatupad ng segregation at plastic reduction scheme. Isang bagay na hindi nakagawian ang paghihiwalay ng mga basura. Kaya’t mahabang pasensiya na naman ang kailangan ng mga tagapagpatupad nito. 

HINDI porke’t nakagawian ay wala ng puwang na mabago ito. Kailangan ng makabagong sistema upang mapabuti at mapadali ang ating buhay na hindi tayo nakakaperwisyo ng kalikasan, kapit-bahay, karatig-bayan o ng kabuhayan.

Imulat natin ang ating sarili sa pagbabago na makakabuti sa atin. Bakit naman sila Davao, nagawa nila? O kaya sa Palawan? Bakit naman kapag nag abroad ang Pilipino ay sumusunod ito sa patakaran nila?

Malupit nga sa una, makalat sa gitna pero maganda daw sa huli sabi sa bibliya. Ganyan inilarawan sa bibliya ang pagbabago. Tanungin mo ako kung si Pangulong Duterte ba ang makapagpapabago sa atin. Baka nga. Baka dahil madaming matigas ang ulo at matapang ang hiya sa atin. Pero ang totoo, sa sarili nagmumula ang pagbabago. 

  

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s