Green School Canteens Program ng Baliwag, INILUNSAD NA!

Ika-11 Hulyo, 2017. Mainit ang pakikiisa ng mga guro at mga PTA Presidents mula sa mga pribado at pampublikong paaralan sa elementarya sa ginanap na Launching ng Green School Canteens Program sa Baliwag South District.

Pinangunahan ang launching at orientation na ito ng ating Population and Nutrition Office, bilang ito’y isa sa mga aktibidad sa pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon. 
Ang programang ito ay alinsunod sa mandato ng DepEd (DepEd Order No. 13, Series of 2017) na mapalawig ang kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagwawasto ng mga pagkaing inihahanda sa mga school canteens. Binigyang diin ng ahensya ang pagkakaroon ng 3 klase ng pamantayan sa mga pagkain sa eskwelahan, at pagbibigay-prayoridad sa mga pagkaing nasa hanay ng Green Category.

Naging positibo bagamat nananatiling malaking hamon ang pagpapatupad ng programang ito para sa mga dumalong panauhin. At ang pagbabago ding ito ang siyang nais ipatupad ng ating Punongbayan, Mayor Ferdie Estrella, na sa umpisa pa lamang ng kanyang termino ay ninais nang bigyan ng reporma ang programa ng Nutrisyon. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s