Dyaryo at Kape: Usapang Matino sa Kanto

(Ang sumusunod na artikulo ay opinyong pinadala sa atin ng isang Baliwagenyo. Maaari din kayong magpadala ng inyong opinyon o artikulo o komento o blog sa email na administrator@baliwag.gov.ph)

Nakakalungkot na sa kabila ng matinding pagsisikap na imulat ang mga tricycle drivers at operators sa tunay na sitwasyon nito ay bakit mayroon pa din nagsusumiksik na tricycle operator na makapamasada. Ang masakit ay madami pa din ang hindi sumusunod sa FARE MATRIX.

Nakakapagod ulit-ulitin ang realidad na sobra na ang tricycle at sobra nga sa mahal ng pamasahe na hindi na abot ng masa na siyang tagapagtangkilik ng tricycle.

Kung susundin ang theory sa economics, Sa bawat pagtaas ng pasahe ay may katumbas na pagbaba sa pagtingilik dito. Sinasabing ang demand ay nababago o bumababa kung ito ay may pagtaas. Dito na nga pumapasok ang tinatawag na substitutes. Kaparehas na resulta buhat sa paggamit ng isang substitute na singgaling pero hindi singmahal. 

Kung kaya’t sa bawat pagsuway sa itinakdang pasahe ay patungo na nga sa direksyon na maglilibing sa kinabukasan ng tricycle. Sana ay maisip ng mga hindi sumusunod sa fare matrix na hindi sa ilang beses na pagtataas ng pasahe niya masosolusyunan ang problema na maiuwi niya ang kita na magpapakain sa kanyang pamilya. Ang nakakalungkot ay higit na apektado ang uri nilang minimum wage earner. Sila na hindi makapamasahe papunta sa mga publikong paaralang sekondarya. Ito nga ang nagpapahina pa sa mahina nilang sektor.

Inaalok na sila na magpanibagong trabaho at kasanayan…libre at may allowance. Bakit ba ayaw nilang manahi kahit na hindi mapunuan ang bilang ng mananahing lalaki kailangan ngayon.

Nakakapagod man pero hindi natin dapat bitawan ang problemang ito. Ilipat sa Baliwag Transport Coop, kanselahin ang prangkisa ng mga hindi taga-Baliwag ngunit nakabili dati ng sapi sa Baliwag at ikatlo, higpitan ang pagmamay-ari ng motorsiklo sa Baliwag.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s