Baliwag ECCD COUNCIL nakatakdang Manumpa sa Tungkulin Ngayon araw!

Nakatakda na ngang manumpa ngayon sa tungkulin ang mga itinalagang miyembro ng Early Child Care and Development Council of Baliwag. 

Itinalaga ngang Co Chairpersons ni Mayor Ferdie Estrella sina Municipal Administrator Enrique Tagle at Montessori de Sagrada de Familia Montessori Directress Maria Cristina Silamor. Sila din ay nahirang bilang mga tagapangulo ng Steering at Curriculum. 

Sina Dr Andy Cruz, G. Arvin Darcen, MPDC Engr Mencie De Leon, Budget Officer  Josefina Tanggol,  MsWDO Jo Labasbas, District Supervisor Dr Arceli Ralleta, Baliwag Water District at ABC Sonny Robes naman ay bilang kinatawan ng mga kapitan. 

Samantala, sina Coun. Ding Nicolas, ang tagapangulo ng Komite ng Kabataan ay nahirang  na sa legislation; Arch. Monic Villangca ay taga-Pangulo ng Infrastructure; Bb. Fidji Rivera-Sarmiento sa Struggling Readers;   Dr. Mary Joan Dinlasan sa Health; Brenda Bernardo sa Nutrition; Jo Labasbas sa Minding; Bro. Domingo Padilla sa Parental Support and Effectiveness. 

Ang Baliwag nga ngayon ay nakatutok sa pagrereporma ng early childhood care and development kabilang na ang standardization ng mga ECCD CENTERS kasama na ang pasilidad at kurikulum. Dalawa nga ang programa ngayon ng Baliwag – minding at preschool education. 
Ilan sa mga naisagawa na ay ang mga sumusunod na reporma:

1. Continuing Education and Training of Faculty and Minding Practitioners;

2. Curriculum standardization at Minding Program Institutionalization;

3. Free Worktextbook;

4. New ECCD uniform;

5. Upcoming Facility Improvement tulad ng airconditioning, mat flooring, cctv, multimedia, at wash area; at

6. Weigh In at Supplemental feeding

Pinapaigting din ang programa para sa mga bata sa idad 0-4 sapagkat ito ang tinatawag na formative years kung saan pinakamabilis nabubuo ang utak.

Kasama sa programa ang parental support at health and nutrition. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s