High FVE sa Barangay’s Bahay Dalaw, Makabuluhang Salamin ng Serbisyong may Malasakit

Kung kasama ka parati sa High FVE sa barangay-Bahay Dalaw ay tunay na maantig ang iyong puso sa iba’t-ibang eksena na iyong matutunghayan.  Sari-saring kuwento ng buhay ng mga Baliwagenyo ang inyong makikita at maririnig. 

Sa kanilang mga kahinaan at mga pagsubok ay doon ka huhugot ng inspirasyon upang makapaglingkod ng buong puso, magserbisyo ng may malasakit. 

Ang programang Bahay Dalaw ang salamin ng tunay na serbisyong may malasakit. Tulong na hindi hinahanap kung hindi maaasahan at maagap; pakikisalamuha ng magiliw hindi pabigat; at sistemang mahusay at magkakatuwang na koordinasyon hindi teka-teka. 

Tulad na lamang ng isang bata sa Brgy. Matangtubig na tatlong taon na ngang hindi nakakapag klase dahil nahihiya siyang makita ng kanyang mga kaklase ang butas sa kanyang paa. 


Meron namang mga nastroke at kailangan lang ng wheelchair, meron din naman mga may malubhang sakit. May mga gumaling na dinalaw lang at meron namang may 100 years old na dinalhan lang ng bulaklak, 100k at cake. 

Pwede naman ngang sa panahon na lang ng kampanya ito gawin at pwede naman sila na lang ang pumunta sa munisipyo ngunit sinisiguro ni Mayor Ferdie na maramdaman ng bawat mamamayan ang kanyang presensya dahil ganon nga ang serbisyong may malasakit. Kailangan may kumpiyansa sila na may nakasubaybay sa kanila. Minsan hindi lang pinansiyal, minsan talagang gusto lang nilang makita ka o kaya ay makasama ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s