Convergence Strategy: Disaster Preparedness Towards Public’s Safety.

Alinsunod sa kagustuhan ng Punong Bayan Mayor Ferdie Estrella, na masiguro ang kaligtasan at ang pangkalahatang kapakanan ng mga mamayang Baliwageño sa anu mang uri ng sakuna ay ipinag utos ni Mr. Enrique Tagle, Municipal Administrator ang pag kakaroon ng malawakang Disaster Preparedness Seminar and Workshop sa mga mamayan ng Baliwag upang sila ay mabigyang kaalaman ukol sa mga dapat gawin bago, habang at matapos ang pagbaha, paglindol at ibang uri ng sakuna. Bilang pag tugon ang Municipal Social Welfare and Development Office, sa pangunguna ni Ms. Josephine Lopez, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Mr. Tagumpay Cruz, Pantawid Pamilyang Pilipino Program Office, at ng Social Service Specialist ng nasabing bayan ay nagkaroon ng pagplaplano ukol sa gaganaping malawakang Disaster Preparedness Orientation sa lahat ng Barangay dito sa Bayan ng Baliwag ngayong buwan.

Nagkaroon ng konsultasyon at pagpupulong ang mga nasabing opisina kasama ang mga nahirang na pinuno ng bawat grupo mula sa naitarget na 1800 na pamilyang dadalo sa nasabing workshop.

Napinalisa ang nasabing schedule na magsisimula sa Hulyo 10,2017 at matatapos sa Hulyo 24, 2017.

Hangarin ng nasabing workshop ang maihanda ang bawat Baliwageño sa aling uri man ng sakuna, upang maiwasan ang mga ito at ang masiguro ang kaligtasan ng baway miyembro ng pamilya kung sakaling magkaroon man ng kalamidad.

Dahil sa bayan ng Baliwag, ang bawat pamilyang Baliwageño ay mananatiling malusog, ligtas at matagumpay, kasama ang matatag at matapat na Pamamahala ng Lokal na Pamahalang Bayan na nag hahandog ng Serbisyong May Malasakit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s