Baliwag ECCD Council Meeting: The Road Towards Excellence

Nito lamang Hulyo 07,2017 ay dinaos muli ang buwanang Early Childhood Care and Development (ECCD) Meeting sa pangunguna ng Punong Bayan Hon. Ferdie Estrella, at ni Mr. Enrique Tagle, Municipal Administrator.
Alin sunod sa layunin ng Kagalanggalang na Punong Bayan na ” Walang sino mang Batang Baliwageño ang Maiiwan” at pag papabuti ng serbisyong handog ng Baliwag Day Care Service ay nagkaroon ng presentasyon ng kasalukuyang pag iimplenenta ng bagong ECCD program sa bayan at pagplaplano upang mas mapabuti ang pag hahandog ng serbisyong may malasakit sa kabataang Baliwageño.

Tinalakay ni Ginoong Alvin Lee Asuro, Social Services Specialist ang mga kahinaan at kalakasan ng kasalukuyang isinasagawang Supplemental Feeding Program katuwang ang DSWD Regional Office. Nagkaroon ng mas malinaw na hanggarin ang council na imobilisa ang pamunuan ng barangay upang maging katuwang sa implementasyon nito.

Natalakay din ang aspeto ng kalusugan at nutrisyon na kinakailangan tutukan ng Health Committee upang masigurong lahat ng bata ay makaiwas sa malnutrisyon. 

Tinalakay din sa nasabing meeting ang mga kahinaan at rekomendasyon patungkol sa work force, o mga guro ng programa at ang wastong gabay sa pagtuturo sa mga day care students na susubaybayan ng Curriculum committee na mag sasaayos ng pagtuturo at mag bibigay ng dagdag kakayanan at kaalaman sa mga day care teachers upang mas maging mas maalam ang mga ito ukol sa ECCD Program.

Nagkaroon din palitan ng suwestyon ukol sa pagpapabuti ng programa na tututok sa aspetong pangkalusugan, kalidad ng edukasyon, nutrisyon at ilan pang mahahalagang aspeto ng ECCD Program.

Dinaluhan at nakibahaginsa nasabing pulong sina, Ms. Arceli Ralleta ( DepEd), Dr. Alejandro Domingo (ICSB), Maria Cristina Silamor (MDSF), Domingo Padilla (PTA), Donna Enabore (DepEd), at mga kinatawan ng lokal na pamahalaang bayan, Carolina San Juan, Ronnel Maniquiz, Cecilia Deri, Cecilia Villafuerte, Eggie Boy Santos at Alvin Lee Asuro.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s