LCPC: To Improve and Sustain Overall Welfare of all Baliwageño Children.

Nito lamang Hunyo 30, 2017 ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children upang harapin ang mga usaping tumatalakay sa mahahalagang aspeto ng pag unlad at kaligtasan ng mga batang Baliwageño, na pinangunahan ni Mr Enrique Tagle (Municipal Administrator) kasama ang mga hepe ng MDRRMO, MHO, Nutrition, MBO, at Municipal Assesors Office.

Nagkaroon ng Pag uulat si Ginoong Gerard Tolentino ukol sa estado ng Pangkahalatang Kamalayan ng mga mamayan sa Barangay Level alinsunod sa mga Karapatang pang Bata na dapat ay nasusubaybayan at napapangalagaan. Iniulat din ni Mr Tolentino ang kalagayan ng bawat Barangay Council kaugnay sa pangangalaga sa bawat batang Baliwageño sa kanikanilang nasasakupan. 

Nag ulat din si Bb. Brenda Bernardo, ukol sa bahagyang pagdami ng nga batang na suring may malnutrisyon. Ipinahayag din ng nasabing Nutrition Officer ang kakulangan ng standard weighing scale para sa mga bata nasa mga daycare centers, na nagiging dahilan upang maantala o sa mabagal na pag usad ng pag monitor sa mga timbang ng mga ito. Nagkaroon din ng presentasyon ng nutrisyon action plan upang maresulba ang malnutrisyong kinahaharap ng mga na identify na bata. Gayun din ang mga aktibidad at kaganapan sa nalalapit na Nutrition Month.

Nagkaroon ng Pag uulat ang Municipal Health Officer ukol sa mga programang pangkalusugan na nag titiyak ng pangkalahatang serbisyong tutugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng bawat batang Baliwageño. Tinalakay don ang dumaraming bilang ng mga kaso ng dengue, at alinsunod dito ay ang mga nakalatag na aktibidad upang maiwasan pa ang pagdami ng dengue cases, tulad ng pangkalahatang kalinisan, 4 oclock habit, at pag gamot sa mga kalimitang tubig pugaran ng lamok at mga kite. Ibinahagi din ni Dra. Mary Joan Dinlasan ang routine blood letting program, minor surgeries at iba pang serbisyong medikal ng Baliwag Malasakit Center.

Ibinahagi ni Ginoong Jayfie Nasarro (DILG) ang naging resulta ng kanyang ginawang pagsusuri sa pamahalaang lokal ng baliwag para sa kategorya na Child Friendly Municipality. Binahagi nito ang mga weak and strong points ng nasabing bayan upang lalong higit na mapasaayos at mapabuti ang mga programa at serbisyong para sa nga Batang Baliwageño.
Nagkaroong ng open forum sa pagitan ng mga miyembro ng komite at nabahagi ng Estudyanteng si Aira ng Mariano Ponce Highschool ang problemang kinahaharap ng kanilang paaralan na tumutukoy sa “abangan” na nangayayari sa pagitan ng mga estudyante. Ang nasabing abangan ay ang pag tatambang ng mga grupo ng kabataan sa isang kaaway o kaalitang estudyante na nauuwi sa pisikal na sakitan. Tiniyak naman ng Naturang Paaralan na ginagawa nila ang lahat upang maagapan at matigil na ang naturang abangan sa pamamagitan ng mas epektibong surveillance, security at counselling sa mga kabataan.

Tiniyak ng Pamahalaan Bayan, sa pangunguna ng Kagalang galang Punong Bayan Ferdie Estrella, Enrique Tagle (Municipal Adminsstrator) at mga kawani ng Lokal na pamahalaan na tututukan ang mga issue at kakulangan sa pamamagitan ng pag kakaroon ng mas epektibong pag sasagawa at paglalapit ng mga programa at serbisyong may malasakit na tiyak na makapagbibigay ng pantay na pagkakataon at oportunidad sa lahat ng batang Baliwageño upang maging malusog, ligtas, at matagumpay sa kanilang pamumuhay.

Dahil sa Baliwag “Walang sino mang batang Baliwageño ang maiiwan”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s