Ika-101 Kaarawan ni Pedro S. Dandan, Ipinagdiwang

19598939_1579062048827345_5848436536915896314_n

Bilang pagdiriwang ng ika-101 na kaarawan ni Pedro S. Dandan, nagkaroon ng maiksing lektura at eksibit ng mga manuskripto ng nasabing manunulat sa Tahanan ng Kalinangan at Kasaysayan ng Baliwag o Lumang Munisipyo. Ito ay dinaluhan ng mga guro mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Baliwag at ng mga anak at asawa ni Tiyo Pedring. Dumalo rin sa nasabing pagdiriwang ang ating Punongbayan, Mayor Ferdinand V. Estrella, ang ating Municipal Administrator Enrique V. Tagle, at isa sa mga konsehal ng ating bayan, Kon. Joel Pascual.

Si Pedro S. Dandan o mas kilala rin sa tawag na Tiyo Pedring ay isa sa mga mahuhusay na manunulat na tubong Baliwag. Bagamat ipinanganak siya sa Tondo, Manila noong ika- 30 ng Hunyo, 1916, ang kanyang mga magulang na sina Mauricio Batungbakal Dandan at Benita Santos ay ipinanganak at lumaki sa Baliwag. Kilala siya sa detalyadong paggawa ng mga istorya na kanyang isinusulat. Siya ay mayroong tatlong daang artikulo na nalikha. Dahil ditto, nagkamit ng karangalan na Palanca Award si Tiyo Pedring para sa kanyang isinulat na “Mabangis na Kamay” noong 1951. Ilan sa kanyang mga nagawa ay ang Mabangis na Kamay, Maamong Kamay, Sugat ng Digma, Anino ng Kanyang Ama,  Ang Daong ni Noe, Tinig: Sa Bagong Panahon, at Nakayungyong na Kawayan.   

19553952_1625200137566976_6353735360408003086_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s