In Pursuit of Excellence: Baliwag ECCD Reform

img_5307Natapos ang Pangkalahatang Oryentasyon sa mga magulang ng mga Daycare students ng Bayan ng Baliwag nitong nakaraang Hunyo, 22, 2017 sa Baliwag Star Arena, na ginanap sa dalawang batch (08:00 am at 1:00 pm), dahil narin sa dami ng bilang ng mga Enrollee’s ngayong taon na umabot na sa mahigit 2400 na bata kumpara sa 1800 enrollees noong nakaraang taon.

Maiuugnay ang nasabing pag taas ng bilang ng mga daycare students alinsunod sa mas pinaigting at pinaayos na DayCare Service Program na siyang Pinaliwanag ng Kagalang galang Punong Bayan Ferdie Estrella, ibinahagi ng butihing Mayor Ferdie ang mga reporma sa bagong ECCD Program kung saan nabibilang ang Day Care Service,

Alinsunod sa adbokasiya ng ating Punong bayan, na Walang sino mang Batang Baliwageno ang Maiiwan, ang Bagong Baliwag Day Care Service ay:

  1. Libre para sa lahat ng Batang Baliwageno: Wala ng babayarang Registration Fee.
  2. Pagkakaloob ng Libreng T-shirts  (2 bawat bata) bilang uniporme ng mga bata.
  3. Paghahandog ng Libreng Work Text Books para sa lahat ng daycare students.
  4. Paglalaan ng 2 oras sa daycare center ng mga batang edad 3, at 3 oras naman para sa mga batang edad 4.
  5. Pag kakaroon ng Modernong paguulat at palitan ng suwestyon at pag tugon sa mga Magulang, sa isang social media platform na kinabibilangan ng mga daycare teachers, ECCD council at ng mismong Punong Bayan Hon. Ferdie Estrella, upang mas mapaigting at mapaganda ang daloy ng daycare service.
  6. Pag sasaayos ng dami ng bilang ng mga guro alinsunod sa dami ng bilang ng batang dapat lamang sa isang sesyon.
  7. Pag sasaayos ng mga Day Care Center at pag dadagdag ng mga bagong centers at guro kaugnay sa pag dami ng bilang ng enrollees.
  8. Patuloy at mas pinaayos na pag implementa ng Supplemetal Feeding para sa mga batang nasa Day Care katuwang ang DSWD Region III.

Ilan palamang ang mga ito sa mga programa at serbisyong handog ng Lokal na Pamahalaan sa mga Baliwageno alinsunod sa kagustuhan ng Punong Bayan na mas Paigtingin at pag husayin pa ang mga serbisyong handog sa lahat ng mamamayan.

img_5290Naroon din sa nasabing oryentasyon si Ms. Maria Cristina Silamor, Co-Chair, ECCD Council na nag bigay ng kaalaman sa mga magulang ukol sa ECCD (Early Childhood Care and Development) sa kahalagahan nito sa bawat bata at mga responsibilidad ng mga magulang sa pag iimplementa nito.

img_5264Dumalo rin sa nasabing programa si Mr. Enrique V. Tagle, Municipal Administrator, kung saan ipinaliwanag nito sa mga Magulang ang bagong programa ng Lokal na Pamahalaan na kung saan mas mag papadali ito para sa mga mamayang magkaroon direktang ugnayan sa mga programa at serbisyong handog ng bayan bukod pa sa pagkakaroon ng mga karagdagang benepisyo patungkol sa kanilang kalusugan, ang “Baliwag Benefits Card”.

Iprenisinta naman ni Ms. Carolina San Juan ang bagong Parents HAndbook na magiging gabay ng mga magulang sa kanilang mga tungkulin bilang katuwang ng mga guro sa pag iimplementa ng Daycare service sa kanilang mga anak.

img_5311Pinangunhan ni Ms. Brenda Bernardo, Nutrition Officer, ang talakayan ukol sa wastong nutrisyon, tamang pagkain na dapat na kinukunsidera ng mga magulang na ibinibigay sakanilang mga chikiting sa oras ng meryenda, tinalakay ang mga uri ng pagkain na nagtataglay ng mas mainam na sustansya at nutrisyon na higit na makatutulong sa mga mag aaral upang lalong higit silang maging listo at malusog. Namahagi ang naturang Nutrition Officer ng Nutri Nam sa mga magulang nma naging aktibo sa nasabing programa.

Nasa naturang programa rin ang Kagalang galang Konsehal Ding Dong Nicolas na siyang nagbigay ng Pagbati at Pagsuporta sa mga programa ng ating Punong Bayan, at sa mga magulang at kabataang naroon.

Maayos na natapos ang naturang programa ganap na 04:00 ng hapon, Tiniyak ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag na simula palamang ito ng pagsasaayos at pag papaigting ng mga programa at serbisyong mula sa puso, at may Malasakit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s