Baliwag Personnel Selection Board, Nagsagawa ng Interview sa mga Aplikante 

Nagsagawa nga ng interview kahapon ang Personnel Selection Board upang punuan ang labing-apat na bakanteng posisyon sa Pamahalaang Bayan. Naging mabusisi ang mga miyembro sa pagpili nang sa gayon ay mga tamang tao ang mailagay sa mga posisyon. 

Ayon kay Baliwag PSB Chair, Municipal Administrator Enrique Tagle, “nais ng Punongbayan na maibigay ang mga posisyon na iyon sa mga tamang tao. Hindi dahil sa matagal sila kung hindi sila ang may angkop na kagalingan at natapos na kurso.” 

Dumalo naman sa Personnel Selection Board Meeting sina Konsehal Pechay dela Cruz, kinatawan ng Sangguniang Bayan; Dr. Maryjoan Dinlasan at Municipal Accountant Ms. Rhea Diana Payuran, mga kinatawan ng Level 3; at Mr. Herson Cruz, Kinatawan ng Level 2. Si Human Resource Development Officer Chief, Ms. Esther Cabigao naman ang pinuno ng Secretariat. 

Naka sentro naman ang mga katanungan ng mga PSB sa reporma at inobasyon sa burukrasya bagay na naka linya sa plano ni Mayor Ferdie na maging sentro ng inobasyon at mahusay na kawanihan ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag. 

Ayon kay Dr. MaryJoan Dinlasan, Municipal Health Officer, “the mere fact that the system is activated is already an indication that we are in the direction of meritocracy and professionalism.” 

“Masaya ang mga exercise na ganito, dati rati ay basta malalaman mo lang na nalipat na o may nailagay na” ayon sa isang aplikante.

Naging diretso at praktikal naman ang mga naging tanong ngunit mapanuri. Pinuna naman ng isang Board ang kursong tinapos ng mga aplikante na hindi akma sa kanilang inaaplayan.  Sa posisyon naman ng Buyer 1 and 2, ang isang miyembro ng Board ay na nagtanong sa limang aplikante kung may nakabasa na ng RA 9184, at ikinagulat nga ng mga miyembro na walang nakabasa dito. “I am sorry to the applicants and members but I do not see any point proceeding when all of the applicants have failed to read the “bible” of any person interested to be assigned at the procurement office,” pagtatapos ni Muncipal Administrator Tagle. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s