Plastic Reduction Ordinance, Segregation, ipapatupad na sa Hulyo 1. 

Matapos nga ang isang taong information and education campaign ay ipatutupad na ang plastic reduction ordinance sa bayan ng Baliwag.  Ang ordinansa ay nagbabawal sa lahat ng uri ng plastic maliban sa tinatawag na 8×11.

Mahigpit naman ang pagpapaalala sa mga tindahan, fastfood stores at grocery na ipatupad ang nasabing ordinansa.  Samantala, ang publiko naman ay dapat na matuto na gumamit ng mga reusable bags kung mamimili dahil panaamantalang ipagpapaliban ang paggamit ng plastic kahit na ito ay biodegrable upang hindi makalito sa implementasyon ng regulasyon.

Ang mga kabahayan naman ay kailangan na umanong magsagawa ng strict segregation at source dahil ang operasyon ng koleksyon ay batay sa araw na dapat kolektahin lamang.

Ang mga barangay naman ay pinapayuhan na magsimula na ng kanilang maliit na operasyon ng material recovery facility (MRF) upang makatulong sa problema sa basura. Ang mga biodegradables ay maaaring gawing pataba sa pamamagitan ng vermi composting.

Ang mga foils na gamit sa sachets ng shampoo, toothpaste, gatas, kape, potato chips ay gigilingin upang ihalo nga sa gagawing pavers. Ang mga balat naman ng buko ay gagawing lubid.

 


Expanded Palit Basura Stores

Samantala, papalawigin naman ng Baliwag Environment and Natural Resources ang operasyon ng mga palit basura stores upang mas mapataas ang kaalaman ng publiko sa pagseseregate ng mga non biodegradable. Ang mga paaralan nga ay pinapayuhan na magtayo ng mga sariling palitbasura stores at kanilang ipapalit ang mga ito ng mga pagkain, gamit sa eskwela at grocery items. 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s