Pagtutok sa Estado ng Edukasyon ng mga Batang pasok sa Programang Pantawid Pamilya, tinutukan.

Alinsunod sa pahayag ng Punong Bayan Hon. Ferdie Estrella, na kanyang tututukan ang implementasyon ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ay nag karoon ng pangunang pag sisiyasat ang kawani ng DSWD Regional Office III sa pangunguna ng Municipal Action Team Leader na si Ms Mercy Grace Ventura kasama ang Social Welfare Officer II ng nasabing ahensya na si Ms Gaudencia Tinagan.

Dahil sa kagustuhan ng punong bayan at ng Municipal Action Team Committee na pinangunahan ng Municipal Administrator, Mr Enrique Tagle, nitong nakaraang MAC meeting, na tutukan ang tumataas na bilang ng mga batang miyembro ng pantawid na hindi nag aaral. Nagsagawa ng FGD o focus group discussion ang MAT sa mga magulang at batang miyembro ng pantawid na napatunayang hindi nag aaral sa taong ito. Sinuri at inalam ang mga kadahilanan sa di pagtugon ng mga pamilya sa kondisyon patungkol sa pag papaaral ng mga bata, nagkaroon ng counselling kung saan pinaliwanagan ang mga magulang sa magiging epekto ng di pag aaral ng mga bata sa estado ng kanilang pagiging miyembro sa programang Pantawid. Ganun din ay pinangaralan ang mga bata patungkol sa magiging epekto ng kawalan ng kaalaman at mga disadvantages ng di pag pasok sa ekwelahan. Hinimok ang bawat pamilya na magkaroon ng interest sa pag aasam na makatapos ng pag aaral ang mga bata, na kung saan hindi lamang ang ayuda ng Pantawid ang kanilang dapat inaasahan bagkus ay ang magkaroon sila ng sariling pagsusumikap upang makamit ito. Sa kabila nito ang lokal na pamahaalang bayang ng Baliwag ay lagi lamang nakasuporta sa bawat mamayang Baliwageño upang marating ang inaasam na positibong pagbabago sa kanilang mga buhay, na kung san ang masagana at maayos na pamumuhay ay magiging abot kamay, sa tulong narin ng mga serbisyong may Puso, at may Malasakit.

Natapos ang nasabing FGD sa pagpupulong ng MSWD officer Ms. Josephine Lopez, Kawani ng DSWD Ms. Tinagan at Ms. Ventura at ni Mr Alvin Lee, Social Services Specialist, na kung saan sila ay nagplano ng mga aktibidad tulad ng home visitation, FGD, Assembly, at pamamahagi ng mga IEC materials na kung saan naglalayong mabigyang kaalaman ang bawat benepisyaryo sa mga epekto ng di pag tugon sa kondisyon sa sektor ng Edukasyon di lamang sa kanilang Cash Grants, ngunit higit sa lahat sa kanilang pamumuhay at kinabukasan ng kani kanilang mga anak.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s