TARA sa Kaunlaran.

Matagumpay na natapos ang Technical Assistance and Resource Augmentation (TARA) meeting ng mga Municipal Social Welfare and Development Officers ng bawat bayan sa Bulacan noong Hunyo 15-16 2017 sa Groto Vista Resort and Apartelle sa City of San Jose Delmonte Bulacan, na siyang pinangunahan ng DSWD Regional Office III. Ang layunin ng nasabing pagpupulong ay ang mapaigting ang mga serbisyong pampubliko ng bawat lokal na pamahalaan katuwang ang Regional at National government kung san ang pag tutulong tulong ng bawat isa ay mas nakapagbibigay ng agapang ayuda at positibong pagbabago sa mga buhay ng kanilang mga mamamayan.

Tinalakay sa naturang pagpupulong ang kalagayan at estado ng mga BUB (Bottoms Up Budgeting) funded na mga proyekto sa bawat bayan na kinakailangan ng matapos at ma liquidate, Sustainable Livelihood Programs para sa mga Pantawid Pamilya Beneficiaries, Social Pension para sa mga Senior Citizen, Centenarian Grants, at ang mga regular ng programang naglalayong iangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamayan sa probinsya ng Bulacan.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng Regional Director ng Region III, walang iba kung hindi si Director Gemma Gabuya, sa kanyang pagbati ay nabanggit ng Direktora ang kagalakan sa matatag at walang sawang suporta ng bawat lokal na pamahalaan sa mga programang binababa ng Regional at National Governmeent sa mga ito, nagpasalamat din ito sa mga inisiyatibo ng bawat MSWDO ng bayan upang wakasan ang kahirapan at pang aabuso sa mga kabataan at kababaihan.

Kinatuwa ng nasabing direktor ang Programang Hatid Kalinga ng Bayan ng Baliwag at ang mga serbisyong hatid ng Malasakit Center, hinikayat ang nasabing bayan upang magpasa ng write up ukol sa mga programang ito upang makilala ng departamento ang kagalingan at serbisyong  hatid nito sa mga mamayanang Baliwageño.

Natapos ang naturang pagpupulong kung san lahat ng kinatawan ng bawat bayan ay nag kasundo upang masagawa ang mga lapse o natirira pang mga gawain alinsunod sa mga nabanggit na usapin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s