4Ps Municipal Action Team: Mga 4Ps na hindi tinututukan ang mga anak at madalas makita sa sugalan, papanagutin. 

Hindi nga palalampasin ng Municipal Action Team ang patuloy na pagpapabaya ng mga magulang sa kanilang mga anak. Napagkasunduan na mahigpit na ipapatupad ang monitoring ng mga anak na nasa ilalim ng 4Ps. Obligasyon nga umano ng mga magulang na ang lahat ng mga bata ay nabibigyan ng sapat na atensyon sa halip na sa mga sugalan lamang ito naglalagi. May mga balita pang nakarating sa MAT na may mga 4Ps na ang nagsasanla ng mga ATM Cards. 
Ayon naman sa mga MAT hindi sigurado na ang mga cash transfers ay sa mga cash cards kaya’t ang mga nagpapautang ay hindi dapat tumanggap ng sinanla na cash card.
Ang mga impormasyon sa mga ganitong aktibidad at pagpapabaya ng magulang ay dapat na maireport sa MAT sa pamamagitan ng ating Baliwag Hotline. Agad naman itong iinendorso ng MAT upang magsagawa ng fact finding comittee nang mapabulaanan o malinawan ang sumbong. 

Magpupulong nga ng isang beses isang Lingo ang Executive committee ng MAT upang mabilis na makaresponde at makagawa ng resolusyon dito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s