4Ps Municipal Action Team Nagpulong

Nagpulong kanina ang mga miyembro ng Municipal Action Team upang mapagusapan ang mga mahahalagang isyu patungkol sa pagtutok sa implementasyon ng 4Ps. 

Naging puna umano ang paraan ng pagmomonitor sa mga beneficiaries lalo na sa kanilang mga anak dahil sa kaluwagan at kakulangan ng feedback system. Dahil sa puna ng mga kinatawan ng Departamento ng Edukasyon, ang 4Ps Municipal Link ay magbibigay ng stub upang ito ay sertipikahan ng mga advisers ng mga paaralan upang masiguro na talagang pumapasok ang nga bata.

Binanggit din ni Municipal Administrator Enrique Tagle na kailangan mag bangga ang mga datos sa pamamagitan ng integration ng mga data mula sa sectoral profiling upang hindi magkatugma ang mga proyekto at programang ibaba. Pinuna din niya ang kakulangan sa stratehiya sa pagbibigay ng mga skills training na hindi akma sa kakayahan ng beneficiaries. Aniya, mas mainam pa na upgrading of skills ang ibigay natin. Halimbawa, if they are tricycle drivers let us see if they will succeed offering driving lessons. In a survey we conducted, most of them wants to be professional drivers. 

Nagkaroon din ng diskusyon ukol sa pagpapatanggal sa mga beneficiaries na mayroon reklamo tulad ng pagsusugal o kaya ay nakalampas na sa poverty level ay dapat maalis sa programa nang sa gayon ay mabigyan ng pagkakataon ang iba. Bilang tugon dito, nagpalabas ngnresolusyon ang Municipal Action Team na paganahin ang mekanismo ng grievance upang mahigpit na mapatupad ang mga pamantayan sa 4ps.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s