Pagkakaloob ng Special Franchise sa Ibang mga Traysikel

BALIWAG, BULACAN. Noong nakaraang ika-9 ng Hunyo, 2017, pinagtibay ng Baliwag Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) ang pagbibigay ng Natatanging Prangkisa (Special Franchise).

Ayon sa BTFRB Board Resolution No. 12 – 2017 (A Resolution on the Registration of Tricycles Granting Special Franchise), ang mga traysikel na ginagamit bilang pribadong panghatid (service) sa paaralan, trabaho at negosyo na bumabagtas sa mga lansangan ng Baliwag, Bulacan lalo na sa Plaza Naning at Baliwag Public Market ay kinakailangan na mai-rehistro at mabigyan ng natatanging prangkisa (special franchise).


 

19204674_10211883171229027_294738210_o

One of the requirements on the application for Special Franchise is having a fixed door. This door should not in any manner be detachable to the sidecar of the motorcycle unit. Also, the motorcycle unit has neither been issued with Motorized Tricycle Operators’ Permit (MTOP), nor its operator and/or driver has been using the same unit in furtherance of his Tricycle Operators’ and Drivers’ Association (TODA) membership. Reference: Section 2, par. 2 and 3 of Board Resolution No. 12 – 2017 (A Resolution on the Registration of Tricycles Granting Special Franchise)

Requirements on Application for Special Franchise

Inisa-isa na rin ng nasabing resolusyon ang mga kailangan sa pagpaparehistro para mabigyan ng natatanging prangkisa (special franchise). Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Official Receipt (O.R.) at Certificate of Registration (C.R.) ng motorsiklo;
  2. Kinakailangang may nakakabit na pirmihang pinto ang sidecar ng traysikel;
  3. Ang traysikel ay laan lamang bilang pribadong panghatid (service) sa paaralan, trabaho at negosyo;
  4. Ang motorsiklo ay hindi nagamit para mabigyan ng Motorized Tricycle Operators’ Permit (MTOP) ang operator o driver nito, o ito ay ginagamit dahil ang drayber o operator ng traysikel ay miyembro ng anumang Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA); at
  5. Limang daan at limampung-pisong (P 550.00) bayad sa rehistro.

 

The Business Permit and Licensing Office (BPLO) and the Baliwag Traffic Management Office (BTMO)

          Ang BPLO ang mangunguna sa pagtanggap at pagpo-proseso ng mga aplikasyon. Samakatuwid, ang mga nagnanais na magkaroon ng nasabing natatanging prangkisa (special franchise) ay kinakailangan na magtungo sa nasabing tanggapan ng pamahalaang bayan upang magpa-rehistro. Partikular ang resolusyon sa mga sumusunod na gampanin ng nasabing tanggapan:

  1. Pagkakaroon ng inspeksiyon sa traysikel. Katulad ng ipinagkakaloob na prangkisa sa mga traysikel na pamasada, kailangan rin na makapasa ang bawat traysikel sa Roadworthiness Test (Inspection); at
  2. Pagkakaloob ng Tin Plate at Sticker.
18012856_10211330004400202_8963309_o
The Business Permit and Licensing Office (BPLO) shall be the lead agency to receive and process applications for registration of tricycles with special franchise. Particularly, said office is tasked of the following: (1) Roadworthiness Test (Inspection); and (2) Issuance of Tin Plate and Sticker. Reference: Section 3 of Board Resolution No. 12 – 2017 (A Resolution on the Registration of Tricycles Granting Special Franchise)

          Ang BTMO naman ang mangunguna sa implementasyon ng nasabing resolusyon – simula sa pagbibigay inpormasyon sa publiko hanggang sa pagpapatupad ng batas ukol sa nilalaman ng resolusyon, kabilang na ang panghuhuli sa mga walang prangkisa na bumabagtas sa mga lansangan ng Baliwag, Bulacan ng walang anumang kaukulang prangkisa.

18620908_1350325308384009_7098737157727841538_o
The Baliwag Traffic Management Office (BTMO) shall be the lead office for the enforcement of the traffic management rules, and information dissemination contained in the resolution. Reference: Section 4 of Board Resolution No. 12 – 2017 (A Resolution on the Registration of Tricycles Granting Special Franchise)

          Ang petsa ng pagpapa-rehistro ay sa unang araw hanggang sa ika-15 ng Hulyo, 2017. Samantalang ang ganap na pagpapatupad nito ay sa unang araw ng Agosto ng taong kasalukuyan.


 

Limitation and Validity

          Maglalaan ng isang libong (1,000) natatanging prangkisa (special franchise) ang pamahalaang bayan. Mula sa kabuuang ito, ang pitong daan (700) na natatanging prangkisa (special franchise) ay laan sa mga residente ng Baliwag, Bulacan. Ang tatlong daan (300) naman ay laan para sa mga hindi taga-Baliwag na nagnanais na magkaroon ng prangkisang ito.

          Katulad ng ibang prangkisa, hindi maaaring isalin (non-transferrable) sa iba ang pribilehiyong ito. At ang nasabing prangkisa ay may bisa lamang ng isang taon. END

6221706222017
Enter a caption

6221706222017_0001

6221706222017_0002
Copy of Board Resolution No. 12 – 2017: A Resolution on the Registration of Tricycles Granting Special Franchise 

 

RELATED ARTICLES:

  1. Pagpaparehistro ng Pribadong Traysikel, Pagkakansela ng Prangkisa sa mga Hindi Taga-Baliwag, at Iba pa;
  2. Ang Traysikel sa Baliwag, ang BTFRB at ang mga Pagbabagong Inilunsad;
  3. Sitting Pretty sa Baliwag; at
  4. Si Sir Manny at Ang Kanyang Pagreretiro Bilang Kawani ng Pamahalaang Bayan.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s