DALAWAMPU’T TATLONG (23) SMAW NC II PASSERS MULA SA LIBRENG TRAINING

 

WELDING

Ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pamamagitan ng Public Employment Service Office sa pakikipagtulungan ng College of Our Lady of Mercy of Pulilan Foundation, Inc (COLM) ay nagsagawa ng libreng pagsasanay sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II para sa mga Baliwagenyos. Ito ay ginanap sa Baliwag Bahay Pagbabago Reformation Center sa Barangay Tiaong noong ika-04 ng Mayo hanggang ika- 4 ng Hunyo, 2017 simula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Tumagal ng dalawampung araw ang nasabing pagsasanay at nagkaroon ng humigit kumulang na 50 trainee’s.

Sila G. Guilbert Querido at G. Ernesto Magno ang nagsilbi na mga trainer’s na nagbigay kaalaman at tumulong na matutunan ang mga karaniwang competencies tulad ng paggamit ng mga hand tools, pagbibigay kahulugan sa ginuhit na sketch, paghahanda sa mga kagamitan, pagkukumpuni at pagsusuot ng tamang kasuotan at marami pang iba pa.

Pagkatapos ng libreng SMAW Training nagsagawa naman ng Assessment para sa unang grupo ng mga trainee’s noong ika- 5 ng Hunyo, 2017 na ginanap rin sa Baliwag Bahay Pagbabago Reformation Center sa Barangay Tiaong. Si Mr. Ronald Bagay ang nagsilbing assessor sa 25 na nakalista, 23 ang lahat ng nakapasa o 96%. Narito ang listahan ng mga pangalan na sa ngayon ay Certified SMAW NC II holder na:

  • Araojo, Christian Joseph
  • Banzon, Mark Enrico G.
  • Beltran, Marvin G
  • Bustamante, Simonette D.
  • Cabrido, Criszardo C.
  • Cawayan, Juraike A.
  • Colindon, Rommel B.
  • Cruz, Reymar V.
  • De Fiesta, Mark Jayson R.
  • Dela Cruz, Junar N.
  • Deleganzo, Reynaldo M.
  • Dimanlig, Melmar O.
  • Gementiza, Hener E.
  • Gonzales, Marwene R.
  • Gonzales, Jerome DC
  • Gubantes, Joanne S.
  • Largado, Mark Aldwin V.
  • Largado, Paul Anthony V.
  • Lobite, John Rodhill DC
  • Lobite, John Roochiled DC
  • Mendoza, Rowell G.
  • Miranda, Rey G.
  • Molina, Ivy Rosan A.

Layunin ng nasabing pagsasanay na makapagbigay ng kaalaman at trabaho sa mga Baliwagenyos. Malaking tulong din ito sa Baliwag Bahay Pagbabago Reformation Center dahil ang ilan sa mga reformees ay nagkaroon ng pagkakataon na matuto ng welding upang sa kanilang paglabas ay magamit nila sa paghahanap ng trabaho. Ang ating Punong-bayan Ferdie Estrella sa pamamagitan ng PESO ay kasalukuyang nagiimbita ng isang ahensya na maaaring tumulong upang ang mga kumuha ng SMAW NC II ay magkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Japan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s