Commentary: Kung ang internet ay may think before you click, pagbili ng sasakyan dapat parking space muna before owning a car. 

(e-letter to the editor – ang sumusunod na artikulo ay hugot mula sa isang email  na ating natanggap mula sa isang taga-subaybay, maaari nga kayong magpadala ng inyong mga hugot sa pamamagitan ng email na ito administrator@baliwag.gov.ph)

Hello Editor,

Bakit po ginagawang parking space ng mga estbalishments ang mga kalsada at sidewalks sa bayan. Pati po dito sa street namin ay ang daming mayroon may sasakyan pero wala naman silang parking area. Parang isang mahabang parking lot po ang street namin dito kapag umaga. Magpapasukan na naman po at siguradong mas sisikip ang traffic. Handa na ba ang gobyerno? Sana maaksyunan po ‘ito.

RS ng F.Lara

Dear RS,

Malakas ang panawagan ngayon sa social media patungkol sa pagiging responsable  bago maglike o magshare ng mga impormasyon sa facebook.  Ang mga maling impormasyon na ating ipinapasa ay maaaring magdulot ng pagkakamali o pagkalito o pagkakagulo ng mga tao. Responsible netizens nga ang tawag nila dito.

Kung may netizens meron din motorists and pederstrians na pawang may pantay-pantay na karapatan sa mga pampublikong lugar. Pero napapansin natin na ang daming mga may sasakyan ngayon na walang parking space. Dati ay pwedeng magawa yan dahil hindi pa ganoon kalaki ang bayan natin. Pero ngayon na padami ng padami ang tao at mga sasakyan na dumadaan ay kailangan na natin itong iregulate.

Responsible Car Ownership

Kung bibili ng sasakyan ay siguraduhin muna na mayroon paradahan sa inyong tahanan o mayroong bakanteng lupa na maaari ninyong maparadahan. Kung wala ay dapat na maghanap ka ng mga bakanteng lupa na maaring mapakiusapan na gawing parking space. 

Ang mga dating side streets na hindi masyadong pinaparadahan ay hindi na nga katulad ng dati na madalang lang na dinadaanan. Ngayon, nagagamit ang mga kalsada sa looban upang maging alternatibong daan.

BS AQUINO

Buong BS Aquino nga ay punong-puno ng mga establisyimento na walang paradahan. Mabuti na nga lang at may mga pailan-ilan na mga bakanteng lupa ang napakiusapan na gawing parking space ang kanilang mga lupa. 

Kailangan na maglagay ng mga probisyon sa parking ang mga establisyimentong parang nabili na nila ang mga tapat na kalsada para gawing parking space. Ang iba naman ay ginawang extension ng mga tindahan nila ang dapat sana ay parking space nila kung kaya’t wala naman maparadahan ang kanilang mga kliyente kung hindi sa mga sidewalks na dapat sana ay nilalakaran pa nga ng mga tao. 

Schools

May mga eskwelahan din na hindi sapat ang parking area kaya’t madalas ay nagiging parking area ang mga kalsada. Medyo nakalimutan nila na kasama sa kanilang paglaki ay ang probisyon sa tamang parking space. Kung naging mahigpit ang gobyerno ay hindi nito papayagan na makapagtayo ang mga pribadong paaralan ng walang sapat na parking space. 

Corrective Measures

Dahil nga andyan na yan ay wala na tayong magagawa kung hindi gumawa ng mga solusyon na makakapagpabuti ng sitwasyon ng trapiko at magbibigay sa atin ng probisyon para makapagtayo ng mga parking space. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s