Programa ng Baliwag Kontra-Dengue, mas pinalakas ngayong 2017!

“Pangatlo ang Baliwag sa may pinakamataas na naitalang kaso ng dengue mula Enero-Mayo ng 2017, kumpara sa lahat ng mga bayan at lungsod sa Bulacan. “
Hindi pa man din natatapos ang unang semestre ng taon ay nakapagtala na ng 1,198 na kaso ng dengue ang lalawigan ng Bulacan, na mas mataas ng 41% kumpara noong nakaraang

taon. Ito ay ayon sa tala ng Panlalawigang Tanggapan ng Kalusugan ng Bulacan. 116 (9.7%) sa mga kasong ito ay nagmula sa bayan ng Baliwag, kung kaya’t ang Baliwag ay hinirang na pangatlo sa may pinakamataas na naitalang kaso ng dengue, sa lahat ng mga bayan at lungsod sa Bulacan. Karamihan din sa mga nagkaroon ng dengue ay mga bata edad 1-10. 

Ang mas mataas na naitalang kaso ng dengue ay inaasahan dahil sa marami nang Baliwagenyo ngayon ang mas maagap nang magpapatingin sa duktor o may mataas nahealth-seeking behavior upang maiwasan na lumala ang anumang sakit. Ito ay bunga ng patuloy at mas maagang kampanya ng ating lokal na pamahalaan upang mapuksa ang Dengue.
Ang ating Municipal Health Office, sa pangunguna ni Dra. Joan Dinlasan, ay nagsimula na ng pagsasagawa ng dengue awareness campaigns sa mga Punongbarangay, gaya ng nabanggit noong Barangay Summit 2017 sa Star Arena. Tinalakay din doon ang iba pang mga programa ng MHO para sa ating mga kababayan.

Tuloy pa din sa pagbibigay ng bakuna kontra dengue sa mga mag-aaral sa elementarya sa lahat ng pampublikong paaralan. 

Naging masigasig din ang ating MENRO at mga barangay sa pagsasagawa ng buwanang Clean Up Drives at patuloy na kampanya sa solid waste management

Patuloy rin ang pagsasagawa ng pagpapausok o misting sa mga barangay upang masugiro na mapuksa ang mga pinamamahayan ng mapinsalang lamok.

Pagpasok ngayon ng buwan ng Hunyo ay simula nanaman ng panahon ng tag-ulan at mas inaasahan na ang kaso ng Dengue ay mas higit na tataas, kaya’t hinihikayat ang pakikiisa ng lahat ng Baliwagenyo na siguruhing malinis ang ating kapaligiran at panatilihin ang malakas na pangangatawan ng pamilya ngaung panahon ng tag-ulan, lalo na ang mga bata. 
Ang Dengue Awareness Month ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Hunyo kaya’t mas lalong napapanahon na paiigtingin ang health information dissemination tungkol sa mga sintomas ng dengue at lalong hikayatin ang lahat na agapan ang pagpapatingin sa ating mga health centers o sa pinakamalapit na ospital.
Mithiin ng ating Punongbayan, Mayor Ferdie Estrella, na masiguro ang malinis at malusog na Baliwag sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng Serbisyong may Malasakit. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s