Baliwag Tricycle Franchise and Regulatory Board pinagrerehistro ang mga tricycle na pansundo sa eskwela o opisina.


Ang Baliwag Tricycle Franchise and Regulatory Board ay nagpapa-alala sa LAHAT ng mga TRICYCLE/TRIKES na may gamit pansundo o paghatid ay kinakailangan mag parehistro sa BUSINESS PERMITS and LICENSING OFFICE. Mayroon lamang na Isang Libong Tricycle (SPECIAL FRANCHISE) ang IISYU NG BALIWAG para sa mga Baliwagenyo at mula sa taga-ibang Lugar.

Ang mga gagawaran ng special franchise ay mabibigyan ng pribilheyong makapaghatid at magamit sa partikular na ruta lamang  at hindi maaaring magsakay.  Maglalabas naman ng mga bagong information materials ang Tanggapan ng Pangasiwaan sa Trapiko o BTMO ukol dito upang hindi na mapagmulan ng kalituhan. Mayroon sariling DECAL at may nakapaskil na SERVICE VEHICLE/SPECIAL FRANCHISE ang mga mabibigyan ng prangkisa. 
 

Paghahanda sa pagbubukas ng Klase

Naghahanda naman ang Philippine National Police at ang Baliwag Traffic Management Office sa Pagbubukas ng Klase. Inaasahan ang muling pagsisikip ng trapiko kung kaya’t pinapayuhan ang lahat na magservice pooling. Ang mga paaralan pribado naman ay MULING TINATAWAGAN ng PANSIN sa PAGKAKAROON NG MGA PARKING SPACE upang hindi magamit ang mga kalsada na paradahan. Gayun din, ang mga pribadong tahanan, mga pampubliko at pribadong mga tanggapan ay MULING PINAPAALALAHAN NA ANG MGA KALSADA AY HUWAG GAWING MGA PRIBADONG PARADAHAN dahil ito ay nakapagdudulot ng pagbibigat ng trapiko. 

MGA BARANGAY

Ang mga barangay naman ay pinaghahanda na din ng Tanggapan ng Punongbayan na siguraduhing ligtas ang mga bata at maisaayos ang trapiko sa kani-kanilang mga lugar.

Pinaglalagay naman ang DRRMO ng mga warning signs sa lahat ng tawiran ng bata upang mapaalalahanan ang lahat ng mga motorista na maging mahinahon sa pagpapatakbo ng kanilang sasakyan. 

Ayon din sa batas, bawal ang mga bata sa mga single na motorsiklo kung ito ay walang helmet at hindi pa kayang maka-akap ng buo sa baywang ng nagmamaneho.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s