Peer Educators’ Training ng POPCOM Region 3, dinaluhan ng mga Youth Leaders sa Baliwag

Mga kabataang delegato ng Baliwag proudly doing the Dugong Baliwag, Pusong Baliwag gesture kasama ang mga Opisyal ng Commission on Population Region 3 sa pangunguna ni POPCOM Region 3 Director, Bb. Eleanor Cura at Information Officer III, Adreal Denver Monterona. Kasama rin sa larawan ang ilang kawani mula sa DOH Region 3.

Isa ang Baliwag sa mga piling bayan sa Bulacan na napili upang dumalo sa Peer Education on Adolescent Health and Development Training ng Commission on Population Region 3. Ang mga kabataang Baliwagenyo ang may pinakamaraming delegado sa nasabing training, na isinagawa mula May 24-26, 2017 sa Balibago, Pampanga. Layunin ng pagsasanay na mas mapalawig ang wastong kaalaman at pagkaintindi ng mga kabataan sa kanilang sexuality at reproductive health at sa huli ay mailayo at mabigyang tugon ang mga isyu ng early sexual encounters, teenage pregnancy, HIV at AIDS, paninigarilyo, pag-inom ng alak at iba pang klase ng risky behaviors. 

Ang mga kabataang nagsidalo ay mula sa mga organisasyon o samahang kabataan sa Baliwag gaya ng PYAP-Baliwag, PKKB, B-Tech at ang BUKLURAN na siyang binuo sa panunungkulan ng ating Punongbayan, Mayor Ferdie Estrella. Sa kasalukuyan, ang ating Local Youth Development Council, sa pangunguna ng ating Mayor Ferdie, ay patuloy na pinalalakas ang kapasidad at involvement ng mga kabataan sa pagbubuo ng isang Comprehensive Youth Development Plan na siyang magsisilbing direksyon ng GABAY Youth Center ng Baliwag. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s