Ginoo at Binibining Baliwag 2017 pinuno ang Baliwag Star Arena.

Walang duda, ito na nga ang pinakamalaki, pinakamakulay, pinakamaganda at pinakamahabang selebrasyon ng Buntal Hat Festival. Kahapon ay ipinagdiwang ng Bayan ng Baliwag ang kanyang ika-284 guning taon mula ng ito ay mahiwalay sa Quingwa at kilalaning ng gobyerno ng España noong ika-26 ng Mayo 1733.

Sa isa sa pinakatampok na palabas  ay ang Ginoo at Binibining Baliwag na isinasagawa at napanood sa FBLive Mayor Ferdie Estrella account.  Tunay nga na hinangaan ng Publiko ang preparasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Baliwag. Bukod sa balanse ang programa ay naihatid nito ang isang layunin na muling maibalik ang kumpiyansa ng mga Baliwagenyo na maaaring maibalik ang masaya, maunlad at mapayapang Baliwag. 


Sistematiko, Makulay at Maganda

Ang lahat nga ng mga programa ay professionally executed at dekalidad. Bagama’t naging maikli ang panahon sa paghahanda dahil sa sabay-sabay na mga gawain sa SGLG at ISO ay nagawa pa din na mahusay na maisagawa ang lahat ng mga programa mula noong binuksan ang buntal festival hanggang sa Dangal ng Baliwag at Konsiyerto ng Parokya ni Edgar. Ang lahat ng iyan ay naging posible sa magkakatuwang na pagtutulungan ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, Globe Telecoms, Metro Clark Waste Management, SM City Baliwag,  at Baliwag Water District.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s