Ang Buntal at Maglalala: Byaheng  Glorietta hanggang BU

Ni Enrique Tagle

(Binasa sa pagbubukas ng Eksibit sa SM City Baliwag na may Temang Galing Baliwagenyo, Dangal ng Pilipino. Ang eksibit ay tatagal hanggang Hunyo 4)


Magandang Hapon Po! Ngayong hapon ay naatasan po ako na bigyang pagpapaliwanag ang eksibit na magkatuwang na inihanda ng SM City Baliwag at ng Tanggapan ng Punong Bayan ayon sa Tema ng Buntal Festival 2017 na Galing ng Baliwagenyo, Dangal ng Pilipino.

Sa pagdiriwang ng Buntal Hat Festival ay maliwanag ba sa ating mga Baliwagenyo ang tunay na layunin upang paggayakan ang isang produkto na bibihira nga ang nakakakita pa ng mga naglalala ng sombrerong buntal. 
Ang selebrasyon ng Buntal Festival ay hindi lamang upang buhayin ang isang produkto na naging simbolo ng mga industriyang tinitindig ng Baliwagenyo buhat sa pagtitiyaga, malikhaing paggawa, dekalidad, masinop, mahusay, mapamaraan at dedikasyon at palabra de honor. 
Katulad ng mga katangian na iyon ay ganoon din nilalala ng mga Baliwagenyo ang kani-kanilang sariling mga sombrerong buntal. Ang sombrero nga na ito ay naging simbolo ng bawat pagsisikap ng mga Baliwagenyo na makabuo ng isaong buntal na dekalidad at maganda buhat sa pagsisikap at pagtitiyaga. Akala natin ay wala ng maglalala sa Baliwag. Pero sa katotohanan ay ang daming naglalala ng kani-kanilang mga buhay, kung paano noon, ganoon pa din ngayon.
Kung kaya’t saan mang larangan o industriya ay nakikita ang pinaghirapan, pinagsumikapan at tunay nga na umukit ng pangalan. 

 Maswerte nga na ang Baliwag ay may mataas na brand goodwill o equity. Yun bang hindi sa mahinang klase nalinya ang mga negosyong ikinabit ang pangalang Baliwag tulad nga ng BALIWAG TRANSIT, BALIWAG LECHON MANOK, BALIWAG NAVIGATION at BALIUAG UNIVERSITY. Hindi ng aba na ang Baliwag Transit ang isa sa pinakamalaking Bus Company dito sa Luzon at hindi nga ba’t noon nagsabong ng mga lechon manok ay tinaguriang best lechon manok ang Baliwag at ang Baliuag University nga ang kauna-unahang unibersidad sa gitnang Luzon na mabigyan ng autonomous status ng CHED. Ang maglalala daw ay hindi maaaring basta basta lang ang kanyang pagkakagawa. Kahit ulitin pa niya itong muli sa simula basta ito ay hindi makakatugon sa tinatawag nating quality standard ay hindi mapapasa. 
Mantakin mo ay mayroong hindi bababa sa sampung Baliwagenyo ang naging pangulo ng isang malaking unibersidad sa bansa. Si Teodoro Evangelista na pinakabatang Executive Secretary noong panahon ni Pangulong Quirino ay naging pinakmahabang pangulo naman ng Far Eastern University. Si Bro. andrew Gonzales na naging Pangulo ng DLSU at Dep Ed Secretary noong panahon ni Presidente Joseph Estrada ay mula sa lahi nila Don Joaquin Gonzales. Si Mario Camacho, ikalawang pangulo ng University of Asia and the Pacific, Chancellor Sergio Cao ng UP Diliman at ngayon ay Pangulo ng Manila TyTana Colleges, Sr. Anicia Co, Chair ng RVM Schools at St Marys QC, Sr. Lilia Tolentino, SPC ay Provincial Superior ng St. Paul’s Chartres at dating pangulo ng St. Paul’s University System ay pawang taga Baliwag. Si Dr. Alicia Bustos na anak ni Domingo Santiago Sr. ay nanguna sa pagtatatag ng Philippine Association of Colleges and Universities at ang naghatid sa dating Baliuag Colleges upang maging unibersidad. Mula kay Domingo Santiago Sr. hanggang sa kanyang mga apo na sina Dr. Patricia Bustos-Lagunda at Dr. Alice Bustos-Orosa ay patuloy na nakikibahagi sa pagpapaunlad ng edukasyon sa ating bansa.

Sa larangan ng media ay hindi pahuhuli. Si Ka Tani na paboritong weatherman at Luchie Cruz Valdez ay taga-Baliwag din. Nadagdagan sila ni Babyruth Villarama na nagwagi naman ng Best Picture sa MMFF para sa Sunday Beauty Queen. Paano na lamang ang istorya ng mga OFWs sa Hongkong kung wala ngang nangahas na Baliwagenyo na isulat at isapelikula ito. 
Ang tatlo sa pinakamalaking advertising agency sa bansa ngayon ay pawang pinamumunuan o pagmamay-ari ng mga Baliwagenyo. Kung wala nga ang mga Baliwagenyong yaon ay baka hindi Glorietta ang pangalan ng Glorietta Mall sa Ayala Ave. dahil hinango ng Baliwagenyong advertising executive sa Glorietta Park ng Baliwag. O kaya ay baka, hindi na ninyo maririnig ang dagat ng basura na political jingle ni Manny Villar. 

Baka hindi din matitikman ng Pilipino ang Sbarro at makakainan ang Burgoo at baka wala ding Nissan sa Baliwag at Commonwealth kung hindi nga naitayo ng isang Baliwagenyo. Masaklap na kamusmusan ang sasapitin ng mga bata sa Baliwag, San Miguel at San Jose del Monte kung wala si Jollibee. Wala din sigurong palengke ang mga taga-Novaliches kung hindi nagdesisyong mangibang bayan ang Baliwagenya mula sa Brgy. Subic.
Sa sining ay hindi tayo nagpahuli buhat sa isang pambansang alagad ng sining sa musika ay nagkaroon tayo ng Orange and Lemons, Camerawalls at 5 miyembro ng Madrigal Singers. Buhat kay Bert Tawa Marcelo ay nagkaroon tayo Empoy. Paano na lang din ang damit ni Kim Chiu  at ni Cardinal Tagle kung walang mga Baliwagenyong may biyayang makaguhit at makabuo nito.
Ayon nga sa historyador na si Ambeth Ocampo, “Philippine furniture also has very distinct regional styles that developed into a different set of “Bs”—Batangas, Baliuag and Bohol. Of the three styles, Baliuag is the most recognizable because of its aesthetic use of bone inlay. You can still buy reproductions of the iconic Baliuag chest of drawers in shops that specialize in “modern antiques.” These stately pieces of narra and bone inlay trace their lineage to Baliuag artisans who produced what may very well be described as the “mother” of all chests of drawers.” Mula diyan ay makakukuha nga ng inspirasyon ang Simbulan Industries Inc., isa sa pinakakilala sa industriya ng paggawa ng furniture sa buong bansa. 

Kung susumahin lahat ng makikita ninyo ngayon sa eksibit na ito ay  patunay nga kung paanong ang galing ng Baliwagenyo ay nagbigay dangal sa Pilipino. 

Mali nga na sabihin na wala ng maglalala. Tayo ngayong mga Baliwagenyo ay kanya kanyang naglalala ng sombrerong buntal.  
Ang bawat Baliwagenyo nga ay maglalala ng sombrerong noon pa man ay kinilalang pinakamaganda sa silangan. At hayaan ninyo akong magtapos sa pamamagitan ng pagbasa sa mga tinuran patungkol sa buntal hat: 

“In 1904, during the Saint Louis World’s Fair, one of the products brought to exposition was the Baliwag Bamboo. According to Albert Ernest Jenks, the Baliwag Bamboo is the finest, most wonderful hat weaving to be found in the Orient. 

Mabuhay ka Baliwagenyo! Mabuhay ang mga maglalala!

Advertisements

1 Comment

  1. Mabuhay ang Baliwag
    Mabuhay ang Baliwagenyo
    More Power and Congratulations for the success of the Buntal Hat Festival 2017.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s