First Baliwag Color Fun Run

        Matagumpay na nagtapos ang kaunaunahang baliwag color fun run sa ating bayan ngayong araw, na dinaluhan ng daan daang kalahok na nagmula sa bayan ng baliwag, sa pangunguna ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Baliwag at ng mga mananakbo mula sa sa mga kalapit bayan at maging sa maynila.

Ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng baliwag ang naging punong abala sa naturang fun run, alinsunod sa pagnanais ng ating Kgg. Punong Bayan Mayor Ferdie Estrella na mabigyan ng masaya at natatanging celebrasyon ng Buntal hat Festival ang bawat mamayan ng Baliwag. Ang naturang fun run ay isinagawa upang paigtingin rin ang kamalayan ng taong bayan sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay o healthy lifestyle at ang pag hahatid ng kasiyahan sa bawat baliwageño. Ang nasabing fun run ay may layong 5kms, na isinagawa sa sentro ng nasabing bayan ilang minuto pagsapit ng 4:00 ng hapon.

Ginawaran ng halagang Php2000.00, medalya at certificate ang naunang kalahok na nakatapos ng 5km run, gayundin ay binigyan ng medalya, certificate at prize ang mga naka posisyon sa ikalawa hanggang ikatatlumpung puwesto. Nagkaroon din ng raffle matapos ang nasabing fun run.

Dahil sa tagumpay at dami ng tumangkilik sa nasabing fun run ay inaasahan na ito ay mauulit pa sa mga susunod na pagdiriwang sa bayan ng Baliwag, na kung saan lahat ng serbisyong handog ng lokal na pamahalaan ay, mula sa puso at may malasakit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s