Baliwag Centenarian’s, Ginawaran ng Natatanging Pagkilala!

Kanina lamang alas onse ng umaga ay pinarangalan at kinilala ang tatlo sa natatanging Senior Citizens ng Bayan ng Baliwag Bulacan. Sina Romualdo T. Codilla (103 years old) ng Barangay Subic, Pacita Barcelona (105 years old) ng barangay Paitan at Felipa Santos (100 years old at magdiriwang nga kanyang kaarawan bukas) residente ng Virgen Delas Flores Baliwag Bulacan.
       Ang nabanggit na mga centenarian ay ginawaran ng pagkilala kasama ang pag gawad ng halagang Php100,000.00 alinsunod sa House Bill No. 834 “Centenarians Act of 2010 na mas napagtibay bilang “Expanded Seniors Citizens Act of 2010”, ang naturang pagkilala ay pinangunahan ng ating Kgg. Punong Bayan Ferdie V. Estrella kasama ang mga kawani ng DSWD Regional Office III at Provincial Office na kinabilangan nina Ms. Feliza Esguerra (Provincial Team Leader), Mr. Edward Mendoza ( SWO III), Ms Evelyn Odi (SWO-II). Kasama rin sa pag gawad ang ating Municipal Social Welfare Officer na si Ms. Josephine Lopez at ang Municipal Action Team Leader na si Ms Mercy Grace Ventura.


Lubos na kagalakan ang naramdaman ng naturang senior citizen na si inang Felipa at ng kaniyang mga pamilya sa natanggap na paranggal at cash gift, ” napaka laking tulong nitong pera na ito para sa ikabubuti ng aming ina, mabibili nanamin ng walang pag aalinlangan ang mga branded na gamot at bitamina para sakaniya ng mas umayos ang kanyang kalusugan, makakapag celebrate din kami ng kaniyang ika 101 na kaarawan bukas kasama ang aming mga kamag anakan at nawa ay tumagal pa ang kaniyang pamumuhay kasama kami” wika ng isa sa mga anak ni Inang Felipa.

 Bagamat yumao na ang dalawa sa centenarian na sina Romualdo at Pacita ay ibinigay at ginawad parin ang 100,000 piso sa kani kanilang pamilya.
Tunay nga na isang pribelehiyo na makasama natin ang ating mga lolo, lola at mga magulang sa mahabang panahon, at nararapat lamang na sa kanilang pag edad ay maranasan at mabigyan natin sila ng maayos na pamumuhay. Dahil dito sa bayan ng Baliwag, ang lahat ng serbisyong handog ng lokal na pamahalaan ay galing sa puso, at may malasakit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s