PROTEKSYON PARA SA MGA BATA, MAS PINALAKAS!

Ni: Gerard Mhel Tolentino

Magkatuwang na pumunta sa mga barangay sina Mr. Gerard Mhel M. Tolentino ng Municipal Social Welfare and Development at Mr. Kim Clarence Enriquez ng Save The Children upang makipagpulong sa mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC). Ang mga barangay na unang nabisita ay ang Sabang, Tibag, Poblacion, Sta. Barbara, Tarcan, Makinabang at Paitan na naganap noong Mayo 17-19, 2017.


Layunin ng nasabing pagpupulong na pagalawin at palakasin ang mga BCPC upang ng sa gayon ay mas maging maagap at mahusay ang pagtugon sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata. Naisakatuparan din dito ang paggawa ng isang “Referral Pathway” na siyang tutulong upang mabilis na makapagsumbong ang mga bata at mga mamamayan sa kinauukulan. 


Magiliw na tinanggap ng mga opisyal ng barangay ang mga programang ito na siyang tugon sa mithiin ni Mayor Ferdie V. Estrella na maging Child Friendly Municipality ang bayan ng Baliwag at siguraduhing ligtas ang mga batang mamamayan nito. “Malaking tulong po ang mga ganitong programa lalo na sa aming barangay dito sa Poblacion!” ayon kay Kap. Joel “Boss J” Miranda. Nakatakda ang mga susunod pang pulong sa ibang barangay sa mga susunod na araw. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s