Mga Lolo at Lola masayang tinanggap ang kanilang Pension!

Ni: Gerard Mhel Tolentino


Matagumpay na naipamigay ang Pension ng mga Senior Citizen dito sa bayan ng Baliwag. May 627 na mga lolo at lola ang masayang tumanggap ng halagang tig-P1,500.00 na kanilang pension para sa unang tatlong buwan ng taong 2017. Pinangunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella ang isinagawang Payout kasabay ng programang High FVE sa Caravan sa mga Barangay ng Tiaong, Concepcion, Poblacion at nitong huli ay sa unang palapag ng Munisipyo.  


Ang Social Pension ay programa ng Department of Social Welfare and Development Central Office na naglalayong makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga senior citizen na nabibilang sa mahirap na pamilya. Sa pagtutulungan nila Mayor Ferdie at MSWD Head Ms. Josephine Lopez, ang kabuuang pondo na halagang P924,500 ay naibaba sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag upang mas mapabilis at maging maayos ang pamamahagi nito. “Lubos po kaming nagpapasalamat kay Mayor Ferdie at sa DSWD dahil sa malaking tulong po na ito may pambili na kami ng gamot” sambit ni lola Encarnacion Esquivel, 83y.o. ng brgy. Sta. Barbara. At dahil na rin sa pagpupursige ng ating minamahal na Punong Bayan, inaasahan na madaragdagan pa ang bilang ng mga Lolo at Lola na magiging benepisyaryo bago matapos ang taong ito.
Ipinahayag din ni Mayor Ferdie ang iba pang mga programa para sa mga Senior Citizens gaya ng libreng sine na ngayon ay 2 beses na kada linggo, birthday blowout na mula P200.00 ngayon ay halagang P300.00 na, Libreng salamin sa mata at ang “Hatid Kalinga” na naghahatid ng mga maintenance na gamot ng mga senior sa kanilang tirahan. “Lagi po niyong tatandaan kapag mayroon po kayong kailangan kapag mayroon po kayong problema huwag po kayong mahihiyang lumapit sa akin at tutulungan ko po kayo sa abot ng aking makakaya” dagdag pa ni Mayor Ferdie. Tunay ngang kay sarap maging Senior Citizen sa Baliwag dahil sa pinapamalas na Serbisyong May Malasakit ng ating Punong Bayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s