Isang Pangkalahatang Kautusan patungkol sa pag-buo ng komite para sa sentenaryo ng kamatayan ni Gat. Mariano Ponce, nakatakdang lagdaan.

Nakatakdang lagdaan ni Punongbayan Ferdie Estrella ang isang Executive Order na naglalayon na bumuo ng isang komite na tatawagin na Mariano Ponce’s Centennial Death Anniversary Committee (MPCDAC)  upang makabuluhang gunitain ang buhay ng isang Baliwagenyong sa ika- 100 taong pagkamatay ni Gat. Mariano Ponce na gaganapin sa ika- 23 ng Mayo sa taong 2018. Ang mga bubuo sa komite ay maaatasan na gumawa ng mga naaayon na programa sa pag-alala sa pagkamatay ni Gat. Mariano Ponce.

Ang mga bubuo sa nasabing komite ay pamumunuan ni Public Information Chief, Antonio Sablan at itinalagang katuwang sina G. Jay-Jay Ponce Gonzales, Gng. Merlee Jayme-Cruz at Bb. Maite Bautista, pawang mga kaanak ni Mariano Ponce. Ang mga miyembro sa nasabing komite ay kukunin sa mga sumusunod na departamento at organisasyon:  Konseho ng Turismo, PASAKABA, SAMPAKA, Baliwag Museum, DepEd,  Baliwag Center Studies, at sa Baliwag Polytechnic College. Ang Executive Oder na ito ay nakatakdang lagdaan ni Mayor Ferdie Estrella ngayong araw, ika- 23 ng Mayo, 2017 sa Mariano Ponce Shrine, M. Ponce St. Tibag, Baliwag, Bulacan.

Ang paglagda sa nasabing Executive Order na ito ay isa sa mga patunay na ang bayan ng Baliwag ay binibigyan ng importansya ang ating lokal na bayani na si Gat. Mariano Ponce.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s