Si Sir Manny at Ang Kanyang Pagreretiro Bilang Kawani ng Pamahalaang Bayan

BALIWAG, BULACAN. Noong nakaraang ika-21 ng Mayo, taong kasalukuyan, ipinagdiwang ni Emmanuel “Sir Manny” Viola Sarmiento ang kanyang ika-65 kaarawan. Makabuluhan ang araw na ito higit lalo sa kanyang pagiging kawani ng pamahalaang bayan ng Baliwag sapagkat ito ay takda ng kaniyang pagreretiro.

Dugong Baliwag

Ipinanganak si Emmanuel Viola Sarmiento noong ika-21 ng Mayo, taong 1952 sa bayan ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan. Lumaki siya sa M. Ponce Street, barangay Tibag (malapit sa bahay ni Gat. Mariano Ponce) sa pag aaruga nina Ruperto+ at Cecilia.

Nagtapos siya ng elementarya sa Baliwag Elementary School (Baliwag North Central School na ngayon) noong taong 1964, at sekondarya noong 1968 sa Mariano Ponce High School (Mariano Ponce National High School na ngayon). Nakapagtapos naman siya ng kursong Bachelor of Science in Commerce sa Baliuag Colleges (Baliuag University na ngayon) noong taong 1972.

Sa kasalukuyan, naninirahan siya sa barangay Concepcion kapiling ang kaniyang ina.


Pusong Baliwag

Unang nakipagsapalaran si “Sir Manny” sa pagtatrabaho Maynila matapos ang kolehiyo. Sa mga panahon ding iyon siya kumuha at nakapasa ng Civil Service Examination (Professional Eligibility) noong taong 1976.

Subalit ang pagnanais na makapaglingkod sa kinalakhang bayan ang naging ugat ng kaniyang pagbabalik atpagkakapasok sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag noong taong 1977.

Nagsimula si “Sir Manny” bilang Assistant Land Tax Clerk sa ilalim ng Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman (1977-1978). Makalipas ang isang taon, siya ay na-promote bilang Junior Municipal License Clerk (1978-1979). Naging Senior Municipal License Clerk matapos muli ang isa pang taon (1979-1982). Pangunahing gampanin ng nasabing mga katungkulan ang pagtanggap ng ibinabayad na buwis para sa pamahalaang bayan.

Makalipas ang humigit kumulang tatlong taon, na-promote muli si “Sir Manny” at itinalaga sa posisyong Revenue Collector (1982-1988). Isang buong taon ng 1989 ng siya ay gumanap sa mas mataas na posisyong Revenue Collection Officer I at muling naitaas sa posisyong Revenue Collection Officer III (RCO-III) noong taong 1990. Sa mga panahong siya ay RCO-III naging Officer-in-charge siya ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) hanggang maging pormal na pinuno ng nasabing seksiyon sa ilalim ng Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman.

Taong 2016, sa bisa ng Executive Order No 3: Paglilipat sa Pagtanggap at Pagproseso ng mga Hiling ng mga Lisensiya at Pahintulot sa Pangangalakal mula sa Tanggapan ng Ingat Yaman Papunta sa Tanggapan ng Punong Bayan ni Mayor Ferdie Estrella ay pormal na nailipat ang nasabing tanggapan. Sa panahong ito nagsimula ang Business Permit and Licensing System (BPLS).

img_4437-3

Sa kabila ng matinding hamon ng pagkakaroon ng computer-generated system sa pagpo-proseso ng aplikasyon ng Business / Mayor’s Permit, higit na pinatunayan ni Sir Manny ang pagiging isang mahusay na lider. Iniayos niya ang mga gampanin sa tanggapan ayon sa target ng opisina, at ipinamahagi ito sa kanyang mga nasasakupan sang-ayon sa indibidwal na talento at kakayahan.


Karaniwang ekspresyon ni Sir Manny sa kanyang mga kasama sa opisina ang mga katagang “kaya sa’yo ‘ko eh!” Sabi nga ni Roselle Hernandez, isang Certified Public Accountant (CPA) na pansamantalang nakatalaga sa BPLO: paraan ito para purihin ni Sir Manny ang mga simpleng bagay na na-ico-contribute ng bawat empleyado sa opisina. Hindi siya maramot sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga nagagawa ng bawat isa sa opisina. Palagi siyang tumatabi at sumamasama sa paggawa ng iba’t-ibang gawain sa opisina.

Ang Pagreretiro ni Sir Manny

Noong nakalipas na ika-21 ng Mayo, taong 2017, ipinagdiwang ni “Sir Manny” ang kanyang ika-65 kaarawan. Ito rin ang compulsory retirement age na itinakda ng batas para sa mga kawani na naglilingkod sa pamahalaan.

Matatandaan din na noong nakaraang ika-16 ng Mayo ng taong kasalukuyan, binati at pinarangalan ni Mayor Ferdie si “Sir Manny” pagkatapos ng Flag Ceremony. Nagpasalamat si Mayor Ferdie sa humigit apatnapung taong serbisyo na inihandog ni “Sir Manny” sa pamahalaang bayan.

Nagkaroon din ng simpleng palatuntunan para kay Sir Manny noong ika-19 ng Mayo taong kasalukuyan sa pangunguna ng kanyang mga kasama sa tanggapan. Ginanap ito matapos ang oras trabaho at dinaluhan ng malalapit na kaibigan. Sa okasyong ito, nagkaroon ng salu-salo at pagbabahaginan ng mga natatanging karanasan kasama si Sir Manny ang mga empleyado mula sa iba’t ibang panahon ng pagkakatalaga sa tungkulin.

Dinaluhan din ang nasabing palatuntunan nina Pambayang Tagapangasiwa Enrique V. Tagle at Pamabayang Ingat Yaman Martiniano D. Javier. END


This slideshow requires JavaScript.

Related Articles:

  1. Pagpaparehistro ng Pribadong Traysikel, Pagkakansela ng Prangkisa sa mga Hindi Taga-Baliwag, at Iba pa;
  2. Ang Traysikel sa Baliwag, ang BTFRB at ang mga Pagbabagong Inilunsad; at
  3. Sitting Pretty sa Baliwag.
Advertisements

One thought on “Si Sir Manny at Ang Kanyang Pagreretiro Bilang Kawani ng Pamahalaang Bayan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s