Benepisyong Handog ng SPES para sa mga Kabataan

spes-pic.jpgAng Public Employment Service Office ay nagsagawa ng special meeting sa mga Special Program for Employment of Students (SPES) beneficiaries na kasalukayang nakatalaga sa mga private establishments at barangays ng Baliwag.  Layunin ng special meeting na ito na mapag-usapan ang mga concerns ng mga beneficiaries ukol sa kanilang work assignments.

Ang Punong-bayan Ferdie V. Estrella ay lubos ang pasasalamat sa mga partner establishments at sa lagi ng katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, ang Department of Labor and Employment na naging daan upang maging productive ang summer o bakasyon ng mga estudyante.   Ayon sa butihing punong-bayan, isang napakalaking tulong ang programa na ito upang makaipon ng pangtuition fee ang mga beneficiaries para sa susunod na semester.  Isang munting bagay ang hiniling ni Mayor Ferdie, “Hinihiling ko na sana taglayin ninyo ang inyong natutunan at makatulong ang work ethics experience na inyong nakuha hanggang sa matapos ang inyong pag-aaral at nawa na magsilbing alaala na ang Pamahalaang Bayan ay minsang naging daan upang matulungan kayo sa inyong hinaharap.”

Ibinahagi naman ng Pambayang Tagapamahala, G. Enrique V. Tagle ang brand of governance na Serbisyong May Malasakit kung saan ang lahat ay dapat na Maagap, Maaasahan, Magiliw, Magkakatuwang at Mahusay. Idinagdag din  ni G. Tagle ang reporma na ginawa at patuloy na ginagawa ng pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ferdie tulad ng pagimplementa ng Strategic Performance Management System at pagsunod sa standards na kailangan upang makapasa sa Seal of Good Local Governance.

Sa panayam kay Bb. Samantha Gayle Santos, isa sa mga SPES beneficiaries na kasalukuyang nakatalaga sa Barangay Sto. Cristo sa pamumuno ni Kapitan Eligio S. Francisco, Jr.  “SPES is not just a summer job but a helpful program for students like me, and yung opportunity na makapagserve sa mga tao in the best way that I can. Iyon ang the best para sa akin.”

Tunay nga na  napakabuluhan ng SPES  hindi lamang dahil sa sweldo na maaari nila na matanggap, maging ang work ethics experience na kanilang makukuha na magsisilbing bentahe nila sa iba.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s