Kultura ng MALASAKIT sa Baliwag, viral na!

Sa kabila ng iba’t-ibang mga malulungkot at masasamang balita na ating nadidinig sa telebisyon o radyo ay kakaiba naman ang maririnig ninyo ngayon. Ito ay mga kuwentong muling magpapanumbalik ng inyong tiwala sa kapwa at pagpapatibay sa pananampalataya na ang kabutihan pa rin ang mananaig.
Sundan natin ang mga istoryang magpapalukso ng inyong mga puso sa lumalaganap na pagmamalasakitan sa Bayan ng Baliwag. 

Si Cristina Francisco, taga Sabang, Baliwag Bulacan ay nakapulot ng isang LG Celphone at agad na inireport sa BTMO upang masauli sa may-ari na taga Tambubong, San Rafael, Bulacan.


Si Traffic Enforcer Carl Paderan ay nakapulot ng pitaka na may lamang PHP 12,000.  Ito ay pag-aari ng isang Pulis na taga-Pandi.


Si Tricycle Driver Cerilo Santos ng Matangtubig ay nakapulot ng bagong celphone na kanyan naman na-turnover sa kanyang Pangulo, Marcelino Cabigao upang ireport sa BTMO upang maipa-blotter.


Isang Tricycle Driver si Rene Maniquiz at mula sa Little Baguio Toda na may body number 19. Nagsauli ng mahahalagang dokumento na naiwan sa kanyang motorsiklo ng isang pasahero mula sa Maguinao, Bustos, Bulacan.


Ang tricycle driver namang si Meryll John Juan ay nagsauli din ng kanyang napulot na celphone na pag-aari naman pala ng isang Traffic Enforcer.


Si Traffic Supervisor Rolando Pile naman ay nakapulot ng celfone sa Dr. Gonzales St. at kanya naman itong tinurn over sa BTMO upang maisauli sa nagmamay-ari nito.


Si Tricycle Driver Driver Jerry Santos ng Baliwag Toda #7 ay nakitang may mga naiwang dokumento sa kanyang tricycle at kanya naman itong ibinigay sa kanyang pangulo, Boy Tuzon upang maisauli kay John Paul Santos na siya namang may-ari ng dokumento.


Si Traffic Enforcer Lilian Corigal naman ay nakapulot ng  pitaka na may lamang Php 10,000 


at si  Traffic Enforcer Michael Mendoza ay nakapulot ng Php 50,000 mula sa isang senior citizens na kanya namang naisakay sa Libreng Sakay sa ating Public Market.


Mula tricycle driver, pasaheros o traffic enforcer man ay may kanya-kanyang istorya na kinakitaan ng tunay na malasakit sa kanyang kapwa. At sa bawat nga paglalagay natin ng ating mga kamao, malapit sa ating mga puso ay ating ipinapahayag na kadiwa tayo ng isang pamayanang naghahangad ng kapayapaan at kabutihan ng loob at pagmamalasakit sa bawat isa.

 Ito ay tunay na diwa ng #dugongbaliwag #pusongbaliwag. 

Kailangan laging #magiliw #maagap #maaasahan #mahusay #magkakatuwang

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s