Dakilang Lumikha, kahit maiksi ay makabuluhan, malalim at makatotohan.

(Ang sumusunod ay ang panayam ng Baliwag News Service kay Baliwag Municipal Administrator Enrique Tagle at Public Information Officer Bong Sablan patungkol sa tagos sa pusong panalangin na dinadasal tuwing mayroong opisyal na gawain ang pamahalaang Bayan)










Maaring mapanood ang video sa pamamagitan sa pagclick dito Dakilang May Likha
BNS: Bakit po kailangan pa ng ganitong video ng panalangin at paano ito napili?


MA: Basta noong una ay gusto lang namin magkaroon ng isang common prayer at Philippine National AVP dahil gusto natin magkaroon ng isang community branding. Parang common aspiration, yung minimithi talaga ng bawat isang Baliwagenyo.

PIO: Hindi naman kami nahirapan na makahanap ng angkop dahil pagbukas namin ay ito na ang lumabas na kanta sa unang strategic planning namin. Sabi kaagad ni MA, yan ang prayer ng Galing Pook Foundation noong nag open siya ng judging one time.

BNS: Noong pinaabrupbahan ba ninyo ito kay Mayor ay nagustuhan nya kaagad?

MA: Sa tingin ko. Kasi sabi niya pagawa ka ng video. Sabi ko, ako gagawa. Kaso noong gumawa ako hindi naaprove ni Kuya Bong. Nagpagawa siya sa iba. Haha.

PIO: hahaha. Pinagawa namin si Royette. Medyo gusto namin ay nakatono sa unang video ng Philippine National Anthem.

BNS: Ano ang paborito ninyong linya sa panalangin? Ito ay kanta ni Gary Granada?

MA: yes. Alam ko may babaeng version. Ako ang paborito ko dyan yung turuan magparaya, gaya ng Iyong gawa… at saka yung upang maiwaksi ang lupit at dahas.


Si Mayor yung…

At samahang lumikha ng pamayanang payapa, sa kalikasan, kabuhayan, kakanya’t paniniwala.

 PIO: ako… bigyan Mo ng sapat ang lahat sa araw-araw.


BNS: Ang panalanin po ba na ito ay tumitimo kaya sa mga tao. Kumbaga naiinternalize ba nila ito?

PIO: sa tingin ko. Kasi very powerful yung prayer na yun e. Buong-buo ang panalangin. Ako personally, I am always in awe kasi parang you always submit to His mercy. Mangyari ang Iyong diwa sa langit at sa lupa.

​​​MA: ako din, una sa title pa lang there is a recognition that He is the creator of all things seen and unseen. There is faith. And then, submission to His grace. Hindi ba sabi doon, bigyan mo kami ng  sapat sa araw-araw...parang the Lord’s Prayer. Tapos sabi pa doon, He is a God of mercy and compassion, kalinga’t pang-unawa. At mahalaga sa bandanh dulo, tatlong beses natin sinasabi, siya nawa, parang thy Will be done. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s