UPDATED FARE MATRIX NG TODA

“Seryoso po at malalim ang ugat ng problema natin sa pampublikong transportasyon sa Baliwag.Hindi po ito simpleng problema ng pagsisikip ng daloy ng trapiko o magulong parking at terminal at iba’t- ibang presyo ng pasahe. Mga bunga na lamang po itong lahat. Kaya’t bago pa tuluyang lumala ang problema, kinakailangan po namin sa Pamahalaang Bayan na harapin ito na kapakanan ng mas nakararami ang motibasyon at layunin.”  – Mayor Ferdie V. Estrella,

 

Ang mataas na pasahe na dulot ng kawalan ng fare matrix ay nagbunga sa maraming Baliwagenyo na bumili na lamang ng single na motor na higit na mas matipid at mas mabilis. Sa tala ng Land Transportation Office (LTO), mahigit 13, 000 kada taon ang narerehistrong motor sa Baliwag o 264 kada araw na nangangahulugang mahigit 200 na potensyal na pasahero ang nababawas sa mga lehitimong tricycle driver ng Baliwag araw- araw.

Isa pa sa hayag na dahilan na magpapatunay sa dami ng single na motorsiklo sa ating bayan ay ang paglalaan ng malaking Parking Space ng SM City Baliwag para lamang sa nasabing mga sasakyan.

Ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag, sa pamamagitan ng Baliwag Tricycle Ordinance of 2004, ay bumuo ng Baliwag Tricycle Franchise and Regulatory Board (BTFRB) na silang mangangalaga sa kapakanan ng driver at mga pasahero.

Ginawa at inilagay sa mga tricycle na lehitimong namamasada, ang fare matrix kalakip ang ID ng mga driver. Ang fare matrix ay masusing pinag- aralan sa pamamagitan ng isang formula at ang komputasyon ay gaya ng sumusunod:

ITEM COST/ km
Fuel PhP 1.27
Tires PhP 0.50
Lube PhP 0.13
Batteries PhP 0.40
Chain PhP 0.03
Clutch Cable PhP 0.01
Break Cable PhP 0.01
Spark Plug PhP 0.01
Subtotal PhP 2.36
OM + Revenue 3.07
Depreciation PhP 0.75
Crew Cost (Tricycle Driver) PhP 5.13
Annual Fixed Cost per km PhP 0.16
Total Base Fare

(1st 2 kilometers)

PhP 20.00
Vehicle Operating PhP 3.00

 

Subalit, kinailangan itaas ang pasahe dahilan ng pagtaas ng gasolina. Ang BTFRB ay inanyayahan ang mga kinatawan ng pasahero parang sa isang pagdinig ukol sa kahilingan ng TODA Federation na taas pasahe sa tricycle ayon sa itinaas na presyo ng gasolina. Dinaluhan din ito ng iba’t- ibang grupo ng mag- aaral, guro, vendors at kapitan. Ang nasabing pagdinig ay isinagawa sa SB Session Hall noong Pebrero 2, 2017 at napagkasunduan na:

  • Ang fare matrix ay kailangan baguhin sapagkat ito ay base sa komputasyon na P38.00 na gasolina at ngayon ay pumalo na sa halagang P45.00.
  • Sapat na dagdag na katumbas na 18% o P4.60 ang pagtatas na ito.
  • Ang karagdagang P5.00 ay dinagdag sa base fare na P20.00 para sa unang dalawang kilometro.

Kung kaya’t ang updated fare matrix ay gaya na ng sumusunod:

                                      RUTA                               TODA Takdang Pasahe Pasahe Kada Byahe
Regular Student,

Senior Citizen

& PWD

BAYAN SM
Bayan   ₱15.00 ₱12.00   ₱30.00/ 2pax
SM   ₱15.00 ₱10.00 ₱30/ 2pax  
Bagong Nayon BNBB TODA ₱12.50 ₱10.00 ₱25/ 2pax ₱30/ 2pax
Barangka BPP TODA ₱20.00 ₱16.00 ₱60.00/ 3pax ₱60.00/ 3pax
Papaitan BPP TODA ₱25.00 ₱20.00 ₱75.00/ 3pax ₱75.00/ 3pax
Calantipay Calantipay TODA ₱25.00 ₱20.00 ₱75.00/ 3pax ₱75.00/ 3pax
Catulinan PC TODA ₱25.00 ₱20.00 ₱50.00/ 2pax ₱45.00/ 2pax
Pinagbarilan PC TODA ₱22.50 ₱18.50 ₱45.00/ 2pax ₱45.00/ 2pax
Concepcion-

Bungad/ Gitna

Concepcion TODA ₱12.50 ₱10.00 ₱25.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
Concepcion-

Dulo

Concepcion TODA ₱15.00 ₱12.00 ₱30.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
Hinukay Hinukay TODA ₱25.00 ₱20.00 ₱75.00/ 3pax ₱55.00/ 2pax
Matangtubig MT TODA ₱27.50 ₱22.00 ₱65.00/ 2pax ₱55.00/ 2pax
Pagala Pagala TODA ₱12.50 ₱10.00 ₱35.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
Piel Piel TODA ₱22.50 ₱18.00 ₱45.00/ 2pax ₱45.oo/ 2pax
Poblacion APT TODA, BA TODA, LB TODA ₱12.50 ₱10.00 ₱25.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
Sabang BS TODA,MP TODA, MC TODA, SC TODA, Sta.Elena TODA ₱15.00 ₱12.00 ₱30.00/ 2pax ₱35.00/ 2pax
Sabang Dulo BS TODA,MP TODA, MC TODA, SC TODA, Sta.Elena TODA ₱15.00 ₱12.00 ₱30.00/ 2pax ₱35.00/ 2pax
San Roque SR TODA ₱20.00 ₱16.00 ₱40.00/ 2pax ₱40.00/ 2pax
Sta. Barbara ASA TODA ₱15.00 ₱12.00 ₱30.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
San Jose SM TODA ₱12.50 ₱10.00 ₱25.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
Tarcan SM TODA ₱15.00 ₱12.00 ₱30.00/ 2pax ₱45.00/ 2pax
Tarcan Mulawin Bata SM TODA ₱22.50 ₱18.00 ₱45.00/ 2pax ₱45.00/ 2pax
Tarcan Mulawin Matanda SM TODA ₱22.00 ₱18.00 ₱45.00/ 2pax ₱45.00/ 2pax
Makinabang SM TODA ₱22.50 ₱18.00 ₱45.00/ 2pax ₱45.00/ 2pax
Sto. Cristo APO TODA ₱12.50 ₱10.00 ₱25.00/ 2pax ₱25.00/ 2pax
Sto. Nino SN TODA ₱17.50 ₱14.00 ₱35.00/ 2pax ₱35.00/ 2pax
Subic SS TODA, STS TODA ₱12.50 ₱10.00 ₱25.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
Sulivan STA TODA ₱20.00 ₱16.00 ₱40.00/ 2pax ₱40.00/ 2pax
Tangos

Bungad/ Gitna

TPA TODA ₱15.00 ₱12.00 ₱35.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
Tangos Dulo TPA TODA ₱20.00 ₱16.00 ₱40.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
Tiaong BTTI TODA ₱15.00 ₱12.00 ₱30.00/ 2pax ₱40.00/ 2pax
Tibag TC TODA ₱12.50 ₱10.00 ₱25.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
Tilapayong Tilapayong TODA ₱22.50 ₱18.00 ₱45.00/ 2pax ₱40.00/ 2pax
VDF VDF TODA ₱12.50 ₱12.50 ₱25.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
VDF- Northville VDF TODA ₱15.00 ₱12.00 ₱30.00/ 2pax ₱30.00/ 2pax
           

 

Ang pangarap ng ating mahal na Punong Bayan para sa lahat na tricycle driver ng Baliwag ay ang propesyong ito na kanilang pinili ay hindi dahil sila ay napipilitan lamang bagkus ay sa bawat pamamasada nila ay baon nila ang dangal, disiplina at integridad bilang mga tagapaghatid sa ating mga kababayang Baliwagenyo.

Ang Fare Matrix ay patnubay nating lahat. Para sa lahat ng driver. Para sa lahat ng pasahero. Para sa lahat ng Baliwagenyo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s