Kalusugan Para sa Lahat, Hatid ng Serbisyong may Malasakit.

18554992_1686880624658893_432691298_n

        Nito lamang buwan ng Mayo taong 2017 ay naaprubahaan at nalagdaan ang panukalang ordinansa bilang 5, sa Pangunguna ng ating Kgg. Mayor Ferdie V. Estrella, ang natalakay noong Marso 27, 2017 sa regular na sesyon ng sangguniang bayan ang ipinanukala ni Kgg. Maria Claudette Quimpo, ang ordinansa na nag lalayon na bigyan ng benepisyong pangkalusugan ang mga mangagawang nagtratrabaho sa barangay (Brgy.Tanod, Mother Leaders, Brgy.health Workers, Lingkod Lingap Nayon at Brgy.Population Workers) at ang mga nag hahandog ng boluntaryong serbisyo sa mga barangay ng Baliwag Bulacan.

          Ang panukalang ordinansang ito ay sinang ayunan at inirekomenda ng Kgg. Vice Mayor Christopher F. Clemente, at ng mga konsehal na nasa naturang pag dinig, Kgg. Jose Noel Pasual, Kgg. Emmanuel Balicanta, Kgg. Erlene Luz Dela Cruz, Kgg. Lee Edward Nicolas at Kgg. Generoso Ligon, samantalang ang dalawang konsehal na hindi nabilang sa pagdinig ay naka liban sa araw na yon.

Alin sunod sa layunin ng lokal na pamahalang Bayan ng Baliwag na makapagbigay ng suporta at serbisyong may malaksakit sa lahat ng baliwageño, napasinayangan nito lamang ang nasabing panukala at naitala itong  Ordinansa Bilang 5: ” An ordinance granting financial assistance for the hospitalization and medical needs of Barangay Workers and Volunteers, in Baliwag Bulacan”.

Nasasaad sa republic act 7160 section 16 na ang pamahalang lokal ay may katungkulang pag ibayuhin at panatilihin ang maganda at maayos na antas ng kalusugan ng mga mamamayan nito. Kaya naman ang pamahalaang bayan ng baliwag sa pangunguna ng punong bayan nito, Kgg. Mayor Ferdie Estrella, na siyang kumikilala sa halaga at importansya ng mga manggagawa ay nilagdaan ang ordinansa bilang 5 na nagbibigay sa mga kawani ng barangay at mga boluntaryong mangagawa rito ng benepisyong pang kalusugan na nag kakahalag ng 3000 piso sa oras ng pangangailangan ng isang kwalipikadong mangagawa na maari nyang gamitin sa pag papatingin sa ospital, gamutan at pagsusuri sa laboratoryo, ang kinakailangan lamang ay ang pag presinta ng kanyang Barangay I.D. at clearance mula sa Kapitan ng Barangay na kinabibilangan, Social Case Study mula sa MSWDO na nagsasaad estado ng kanyang kalusugan at apilasyon sa barangay, medical certificate mula sa ospital at ang billing statement mula sa ospital na isusumite sa Municipal Budget Office para sa pag proseso, ang benepisyo ay magagamit isang beses sa isang taon lamang.

     Sa pag lalaan at pagbibigay prayoridad sa kalusugan ng mga mangagawa ay inaasahan at naniniwala ang lokal na pamahalaang bayan ng Baliwag na mas bubuti at magiging mas episyente ang pwersang mangagawa ng Bayan ng Baliwag.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s