Baliuag University muling ginawaran ng Autonomous Status ng Commission on Higher Education

Muling ginawaran ng Autonomous Status ang Baliuag University ng Commission on Higher Education sa isang programa kaalinsabay ng pagdiriwang ng Philippine Higher Education Week. Ang pagkilala ay iginawad ni CHED Chair, Dr. Patricia Licuanan. 

Kasama sa mga dalubhasaan na pinarangalan ay ang Asia Pacific College, Misamis University, Philippine Christian University, San Sebastian College, St. Paul’s University QC, University of Asia and the Pacific, University of Perpetual Help  Delta, University of Immaculate Conception Davao. 

Ang isang Dalubhasaan na may Autonomous Status ay binibigyan ng kaluwagan at pribilehiyo na hindi sumailalim sa palagiang inspeksyon ng komisyon. Hindi na rin kailangan ng special order para sa mga programa nito gayun din ay ang karapatan na makapag gawad ng Honorary Degree. 

Ang Baliuag University ang kauna-unahang unibersidad sa Central Luzon na nabigyan ng ganitong pagkilala taong 2001.

Tinanggap ni Vice President for Administration and Finance, Monina Bustos-Santos at Vice President for Academics Dr. Flordeliza Castro kasama ang iba pang dekano at opsiyal ng  unibersidad. 

Ang kanilang pangulo, Dr. Patricia Bustos-Lagunda ay bibigyan naman ng parangal bilang Dangal ng Baliwag sa Larangan ng Edukasyon sa Mayo 25 sa Baliwag Star Arena. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s