PAGIGING MAGILIW, MAHALAGA SA PAGHAHATID NG SERBISYONG MAY MALASAKIT

Nitong nakaraang Lunes, ika-9 ng Mayo ay naganap ang unang Flag Ceremony sa buwan ng Mayo na pinangunahan ng Pambayang Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) sa pangunguna ng kanilang pinuno, Ms. Jo Lopez.

Ang tema ay ang pagiging MAGILIW. ayon kay, Mr. Gerard Tolentino, Social Welfare Officer, dapat laging tandaan na ang bawat empleyado ay dapat magiliw. Sa simpleng ngiti at pagbati ng magandang umaga, tanghali at hapon ay makakatulong upang maging komportable ang mga kliyente sa ating mga tanggapan.
Nabanggit din ni Mayor Ferdie na ang pagiging magiliw ay dapat ay sa lahat ng oras. Pagod man o abala sa gawain, ang pagbati ng naka ngiti ay nakakawala ng tension at nakakagaang ng loob. Sa ganitong paraan mararamdaman ng iyong tinutulungan o kausap na handa at bukal sa loob ang iyong pagtulong.

Binigyang parangal naman ang mga batang nag uwin ng karangalan sa Bayan ng Baliwag sa katatapos lang na Palarong Pambansa 2017.

Mico Flores Del Poso mula sa Montessori de Sagrada Familia na nag uwi ng 2 Golds, 1 Silver at 1 Bronze sa Swimming/Individual Event.
Si Shawn Joseph Castro na mula rin sa Montessori de Sagrada Familia na nag uwi ng Bronze sa Swimming/Relay
Ang kanilang coach ay si Mr. Jan Renomeron

Silver Medalist naman ang Tilapayonng Baseball Team sa pangunguna ni Coach Efren Sulit, Asst. Coach Mary Rose Lyn Flores at mga manlalaro na sina Angelo Aguilar, Carl Justine Cardenas, Ken Cyril De Dios, Reinan Kyle Jose, Lance Jershey Portugues, John Martin Santos, Mark Rainier Toribio na pawing mag-aaral sa Tilapayong Elementary School.

Sa Table Tennis naman, sina Peter Carlson Mercado at Waldner Seth Mercado ay parehong nagwagi ng tig-isang Silver at Bronze.
Ang team nila ay nagwagi ng Silver sa Team Event at ang coach ay si Mr. Seth Mercado.

Si Esmeralda Dimla na mula naman sa Sulivan National HighSchool ay nag uwi ng 1 Bronze medla sa 5,000 meters Walkathon. Ang kanyang Coach ay si Mr. Ragie Dionisio.

Binigyang Pagkilala din ang mga batang nagsipagtapos sa Taekwondo Clinic sa ilalim ni Master Ramelito Torres ng Sports Development Office.

Binati rin ni Mayor Ferdie si Mr. Eric Bautista ng Brgy. Sto. Cristo sa kanyang pagkilala bilang isa sa mga Bulacan Outstanding Administrators, Teachers, Supervisors ngayon taon. Siya ang punong-guro ng Sta. Maria Central School.

Gayun din ang mga nakapasa sa BAR Examinations na sina Konsehala Atty. Erlene “Pechay” Dela Cruz at Atty. Paula Bianca De Jesus ng Tanggapan ng Pambayang Tagapangasiwa (Municipal Administrator).

Pinapurihan ni Mayor Ferdie ang maganda at maayos na pagbubukas ng Baliwag Buntal Festival 2017 nitong  nakaraang Biyernes, ika-5 ng Mayo kasabay ang pagbubukas ng Mag Food Trip sa Baliwag. Pinasalamatan nya ang lahat ng magkakatuwang at nagtulong-tulong maisaayos at maisakatuparan ang naturang festival.

Nabanggit din nya ang matagumpay na Sikadsaysayan na pinangunahan ni Batang Baliwag, Tanggapan ng Turismo, Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan, Pangkat Saliksik ng Kasaysayan sa Baliwag o Pasakaba Baliwag at Baliwag Historical Association.

At sa pagtatapos ng lingguhang Flag Ceremony, ipinakilala ang mga sumali sa Biggest Loser na sina Brilliant Santos, Danica Vergara, Heherson Cruz, Rosella Hernandez, Danica Vergara, Ma.Cristina Cordero at Elizabeth Lopez. Ang nagwagi ay ang may pinaka mataas na porsyentong nabawas sa kanyang timbang. Si Heherson Cruz, muls sa Mayor’s office ay unang tumimbang ng 100.40 kilos at sa huling timbangan sa araw na iyon ay may timbang na 84.90 kilos. Siya ay nakatanggap ng P50,000 bilang premyo.

Ang pagiging MAGILIW ay likas sa ating mga Pilipino, lalo na sa ating mga Baliwagenyo. Kaibigan man o pamilya, kliente o kasamahan sa trabaho, ugaliin natin na maging MAGILIW sa bawat tao na ating makakaharap at makakasalamuha, anumang estado, saan mang lugar at situwasyon, ito ay sumasalamin sa ating pagkatao at bilang isang kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, sapagkat kaakibat nito ang pag bibigay ng Serbisyong May Malasakit!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s