Baliwag PIO naglabas ng iskedyul ng Buntal Festival ngayon lingo Mayo 8-14.

Nagpalabas ng Calendar of Activities ang Baliwag Public Information Office para sa Lingo ng Mayo 8-14 kaalinsabay ng pagdiriwang ng Buntal Festival 2017.


Ngayon Lunes ay isasagawa ang paglulunsad ng Barangay BIDA  sa Araw ng Barangay. Ito ay ang Barangay Innovation for Development Awards – ito ay programang panghikayat sa mga barangay na gumawa ng mga natatanging inobasyon sa kanilang mga regular na gawain na makapagbibigay ng mahusay na paglilingkod ng pamahalaan sa hanay ng barangay.  Matatandaan na palagiang sinasabi ni Mayor Ferdie na mahalaga sa kanya ang barangay sapagkat dito nagmula ang kanyang paglilingkod.

Sa Mayo 12, Biyernes naman ay ang Hugot at Harana, kung saan ay magtatampok sa walang bawal-walang tama-walang mali na pagbulalas ng mga nasasaloobin ng mga kabataan sa pamamagitan ng tula o awit. 

Sa Mayo 13 naman ang Pre-Pageant Night – Talent Competition ng Ginoo at Binibining Baliwag na gaganapin sa Glorietta Park.

Sa Mayo 14 ang Fancy Pigeon Show sa ganap na ika-8 ng umaga at MOTOGymKhana sa ganap na ika-10 ng umaga sa SM Open Parking.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s