Citizen’s Charter, sumasalamin sa tunay na Serbisyong May Malasakit

Bilang pagpapatunay sa mga katagang “Serbisyong May Malasakit”, ang mabuting pamahalaan ng bayan ng Baliwag ay nagtala ng Citizen’s Charter sa bawat tanggapan nito. Ito rin ay bilang pagsunod sa Republic Act No. 9485 o Anti-Red Tape Act.

Nakasaad sa RA 9485 ang mga tuntunin tulad ng malinaw na pagtatala ng dokumento at maayos na pagsasagawa ng mga serbisyo ng gobyerno. Ito ay upang maihandog ang nararapat na serbisyo sa bawat mamamayang Pilipino.

Ang Citizen’s Charter ng bawat tanggapan ay naglalaman ng mga sumusunod: uri ng serbisyo, mga kinakailangan, mga detalyadong hakbang/proseso, panahong gugugulin sa bawat proseso, halaga o bayad ng serbisyo, responsableng tao at kliyente. Mahalagang mailahad ang mga prosesong ito upang mas maunawaan ng bawat Baliwagenyo ang kanilang nais na serbisyo.

Sa pamamagitan ng Citizen’s Charter  naipababatid ng mga kawani ng pamahalaan ng bayan ng Baliwag ang kanilang katangian ng pagiging magiliw, maagap, mahusay, maaasahan at magkakatuwang.

Sa mga nais pa ng karagdagang kaalaman patungkol sa Citizen’s Charter ng pamahalaan ng bayan ng Baliwag, maaaring bisitahin ang official website, http://www.baliwag.gov.ph/government/citizens-charter/.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s